Chapter One
Warning: PLAGIARISM IS A CRIME!
Synopsis :
Maraming pagkakataon na isinisisi natin sa ating sarili ang mga pangyayaring hindi natin inaasahang mangyari.
Hindi natin namamalayan na hindi lamang ang sarili natin ang naapektuhan kung hindi pati na rin ang mga taong malapit sa atin.
Nagiging makasarili tayo ng hindi natin nalalaman.
Mas pinahahalagahan ang pansariling nararamdaman kaysa maging totoo sa taong konektado sa atin.
Hindi habambuhay ay maaari natin itong gagawin. Hindi habambuhay, magpapatali tayo sa dilim at poot.
May inilaan ang Diyos upang hawiin ang sakit sa ating mga puso. May inilaan siyang instrumento upang malapagpasan ang dagok na ating kahaharapin.
We deserve a second chance.
Atin itong pahalagahan. Let go off the dark side and opt the light. Accept that instrument, and take a risk if needed.
We only live once and there is no second chance.
A story where hatred became his way to love....
"I Love The Way You Hate me"
************
Title: "I Love The Way You Hate me"
Chapter 1.
Meet Mr. Sungit
Wala ng intro intro!
Late na ako.
Late na talaga ako!
Sobrang nagmamadali ako dahil may long quiz kami at hindi ko maaatim na bumagsak dahil sa banta ng mahal kong guro last week, na kapag bumagsak pa ako sa long quiz niya ngayon ay baka madedelay na talaga ako ng graduate.
Tae kasi si Manong driver, may panahon pang manligaw kay Manang.
Hindi na ako nakapag-almusal, hindi na rin ako nakapagsuklay at lalong hindi rin ako nakapag tootbrush! Kadiri na talaga ako!
Sa pagkarami-rami ng oras ay biglang tumunog ang cellphone ko.
At aba, sana naman ay hindi sa ganitong sitwasyon ako tatawagan ng kung sinuman na walang awa. Bigat na bigat na nga ako sa dala kong packbag, doble pa ang mga dala ko sa kamay.
Kinapa ko ang bulsa ng uniform ko, habang ang isang kamay ko naman ay bitbit ang mga makakapal na libro na isusuli ko sa library mamaya. Hindi konaman talaga binasa ko ang mga ito.
Nasa gate na ako ng makapa ko ang cellphone ko sabay sagot upang tumigil sa ka-riring. Mahuhuli na nga ako ay may oras pa akong sagutin ito.Hindi ko alam pero sabi ng ego ko, sagutin ko raw, so heto na nga.
Beffy Karena calling...
Mabilis ang bawat hakbang ko.
Nasa hallway na ako ng marinig ang sigaw ni Karena sa kabilang linya kung kaya bahagyang inilayo ang cellphone sa aking tenga habang napapikit dahil sa tinis ng boses niya.
(BEFFFYY COMING NA SI SIRRRR! ---)
At kung minamalas ka nga naman talaga! Malakas na bumagsak ang aking mahal na pwet sa semento na ikinadaing ko gawa ng matigas na katawan ng kung sinumang nabangga ko.
"Sh*t!" narinig kong pagmumura niya.
Matindi! Siya pa itong may ganang sumigaw,siya na nga itong bumangga sa magandang kong katawan.
"Hay naku kuya! Wag mo kong mamura mura diyan kung ayaw mong masaktan--" pagdadabog ko habang nagmamadali akong pulutin ang mga libro na tumilapon kanina gawa ng pambabangga ng isang ito sa akin.
Napatigil ako ng sa pagdadabog ng makita kong iniaanot nito ang isa sa libro.Unti-unti akong napaangat ng ulo at dumiretso ang tingin ko sa mukha niya.
"Omo" automatic na lumabas sa bibig ko.
Mabilis na nagbago ang isip ko.Hindi maaaring masira ang umaga ko dahil sa napakagwapong nilalang sa harap ko ngayon.
Hindi ako minamalas,kung tutuusin ay siniswerte ako.
Heto na ata iyong mga napapanood ko, ang magkakabanggaan ang dalawang bida sa pelikula lalo't poging nilalang pa. Agad siyang magkakagusto sa akin at ang wakas ay magiging mag asawa kami! Waah! Hindi na ako makapaghintay!
"Oo na, sinasagot na kita mahal" pagpapakyut ko sa kanya habang malagkit na inaabot ang libro sa kanya.
