Matamis ang ngiti niya sa mga labi nang ihatid siya ni Lance sa guest room katabi lang ng silid nito. Sa guest room siya pinatuloy nito. Alam niya sa sarili na kaya-kaya niyang matulog sa silid ng amo kung pagpapatuloy niya ang pag-iinarte, pero hindi na lang niya muna ginawa. Uunti-untiin muna niya ang pang-aakit kay Lance—dahan-dahan hanggang sa mahulog na sa kanya nang tuluyan ang binata at iwan na nito si Claire. Effective ang pag-iinarte niya kanina; ramdam niya ang matinding pagpipigil ni Lance na huwag maakit sa kanya. Niyuko niya ang sarili at lalong napangiti nang makita ang itsura ng suot niyang puting polo ng amo—labas na halos ang mga dibdib niya. Isama pang abot lang ang polo sa may pang-upo niya at litaw na litaw ang mga magagandang dibdib niya. “You are mine, Lance. Ga

