Chapter 2 : Meet Him Again Unexpectedly
(Sandy's POV)
Isang linggo na mula ng magtagpo kami ni mahal, este ni sungit na Kyle Lee Shawn Hererra. Madalas niya akong sinusungitan at tinatawag na stupid. As in madalas. Nakaukit ba ang stupid sa noo ko?
Tuwang tuwa ang mga kaklase ko sa paglipat ng section nila sa amin. Si Tobi naman madalas ko ring kausap. Medyo close na nga kami ni crush 99. Ito na nga yung simula.
Ang buong akala ko, kay mahal ako sasaya pero dahil nandito na si crush 99,siya na ang bagong mahal ko. Lol
Sabado ngayon, gaya ng nakagawian ko, naglalakad lakad ako sa loob ng subdivision. Wala rin kasi akong kasama sa bahay. Nag iisang anak ako. Tinamad ata sina Pops at Moms na gumawa ng kapatid ko.Lagi naman kasi silang out of town dahil sa business nila.
Parehong workaholics ang dalawa pero hindi naman sila nagkukulang sa lahat ng kailangan ko.
So ayun na nga, naglalakad lakad ako para naman ma exercise ang binti kong malaki. Napansin ko ang dalawang malalaking puno sa may bakanteng lote. Madalas ko rin itong madaanan pero ngayon gusto kong puntahan para lumanghap ng preskong hangin.
Lumapit ako doon at nagselfie sa isang puno.
Napapikit ako ng maramdaman ang preskong hangin sa balat ko.
Saka iminulat at sa gulat ko, isang nilalang ang nakahiga sa damuhan malapit sa isa pang puno.
May nakatakip na sombrero sa ulo nito habang ang mga kamay niya ay nasa ilalim ng kanyang ulo.
Napalunok ako.
May multo ba sa tanghaling tapat?
Nagpalinga linga ako. Walang tao sa paligid. At nasisiguro kong ako lang ang tao dito kanina.
"wuy! ikaw! Multo ka ba sa araw?!"sigaw ko.
Nakita ko ang pagkilos ng kamay niya. Pero hindi iyon sumagot.
Multo nga. Omo
"a-anong k-kailangan mo? Sinusundan mo ba ako?! Hindi kita matutulungan sa mga taong pumatay sayo. Ordinaryong tao lang ako kaya--"
"ANG INGAAY MO TSS!!!!!"
Omo.
No way.
No no no way.
"K-kyle!" bulalas ko ng mamukhaan ko ang lalaking nakahiga sa damuhan.
Halata ang inis at yamot sa mga mata niya.
"ARE YOU A STALKER!?!" giit pa niya. Ang kapal naman mahal. Kung alam kong nandito ka kanina pa, eh di sana nauna na ako bago ka pa dumating.
"asa ka!" sigaw ko rin pabalik sa kanya. Kala mo naman talaga.
"get lost" utos niya. Bumangon siya at sinulyapan ako.
Napatingin siya sa akin at nakita kong nagbago ang ekspresyon nito kasabay non ang pag iwas sa mga titig ko.
Ang gwapo niya sa suot niyang stripe black and white tee-shirt.
"taga dito ako, ikaw taga dito ka ba?" giit ko rin.
"who cares stupid?" irap niya.
"Hindi ako stupid!" giit ko. Kainis. Stupid siya ng stupid.
"yeah brainless"
"SUNGIT!" sigaw ko. Nakakainis na to ah. Alam ko namang kinulang ng isang piraso ang utak ko pero wag naman sanang ipamukha pa.
"SUNGIT SUNGIT KALA MO NAMAN TALAGA!"
"WHAT?!"
"ANONG WHAT WHAT KA DIYAN! PORKET GWAPO KA KALA MO DI KITA PAPATULAN?!"
"Crazy!!"
"PAPATULAN TALAGA--"
"now don't talk to me boneheaded tss"
_________________________________________
Lunes na naman. Aral na naman.
Pero dahil may inspirasyon ako, papasok parin ako! Right!
Si Tobi mylabs ang lakas ko na ngayon. Crossed out na si sungit.
