Chapter 8: Ang galit niya at inis sa Celine na iyon ang dahilan upang mabilis niyang natapos ang nilabhan niyang kumot at mga hapin ng kama. “Ineng, bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo? Nag-away na naman kayo ng Amo mo?” “Wala naman pong bago roon, Mang Topeng. At sa pagtutuwid lamang ng iyong winika, hindi po kami nag-aaway. Siya lang naman ang palaging umaaway sa akin.” “E, bakit ganiyan ang ekspresiyon ng iyong mukha? Tila ba ay daig mo ang petsa de peligro. ‘Yan ba ay dulot ng pagpapalaba niya sa iyo ng mga makakapal na hapin at kumot?” Tinaas niya ang kaniyang mga kamay at umunat. Inabot niya ang kaniyang batok at marahan niya itong minasahe. Namanhid kasi ito dahil sa kaniyang pagyuko. Pagkatapos ay kaniyang tiningnan ang Mama. “Mang Topeng, kahit isang sakong hapin at kumot an

