Chapter Three

2497 Words
Chapter Three: HE LIKES ME SANDY'S POV Ilang linggo na ba ang nakalipas mula ng mangyari ang swapping na hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng ganoong sistema taon taon. Iyong dating maingay at magulong section namin ngayon ay sumeryoso dahil sa mga nakahalong matatalino na galing sa section one.Ako lang naman pala ata ang bobo sa class namin. Laging may activities. Laging may quiz. Nakakaurat. Madalas din akong katuwaan ng mga kaklase namin dahil nahuhuli akong nakatitig kay Tobi o kaya naman kay sungit.Si Vem ang nangunguna sa pambubully sa akin. Akala mo naman talaga kung nakakatawa. If I know, nagpapapansin lang siya kay beffy. And speaking of sungit nga pala, kaninang umaga pa siya wala sa mood. Nakatulala minsan tapos sisimangutan at nakabusangot kapag nakatingin ako sa kanya. "Saan kaya pinaglihi ang isang iyon" bulong ko. Palabas na ako ng gate dahil nga dismissal na. Si Karena, nauna nang umuwi dahil may lalakarin daw sila ng mama niya.Nahuli rin ako ng labas dahil cleaners of the day ako. Pakanta kanta pa ako habang humahakbang palabas ng school. Napahinto ako ng mapansin ang pamilyar na bulto ng lalaki na kasalukuyang may kausap na babae sa may bandang gate. Tila may hinihintay. "Teka si sungit ata iyon---" bulong ko sa aking sarili. "AKSOEJFKEND! -" At kung minamalas ka nga naman! Madadapa pa! "JUSMEYO! SINO BA KASING NAGLAGAY LAGAY NG BATO DITO!" naiinis kong sigaw. Literal namang walang bato, sinigaw ko lang para may mapagbuntungan ng inis at kahihiyan. Ang lampa ko naman kasi grabe. Napaaray ako ng mapansin ko ang gasgas sa tuhod ko. Awts. "Hello, ok ka lang ba?" Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang mala-anghel na boses babae. "Ang sakit ng tuhod ko" reklamo ko, kahit hindi ko naman kilala kung sino ang anghel na nagtatanong sa akin habang pinapaggpag ko ang palda ko at hinipan ang tuhod kong mahapdi. "Clumsy" napaangat ako ng ulo at napangiwi dahil si sungit na nakapoker face ang nakamasid sa akin. Maiinis na sana ako pero paglipat ko ng tingin sa kasama niyang babae,ay nawala iyong poot sa puso ko. Wow. Napahinto ako ng marealize ang babaeng kasalukuyang nakangiti sa akin habang inaalok ang kamay nito ay napakaganda. Napatingin ako mula sa makinis niyang balat. Mahahaba ang pilik mata nito, hindi ko rin masabi kung anong kulay ba ang kanyang mahabang buhok na bumagay sa hulma ng kanyang maliit na mukha. Isama mo pa ang naniningkit nitong mga mata. Ang ganda niya! "S-salamat" napakagat labi ako habang inaabot ang kamay niya dahil sa sobrang lambot nito. Bakit naman ganon? Bakit pakiramdam ko, nang magsabog ng kagandahan si Papa G sa mundo, nasa kampo ako ni satanas? "It's nothing, be careful next time" malambing nitong tugon na ikinangiti ko. Ang lambing din ng boses niya. Bakit pag ako ang nagsasalita parang boses ng nauulol na kambing? "So,you are----" bago pa matapos ni ganda ang sasabihin niya, bigla namang pinutol ng halimaw na nasa likod niya at nagpalaki ng butas ng ilong ko. "A stupid." mahina nitong sawsaw na ikinagigil ko at nagpabagsak ng balikat ko.T-teka lang? Magkasama silang dalawa? May girlfriend ang damuho? "Please lang pogi kong klasmeyt, sinasabi ko sayo ng paulit-ulit, iyang stupid na 'yan, tigil tigilan mo na, nababanas na talaga ako sa totoo lang " panggigil kong sabi sa kanya. Mahinang tumawa si ganda na