Ngunit, imbes na iabot iyon sa akin, mabilis nitong binitawan gawa upang mahulog iyon sa sahig at mabagsakan ang may ingron kong paa.
"Stupid. Tss! " malamig nitong saad saka ako nilampasan.
Double kill!
Naiwan akong nakanganga sa kawalan.
Ang bilis naman ng heartache ko.
"Miss? Grade 10 ka ba?"
Agad-agad ay naputol ang bawat pangarap ko para sa aming dalawa. Ang buong akala ko ay siya na ang the one ko nang kami ay magkabanggaan.
Pero bakit agad ay iniwan niya ako? 'Di ba dapat ilalahad niya ang palad sa akin at mabibighani sa kagandahang taglay ko?
"Hey Miss"
Ang gwapo ni kuya mahal.
Lalo yung mga mata niyang nakakaakit. Ang ilong niyang gawa sa America. Ang kutis niyang malapipino. At ang mga panga niya! Ang panga niya ay maaaring maka--
"HEY MISSS!"
Nagulat ako ng biglang may pumalo sa balikat ko.
"Asdfghjkl.Inaano kita?" galit kong turan.
"Kanina pa kita tinatanong kung grade 10 student ka ba?"tanong nito.
Natigilang muli ako.
Sa mukha na niya ako nakatingin.
Ang kawaii naman! Aba Sandy! Lapitin ka ata ng gwapo ngayong araw.
"Ah oo p-pero--" nahimasmasan ako ng maalala ko ang nagbabantang mukha ng teacher ko last week.
LATE NA NGA PALA AKO! WAAAH ANONG BA ANG GINAGAWA KO DITO!
"Miss teka lang...."
//////
Bagsak ang mga balikat ko habang iniisip ang mukha ni sir kanina.
Ang dami kong tinanggap na sermon. Bukod pa riyan, mag- isa lang akong nasa office niya kanina para mag quiz at wala akong makopyahan.
Wala klase ang buong fourth year pagkatapos ng first subject kanina hanggang lunch break dahil may inaayos daw. Hindi ko naman alam kung anong ayos iyon.
Bahala sila kahit buong maghapon pa na walang klase. Mas sasaya pa ang utak ko.
Lunchbreak namin at panay reklamo ako kanina.
Kumusta naman kaya ang long quiz ko?
Sinubukan ko namang intindihin ang mga lesson niya pero talagang walang gustong pumasok sa kukuti ko. May ubo ba utak ko kaya takot pumasok ang mga dapat pumasok?
At heto pa nga, walang tigil sa kakakantyaw ang best friend kong si Karena dahil sa kinwento ko kanina. Mula kay kuyang masungit tapos kay kuyang kyut. Tapos ang mga nakakahiyang pinagsasabi ko.
Ays. Automatic kasing bumubukas ang bibig ko kapag naeexcite ako. Kung ano ang huling iniisip ng isip kong makitid, iyon ang lalabas sa sira kong bibig. Aggck!
"Baka naman mula sa first section ang na-meet mo kanina Sandy?" aniya. Katatapos lang niyang tumawa.
"Madalas kasi sa section nila ang may ganoong itsura base sa deskripsyon mo" dagdag pa niya.
Aba malay ko ba. Maraming pogi sa campus kaya 'di ko na maisa-isa kung sino at anong section sila. Basta familiar din sa akin ang mukha nila.
"Sino?" napatigil si beffy ng dumating ang taong hindi dapat dumating, si Vem.
"Ikaw ang sino?" pagtataray ni beffy kay Vem.
Buti naman at naitanong ni beffy iyan.
I am Sandelle Seville. Sandy for short. 5"3'.
Blood type A. Shoulder length ang maitim kong buhok.
Skinny and pretty.
'Di ako magaling sa lahat ng bagay gaya ni Kotoko Irie ng Love in Tokyo. Para magkaalaman na ng mas maaga.
Kasama ako sa graduating class kung papalarin naman. Kaklase ko rin ang mapanakit kong bestfriend na madalas kong kopyahan tuwing exams, quiz, assignments at marami pang iba, si Karena Jehan Revas at ang lalaking binara niya kani-kanila lang ay si Wave Vem Rouvees, ang ex-boyfriend niya na ngayon ay gustong manligaw ulit.