Lagi niya akong sinasaktan. Break na talaga kami. Hindi ko na siya mahal.
"wuy Sandy!" kalabit sa akin ni beffy. Nasa likod kami ng school buildings kung saan may kiosk at garden na pwedeng tambayan. Malamig at tahimik.
"Ano na naman ba iniisip mo at mukhang manang ka diyan?" dagdag pa nito.
"Wala" sagot ko. Wala naman kasi talaga. Naiisip ko lang naman ang mga crushes ko kung kumusta na ba sila, kung kumain na sila.
"Baka naman kasi yung Tobi? Pansin ko, close na close na kayo" giit ni Vem na nagpalaki ng butas ng ilong ko. Close na ba kapag sumasabay siya sa aming kumain at makipagbiruan? Minsan ang weird niya. Minsan naman ang bait niya kasi dinadalhan niya ako ng makakain o kaya maiinom. Minsan, hindi madalas nga pala, ang kyut niya.
"Oo nga ano? Bakit di ko naisip yan Wavey?"
"Sabi sayo bebe eh,matalino ang bebe mo" pag yayabang ni Vem. Bebe pa nga.
"Oo nga beffy, napansin ko din yung sweetness sayo si Tobi, t-tek a ano sabi mo?" si Vem ang kausap niya. Babangayan na naman sila.
"BEBE" walang pag aalinlangang pagpapakyut ni Vem sa kanya habang nakanguso.
"Bebehen mo kaya mukha mo o kaya bebetin nalang kita para matapos na yang ilusyon mo?" nakataas kilay na saad ni Karena. Napaka diretso talaga ng isang ito.
"Former bebe naman kita kaya anong masama don?" nakapout pa rin siya habang nakatingin kay beffy.
Sumimangot si Karena sabay agaw ng pagkain kay Vem. Luh muka akong nanonood ng lovers quarantine este quarrel ba yun?
"Pwede ba Vem, lumayas ka sa harap ko at naaalibadbaran ako" aniya.
"bebe naman, ano bang gusto mong gawin ko para naman matuwa ka sa akin?" luh kainis. Ang kyut kyut naman ng Vem na yan. Apakaputi na, apakapogi pa. Naku kung di lang talaga naging jowa ni Karena ito, isasama ko din siya sa crushes ko.
"Huwag mo kaya akong kakausapin at layuan mo ako, baka sa pagkakataong iyon magpaparty ako sa sobrang saya. At isa pa walang katuwa tuwa sayo"
Biglang natahimik si Vem. Pati ako parang naapektuhan din sa linya ni Karena.
"ah sige" tumayo si Vem at pinagpag ang suot nito gawa ng mga bread crumbs sa pants niya.
"Sandy, aalis na ako" pagpapaalam niya. Hindi na niya ako pinasagot pa, sa halip, humakbang siya paalis ng hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nito.
Seryoso ba siya? Tumingin ako kay beffy na kasalukuyang inaaliw ang sarili sa dala niyang junk food.
"Beffy si Vem" palipat lipat ang tingin ko sa direksyon na tinahak ni Vem at sa kanya.
"Marunong naman palang sumunod." sabay suksok ng earphone niya sa tenga niya.
Ano ba yan. Ang intense naman non.
"beffy, hindi ba masyadong malupit ang sinabi mo" pag aalang sabi ko.
"naku beffy, hayaan mo na ang manlolokong iyon." saka niya isinaksak ang chord sa cellphone niya.
Napabuntong hininga ako at nagtataka.
......
"When you have a chance to become one of the great philosopher, who would it be and why?"
Kakaurat naman ng philosophy.
Gusto ko ng umuwi. Haayyy
Napatingin ako sa kaliwa ko, si sungit. Nakasandal lang siya sa upuan at linalaro ang papel na nasa harap niya. Naiinip na din ata.
Si Tobi naman, may practiced daw sa banda kaya wala.
"wuyy" sinulyapan ko si sungit.
Kasalukuyang nakakunot ang mga kilay niya at nakabusangot. Grabehan. Kahit ganun pa rin pero ang gwapo gwapo ng nilalang na ere.
Inirapan lang niya ako at "tss".
Ang bait bait diba?
