Chapter 7: Isang madilim na sulok ang kaniyang kinatatayuan, nanatiling kumakabog ang t***k ng kaniyang puso dulot ng takot niya sa isang aninong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sumikip ang dibdib niya’t halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga. Nawawalan siya ng lakas at ang nais lamang niya'y magising kung siya'y binabangungot man. Nakasuot ang anino ng tsaketang may talukbong kaya'y hindi niya makilala ito. Pumaibaba ang lumuluha at nanlalaking mga mata niya upang titigan ang kamay nito. Isang pistol ang kinasa ng anino. Sumunod lang sa kilos ng kamay ng lalaki ang kaniyang titig. Ang mosyon ng kamay ng lalaki ay paangat hanggang sa maitutok nito sa kaniya ang pistol. Ang mga kamay niya ay nanginginig na humarang sa sentro ng pistol kahit alam niyang hindi siya kayang p