Naghiwalay sila ng dahil sa nakita nitong may ibang babaeng kasama si Vem nang minsan ay gumala kami sa mall ni Karena.
Hindi na niya pinagpaliwanag pa, hiniwalayan niya agad kahit pa hindi na nakapag-explain si Vem.
Kaya heto, kinukulit niya pa rin at nagpipilit na pakinggan siya ni beffy.Pero madalas binabara lamang siya pero sanay naman ata siya base sa obserbasyon ko. Himala na nga at nag-uusap na silang dalawa pagkatapos ng ilang buwan nilang pag-iiwasan.
Pero ang dami ko ng kwento at dada.
Bahala na nga sila.Basta ako,single since birth. Sumpa na ata ito sa akin. Wala atang balak manligaw sa akin, siguro ay dahil mahina ang utak ko.
Pero ayos lang,hangga't single si Lee Minho ay mabubuhay ako. Fighting!
///
At dahil hindi talaga naman uso sakin ang pakikinig,kasalukuyang nalilito ako sa mga nangyayari dahil ang ibang mga kaklase namin ay nagpapaalaman pagkatapos ipatawag ng isa sa mga guro ang ilan sa mga kaklase namin. Swapping na daw.
Swapping ano naman kaya yun?
"Bruha! Same section parin tayo--teka anong mukha iyan?" tanong sa akin ni beffy na tila hindi nagtataka sa mga nangyayari. Nagpalinga linga ako sa likod para tignan si crush number 99.
"Nasan na si crush 99?!"napakamot ako ng ulo. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita sa ganitong oras.
"Baka nakakalimutan mong swapping ngayong araw te?" mapanuyang wika ni Karena.
Swapang?! Ano ba iyon?
"Hala te, baka nakakalimutan mo ang tungkol sa tradition ng school na tuwing sasapit ang 2nd quarter ng school year ay magkakaroon ng class swapping?" napakunot muli ako ng noo ko. Pati batok ko kumakati na rin dahil nalilito ako.
Malay ko ba sa swapping!
"Sige na, tanggap pa rin kita kahit mahina ang utak mo. Kaya i-explain ko sayo kasi bruha ka" litanya niya.
Abah,masakit naman ata iyan?
"Heto nga te, kalahati ng bilang ng class natin ay ililipat sa first section at kalahati naman mula sa kanila ay mapupunta sa atin. At ngayon ang araw na iyon, excited na ako." nakakunot pa rin ang mga noo ko.
Four sections lang kami.
Nasa section two ako. Ewan ko nga kung bakit nasa section two ako. Kung tutuusin ay dapat hindi ako katanggap tanggap sa paaralang ito kung hindi dahil kay Pops.
"Bakit may ganon?" muling tanong ko. Mahina ako sa pag-intindi.
"Te, tradition nga. 'Di ka ba na-informed last year? O sadyang - - hay nevermind. Ask mo nalang si Mr. Principal, para masagot ang lahat ng katanungan ng bawat kunot at linya sa noo mo"
Luh. Malay ko sa ba kasi sa swapeng na iyan.
Ang dami pang nalalamang tradition, bobo pa rin ako.
Mas masaya kung magpapahinga muna ang utak ko para naman may energy mamayang uwian.
Baka matagalan pa sila sa mga inaayos nila. Kaya isinubosob ko ang ulo ko sa desk para makalimutan ang lahat ng bagay na nakaka stress lalo na ang sinasabing swapeng ni Karena.
...
"Miss Seville!" naalimpungatan ako ng may sumusundot sa tagiliran ko. Binalewala ko iyon dahil hirap akong imulat ang mga mata ko. Masakit ang mga talukap ko. Kung kailan naman napapasarap ang tulog ay saka susundot ang sumusundot sa akin.
"Miss Revas, back to your seat. Let me handle her" dinig kong tinig sa kawalan.
"MISS SEVILLE! YOU'RE NOT ALLOWED TO SLEEP DURING MY CLASS!"
"TAHO!" ubod lakas kong hiyaw ng may kung anong bumagsak sa harapan ko.
Nakikita ko ang mainit na TAHO sa umaga ngunit nabasag iyon gawa ng malakas na pagbagsak ng anumang bagay sa harapan ko.
Nahimasmasan ako ng mapagtanto ko na kasalukuyang nasa classroom ako. At ang pinakamalala ay kasalukuyang nasa harapan ko si sir Pugante. Nakakatakot ang mga titig sa akin. Mukang lalamon ng tao ng wala sa oras.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko upang siguraduhing hindi ako nanaginip.