ikinangiti ko nalang din. Ang boses niya kasi ay iyong tipo ng kahit na galit ako ay gustong gusto ko paring pakinggan. Basta. "Tss, Let's go Lav" Lab kamo? Ibig sabihin, girlfriend niya. Medyo masakit din sa heart kasi crush ko naman talaga si sungit mula pa man ng magkabanggaan kami. Iyon nga lang kasi, laging stupid ang laman ng bibig kapag nakikita niya ako. Nakaukit ba ang salitang stupid sa noo ko? "Okay, take good care Sandy, here" aniya at inabot sa akin ang ilang aklat ko na tumilapon kanina. Ilang beses ba ako malulugmok sa lupa? "Thank you ulit Miss ganda" isinaglay ko ang bag ko sa balikat ko habang sinusundan ko sila ng tingin ni sungit. Nakangisi lang ako sa kanya. Maganda ng hubog ng katawan niya. Talagang maglalaway ang mga lalaki kapag nakita siya. Bakit ang sexy niya? Bakit ako parang poste? Straight na straight. Dalawa pa ang likod. Ang anper naman Papa God, why naman ganoon? Hahakbang na sana ako ng mapagtanto ang sinabi niya kanina. "Okay, take good care Sandy, here" Nag-isip pa ako, as if namang may maiisip talaga ako. Omo. Teka lang. Teka lang for the second time around. May kung anong bombilya ang lumabas sa ulo ko. Iyon! "KILALA NIYA AKO?! OMO KILALA NIYA AKO?" Tinangka ko pang habulin sila pero nakaalis na rin ang sasakyan nila. Tatanungin ko sana kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Hindi naman ako artista? Hindi rin naman ako kilala sa industry? Wala rin akong commercial katulad ni beffy. Kung si ganda, ipinaglihi sa dyosa at iyong isa ipinaglihi naman sa matandang may menopause,ako naman ipinaglihi kay plankton? Grabe ang bobo ko. Sobra. Toyong toyo ata ang utak ko. Walang dumadaloy na katalinuhan kahit konti man lang. Pero, papaano niya nga nalaman ang tungkol sa magandang pangalan ko? Baka naman namalik tenga lang ako? Siguro nga. Imposible naman kasing ikwento ni sunget sa kanya--ohhh. Sinasabi ko na nga ba, may pagtingin si master sunget sa akin. Tsk tsk. Kaya kahit sa girlfriend niya, nagiging honest siya sa feelings niya para sa akin. Okay! Crush ko na siya ulit. No. Mahal ko na siya ulit. Dafat! ///// (Fast forward) At dahil dakila na akong mag-aaral, syempre hindi na ako late. Medyo napaaga pa ata ako ng pasok. Pero syempre, mangongopya ako ng takdang-aralin,iyon ang dahilan. Nadatnan ko si beffy at ilan sa mga kaklase namin,kasama rin si Vem na kasalukuyang may kausap, si Mera ang bagong kaklase namin. Ilang linggo na rin siyang hindi sumasama sa amin. Tumabi muna ako kay Karena habang nangongopya habang siya ay naglalaro ng flappy bird. "Hoooh!Sarap talagang hampasin!" nagulat at napatingin ako kay Karena. Gigil na gigil ito habang kagat kagat ang ibabang labi nito. Napasulyap ako sa pwesto nila Vem na napatingin din sa biglang pagsigaw ni beffy. Maya maya pa'y bumalik kami sa kanya kanyang ginagawa na tila walang nangyari. Si Vem naman panay halakhak parin sa kabila katabi si Mera. "ISA PA WAVEY! MAPAPATAY TALAGA KIT--" napatakip ng bibig si Karena dahil sa lakas ng sigaw niya. Mabilis pa sa alas kwatro kaming nagkatinginan ni Vem, nanlalaki rin ang mga mata nitong nadako ang tingin kay beffy. "HAHAHAHAHAHA KARENA! HAHAHAHA" hindi ko napigilang humalakhak ng sobrang lakas dahil sa pagkakadulas niya. Wavey ang tawag niya kay Vem at nakakahiya iyon HAHAHAHA. Hindi ko ba masasabing magkatulad lang naman kami ni beffy kapag naeexcite o kaya naiinis,ay