"Yes miss Seville?" napatingin akong agad kay sir na kasalukuyang nakatingin sa direksyon ko.
"p-po?" nakangiwi kong tanong.
"stand up and share your thoughts" aniya.
"ah--ano-ano sir?"
"Share your thoughts about my question"
Napatingin ako sa harap. Nakasulat ang isang tanong.
"ah--I - I like Miriam Defensor sir" umugong ang malakas na tawanan pagkatapos kong sumagot.
Rinig ko rin ang mahinang pagtawa ng nasa tabi ko. Hindi ko mawari kung tawa ba iyon o kaya panunuya. Kaya mabilis akong napatingin sa kanya. Pero nakasubsob ang ulo niya sa desk. Ngunti hindi ako pwedeng magkamali, rinig ko ang tawa mula sa kanya bukod sa mga halakhak ng mga kaklse ko. I swear! Char
"Miss Seville, I know you're funny. Sige let's be serious this time" nakatawa rin si sir. Hindi naman ako nagbibiro ah.
"sir mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ko.
Ngayon si sir naman yung sumeryoso ang mukha.
Mali ba? Pilosopa naman talaga si Miriam Defensor, hindi ba? Madalas ko kayang mabasa yung mga jokes niya sa mga memes.
"Miriam is not a philosopher Miss Seville. We're talking about Socrates, Aristotle, Plato - -"
"Ah yes, kutsara sir.. I knew it! I love kutsara. You make sandok sandok in--"
"MISS SEVILLE, please get out and run five rounds in the field!."
"p-pero sir--" F-fayb rawnds daw. Ang sakit sa paa non.
"Wala akong panahon para makipagbiruan.We are serious here miss. So go!"
Nangiwi ako sa sobrang kahihiyan. Sabi kasi niya plato... Mali ba ang kutsara? Tinidor ba dapat? O kaya baso? Mangkok?
"And Mr. Hererra!" napasinghap naman lahat ng tawagin ang nasa tabi ko. Marahang umangat ang ulo niya sabay tingin sa harap.
"You are not allowed to sleep during class! Go with Miss Seville and learn your lessons!"
Napatingin ako sa katabi ko. Walang imik itong tumayo at kinuha ang bag niya saka lumabas. Nakasunod ang bawat tingin sa kanya. Omo.
"WHAT ARE YOU WAITING MISS?! GET OUT OF MY CLASS NOW!" sigaw ni sir. Lah. Heto na nga. lalabas na.
So lumabas nga ako habang ang lahat ay nakatingin sa akin. Ano ba naman yan. Nakita ko si sungit sa ibang direksyon ang punta.Hindi iyon ang papunta sa ground field.
"wuy!" tawag ko sa kanya sabay lapit.
Nasa hallway siya ng lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"WHAT?" pagsusungit niya as usual.
"ibang ground field ata pupuntahan mo?" wika ko.
"so?" inis niyang tanong.
"Doon ang daan oh!" sigaw ko.
"Tss. Crazy!"
Bigla niya akong tinalikuran at mabilis na humakbang palayo sa akin.
Ang sungit!
...
Last round na. Sobrang pagod na ako. Natatakot naman akong huwag sundin baka maging dahilan pa iyon ng pagkabagsak ko sa kanya. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema ko.
Tagaktak na ang pawis ko. May ilang studyante ang nakatingin sa akin, alam na nilang punishment iyon kaya nakakahiya.
Si sungit, hindi sumunod. Palibhasa matalino kaya sawalang bahala siya.
Uhaw na uhaw na ako.
Pero tatapusin ko na lang ito.
Ang sakit sakit na ng binti ko. Mag aaral na talaga ako ng mabuti.
"d-diko na kaya" hingal na hingal akong napatigil at napaupo sa damuhan. Naduduling na ako.
Tatayo na sana ako ng biglang nagdilim ang paningin ko.
Sumasayaw ang mundo at....
"ayos ka lang?" may mabilis na sumalo sa akin bago pa ako matumba.
Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung sinong nakaalalay sa akin at hindi ko namalayang nakaupo na ako sa bench.