"S-sir" napakagat lab ako habang inililibot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Wala na si beffy sa tabi ko.
Muli kong sinampal ang psingi ko upang magising kung saka sakaling nanaginip man ako.
"P-patay, totoo nga" napalunok ako habang nakatingin ang lahat sa akin. May mga hindi ako namumukhaan sa mga studyante na nandito sa classroom namin. Heto na ba ang swapeng na sinasabi ni Karena?
"Miss Seville, you are not allowed here to sleep." matigas na wika ni sir na nagpanginig ng mga tuhod ko.
"E-eh kasi sir,m-masakit ho ang u-ulo ko kaya - -" paikot-ikot ang mga mata ko sa kaiisip ng maaaring ipapalusot ko para makaiwas sa kahihiyan.
Bobo na nga ako, gagawa pa ako ng hindi nakakatuwang bagay.
"Mga palusot niyo talaga ay hindi nakakabilib.
Ang sabi ko, sa tabi ka ni Mr. Dela Quente umupo" aniya.
Sinong Mr. Dila Kwenta ? Ayaw ko namang magtanong pa baka madagdagan pa ang atraso ko at dagdag sermon pa.
Kinuha ko ang mga ilang gamit ko sa upuan ko at nagpalinga linga kung saan si Mr. Dila - - sino nga ulit.
Napalunok uli ako ng kasalukuyan parin nasa akin ang atensyon ng lahat.
"Here, Miss" kaway sa akin ni kuya. W-wait, bakit pogi ni kuya?
Namumukhaan ko pa ata siya. T-teka lang.
Nevermind na.
Baka isa sa mga 99+ crushes ko dito.
Salamat naman at may pamalit na ako sa crush #99 ko.
Wala sa sarili akong lumapit sa itinuturo niyang bakanteng upuan sa tabi niya.Dali dali kong inilapag ang bag ko at umupo ng hindi umiimik. Nakakahiya kasi.
Nginitian lamang ako ni kuya nang tuluyan akong makalapit.
"Alright, that is your permanent seat from now on. Don't you dare to change your seat or else you'll be suspended" litanya ni sir na nakapamaywang pa sa harap. Parang hindi namahiya ng studyante niya. Kalbo talaga!
Suspended daw.
So papaaano naman ako ngayon? Sinong kokopyahan ko tuwing quizzes at exams? Itong crush ko dito? Aasa ba ako?
"Kyaaaa!Si Herrera!" impit na tili ng mga babaeng kaklase ko na ikinagulat ko rin. Maging si kuyang katabi ko ay nadako ang tingin sa pinto.
Napatingin silang lahat sa iisang direksyon. Automatic din ang mga mata kong maki-usisa sa kasalukuyang tinitilian nila.
"Oh Mr. Herrera, welcome"
Natigilan ako at napatanga sa kanya.
Omo.
Hindi ako pwedeng magkamal. Siya si mahal,ang lalaking nabangga ko kaninang umaga. Siya talaga. Siya! Siya nga ang future ko. Ba't ang handsome naman Lord?
"Get your eyes off me tss." Omo. Pati boses niya ay makalaglag panga. Alabyo Mr. Principal,sa mga studyanteng buong puso niyong tinanggap upang busugin ang mga gutom namin puso.
Naglakad siyang akala mo nasa entablado at nagmomodel.
OMG. Matangkad si mahal!
T-teka lang naman Lord, bakit naman papalapit siya sa kinaroroonan ko.
Naninigas ako at pinilit kong huwag tumingin sa kanya. Baka kasi ano na namang kabaliwan ang ilalabas ng bibig ko lalo pa't sa bakanteng upuan siya umupo na katabi ng upuan ko!
Omo.Bakit naman siya sa tabi ko siya uupo? Omo
Heto na ba ang sign? Na love at first sight ba siya sa akin kanina? Kaya heto at sinundan din ako sa klase? Aba! Sandy hayop ka, ang ganda mong dilag!
"Alright, gaya ng sabi ko, that is your permanent seat. By the way, I'll be out for a while. Just bring out your Mathematics book and answer page 88.Let's discuss that later when I'm back" bilin ni sir bago tuluyang lumabas.
Bawal din mag-ingay dahil nakabantay ang monitor ng class.
