Chapter Twenty-eight Sandy's POV "Pakasalan mo muna ang kaibigan ko!" sambit niya na ikinalaki ng mata ko at ni sungit. "What the fudge?!" bulalas ni sungit.Maging ako napangiwi. "ANONG WHAT THE FUDGE SINASABI MO! HULI NA KAYO SA AKTO TAPOS IDEDENY MO NGAYON? PAKASALAN MO ANG KAIBIGAN KO!" sigaw pa ni Karena. "H-huy Karena! Tigilan mo nga 'yan!" awat ko sa kanya habang hinihila ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa braso ni sungit. "My gash Sandy! Talaga ba'ng isinuko mo ang bataan sa gwapo'ng ito?!" inis na bwelta sa akin ni Karena. Ngumiwi ako at napakamot ng ulo. "B-bataan?" "Get off!" muling sumigaw si sungit. Bagot na bagot na ito at tila nayayamot na sa higpit ng hawak ni Karena sa braso niya. "Ano--" Natigilan kaming tatlo ng biglang may kumatok sa pinto. Saba