"drink this" iminulat ko ang mga mata ko at napangiti ako ng makita ko siya,si Tobi mylabs sa harap ko na inaabot ang bottled water sa akin.
"T-tobi" utal ko.
Bukas na iyon, kaya mabilis ko itong ininom.Uhaw na uhaw na ako.
Anemic nga pala ako. Hindi pwedeng bigla nalang tatayo. Kundi talagang mahihilo ako.
"ayos ka na ba?" pag aalang tanong nito. Naku concern ang asawa ko! omo.
"a-ah oo ayos lang ako." napabuntong hininga ako at nawiwindang.
"s-salamat Tobi" dagdag ko. Deep inside kinikilig ako ano ba!
Si Tobi na talaga ang mamahalin ko. Pag ibig na talaga ito!
"bakit ka ba tumatakbo?" tanong niya.
Napahinto ako sa pag inom. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang dahilan, nakakahiya iyon.
"Eh-kasi"
"she's stupid " napalingon kaming pareho ni mylabs sa itaas ng bench. Nakaupo roon si sungit at nakatingin sa aming pareho. Kanina pa ba siya nandito?
"che! Stupid mukha mo! Ikaw nga tong madayang demonyo "
Napakamot nalang ng batok si Tobi habang nakatingin sa akin. Kaya naman, kumalma ako at inirapan ang demonyong nasa itaas. Nakangisi ito.
Ayaw kong mabadtrip si mylabs dahil sa paninigaw ko kay sungit.
"Tob! si coach nandito na, bilis" isang kabanda ni Tobi ang kumakaway sa kanya mula sa band room. Kumaway siya pabalik saka nagpaalam sa akin. Nagpasalamat akong muli saka siya umalis.
Naiwan ako at si sungit sa bench.
"wuy! ikaw" tumayo ako at namaywang sa harap niya.
Tumingin siya habang salubong ang kanyang mga makakapal na kilay.
"tigil tigilan mo ko katatawag ng stupid sa akin ah" panggigigil kong sabi.
"let see" pang iinis niya.
"anong let see let see, maleletse ka talagang masungit ka" nakakainis naman kasi. Sa harap pa ni mylabs. Hindi iyon pwede.
"tss ugly"
What?! Tinawag ba niya akong ugly? Aba!
"ugly pala ha!" kinuha ko ang plastic bottle na inilapag ko sa bench at ininom lahat ng tubig nito. Saka ko ibinato kay sungit na gulat na gulat din sa ginawa ko.
"Are you mad?!" sigaw niya. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"are you mad? nyengyenye" panggagaya ko sa kanya.
Mas lalo ata siyang nainis kaya naman bumababa siya at hinarap ako. Nakamasid lang ako sa kanya habang nakakunot din ang mga noo ko.
"IDIOT!" pangigigil niyang sabi kasabay non ang malakas na pagpitik niya sa noo ko na ikinapikit ko.
Mabilis siyang bumaba sa bench at walang lingon likod.
"SUNGIT!!!!" sigaw ko. Hindi man lang siya lumingon.
Kainis.Ang sakit ng noo ko.
"hey Sandy" napalingon ako sa kabila. Si Tobi na hingal na hingal.
"eh? T-tobi, diba may practice kayo?" tanong ko.
"Yeah. We're done." aniya. Ang bilis naman.
"you look pissed?" dagdag niya.
"sinabi mo pa! Sobrang nakakainis yung demonyo--este. Nevermind" kinuha ko ang bag ko at isinaglay iyon sa balikat ko.
Tumunog na rin ang bell, meaning to say, uwian na! Yes.
"Ah, si Lee ba? Nakakapanibago nga siya" umupo siya at pinunas ang pawis sa mukha niya gamit ang face towel na hindi ko alam kung saan galing.
"hah?" pagtataka kong tanong.
"Hindi siya nakikipag usap kahit kanino." dagdag pa niya.
Hah? Weido naman nito.
"share mo lang ba?" tanong ko. Mahinang halakhak ang isinagot niya.
"I'll go ahead Sandy. Ingat sa pag uwi."
Nakakunot ang mga noo ko habang sinusundan ng tingin si Tobi. Wala akong makuha sa sinabi niya.