"Hey!" nagulat ako ng biglang nagsalita ang nasa kaliwa ko, si mahal ladies and gents. Iyong kahit gilid lang ng mata ko ang gumalaw ay kitang kita ko na sa akin siya nakatingin. Well, magpapahard to get ako ano ba.
Dito na rin ata kami magsisimula ng intimate relationship.
Intimate? Basta. Magmamahalan kami ng mapusok.
"Tek-" ibubuka ko na sana ang bibig ko ng bigla namang sumagot ang nasa kanan ko.
Hayop, mali ata ako.
Siya pala itong kausap ni mahal? Magkakilala ata sila.
"I'm in the list kaya wala kang magagawa kung magkaklase pa rin tayo" aniya.
"Tss. You're so annoying" giit ng nasa kaliwa ko.
Buti nalang at 'di ako sumagot, siguradong kahihiyan na naman ang aabutin ko.
"Always" saad naman ng nasa kanan ko.
Bakit ba sila nag i-englisan. Dudugo ang ilong ko kapag nagpatuloy pa ito.
"Tss"
"Don't mind him. Anyway I'm Tobi Dela Quente,sa section one ako galing pati na rin siya "pakilala ng nasa kanan ko. Napatingin ako kay crush number 99 habang ngumuso sa kaliwa ko.
"Ah, hihi Sandelle Seville naman ang pangalan ko, pero Sandy lang para mada--teka ikaw 'yong--Ahhh oo ikaw nga! Abah naman crus--este ikaw ang top 2 ng buong academy hindi ba?" napasobra ata ang tanong ko. Siya nga ang top two sa entrance exam!
Humalakhak lang siya ng marahan.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Ngumiti lang siya sa akin.
"Let's be friends Sandy" aniya.
"Friends lang?" biglang sabi ko na maging ako ay nagulat. Malanding bibig!
"Hu--"
"Ahh ibig kong sabihin oo, yes pwede naman. wer frens, you know" napalunok ako dahil sa bibig ko. Tumawa ulit siya.
"You know, you're interesting" nakangiti siyang binuklat ang aklat na nasa harap niya at hindi na muling tumingin sa akin.
Nalipat naman ang tingin ko kay mahal. Kasalukuyang nakasubsob ang ulo sa desk. Kinuha ko ang aklat ko at binuklat iyon sa page 88.Gusto kong maluha sa pinapasagot ni sir.
Nagpalinga linga ako. Nasa second row si beffy at kasalukuyang nakatingin sa akin.
"Pakopya!" tanging hangin lang sa bibig ko ang lumabas. Ngumuso naman siya sa monitor namin na kasalukuyang nakacrossed arms at nakataas ang kilay na nakamasid sa akin.
May rules kasi sa classroom na dapat sundin.
Unang una, bawal ang malate, mag-ingay, lumabas ng hindi nagpapaalam, lalong lalo na ang matulog sa klase ay bawal.
Kung lalabagin mo, ikaw ang maglilinis ng buong classroom for 2 weeks plus 200 pesos penalty. Yayaman talaga ang Pilipinas.
Pero ang pinagtataka ko, hindi man lang sinisita ni monitor itong si mahal na kasalukuyang natutulog.
Hindi ba ito sasagot?
Lah, 'wag naman ganun. Ayaw kong mangyari kay mahal iyon. Kahit alam kong feeling close agad ako ay kakalabitin ko na. Concern ako para sa kanya kahit ilang minuto palang kaming nagsasama.
"Wuyy" sabay kalabit sa kanya.
Bigla niyang inaangat ang ulo niya at inis na inis na tinignan ako.
"What?!" inis niyang tanong. Hala ang gwapo.
"M-mah--may sasagutan tayo sa math" ngumisi ako.
Nanatiling nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang mga noo. Pogi pa rin. Bakit amperfect ng mukha nito?
"Then?" inis pa rin niyang tanong.
"Ba't amperpek ng pagkakahulma sa muka m--asdfgghkl." napatakip ako ng bibig.
"Ang ibig kong sabihin kailangan mong sumagot kasi--" napangiwi nalamang ako sa mga binibitiwang salita ng bibig ko.
"Don't talk to me, stupid.Tss" kasabay ang masakit na irap at muli niyang isinubsob ang ulo sa desk niya.
Mahal naman. Bakit ang sungit sungit mo naman?