bigla biglang may nakakahiyang salita na lumalabas sa mga bibig namin. Ang pagkakaiba lang, ako madalas,siya paminsan minsan. "A-ang s-,sabi k-ko f-flappy!" hindi mapakali nitong pagpapalusot. "Wala naman akong sinasabing WAVEY ang bigkas mo Karena HAHAHAHA" hindi na ako makahinga sa katatawa. Natatawa na rin si Vem at nagtataka naman si Mera. Napatayo kaagad si Karena at nagpalinga linga. Hahanap ng malulusutan. "N-naiihi ako, excuse" mabilis na mabilis ang mga kilos niya. Ang mas nakakatuwa pa ay ang pagkakadapa niya at pagkabangga niya sa pinto. HAHAHAHA "HAHAHAHAHA!"mangiyak ngiyak na ako sa katatawa ganon din si Vem na ngayon ay nakatayo na. "Tss.Ang ingay mo talaga" napatigil kaming pareho ni Vem sa pagtawa dahil dumating si master sunget. Napatakip ako ng bibig at inayos ang upo. Ang pogi naman kasi ni oppa sa school uniform kahit 'di suot ang coat, bagay na bagay sa kanya ang puting polo. Omo. Nakakainlab lalo. Kaya kong isuko ang K-drama para lang matitigan ko siya maghapon. "Goodmorning boss Lee" bati ni Vem sa kanya. "Tss isa ka pa" magkasalubong lagi ang kilay niyang sinulyapan si Vem na tila hindi naging apektado sa madilim na ekspresyon ng master bilang sagot sa kanya. "Sungit" bulong ko. "Goodmorning Sandy" nadakong muli ang tingin ko sa pinto, napangiti ako ng sobrang lawak habang tinitignan si Tobi mylabs. Sobrang pogi ng asawa ko, nakakatunaw ang mga ngiti niya. Naku naku, kung si sungit K-drama, ito naman isusuko ko na ang puso ko sa kanya,pati na rin ang utak---'di bale na. Matangkad naman si Tobi pero mas matangkad lang si sungit, maaliwalas ang mukha, maamo at mukhang mabait kumpara kay sungit na laging nakabusangot. May fans club din siya sa school, minsan nga gusto kong magpamyembro. Dinig kong may 150 php registration fee sa bawat fansclub. Meron din kay sungit kaso nga lang, dedma si kuya. At kung pagmamasdang mabuti, na kay Tobi na ang lahat ng magugustuhan ng bawat marupok na babae. Isama mo narin ang lahat ng babae. Ang looks, ang pagiging galante, pagiging gentleman at idagdag mo pa ang pagiging drummer niya sa banda. "G-goodmorning Tobi" kumaway kaway pa ako. Minsan naiisip ko, ang swerte swerte ko dahil mula likod hanggang harap, ang daming gandang lalaki ang naging kaklase ko. Kung tutuusin, sa section namin ang mga hindi ko mawari kung tao pa ba,except kay Vem. May look naman siya pero hindi ko tipo. "May gagawin ka ba this coming Saturday?" napatigil ako sa pagsusulat at napatingin kay Tobi dahil sa tanong niya. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako. "Let's have a date?" dagdag nito na nagpalaki ng butas ng ilong ko. Date? "YESSSS! YESSSS!" "HOY!" nagulat ako ng biglang may bumatok sa akin. "Jusko aray" "Bumalik ka na kaya sa upuan mo, anong yes yes ka diyan!" singhal ni beffy sa akin. Nagpalinga linga ako. Wala si Tobi sa harap ko. I-ibig sabihin? Nangangarap lang naman ako?! Bagsak ang balikat kong tumayo at tinungo ang pwesto ko. As usual, nakasubsob sa desk niya si sunget, si Tobi naman nagbabasa ng aklat. Nilingon niya lang ako at ngumiti ng maramdaman ang presensya ko. Ngumiti rin ako pabalik. Iniisip ko parin ang daydream ko kanina. Hayyy. Kung yayayain lang talaga ako nitong magdeyt, naku hinding hindi na ako magpapakipot pa. Isinumpa ata akong hindi magkakaboyfriend since birth. Hindi naman ako pangit, patpat nga lang. Doble pa ang likod. Maya maya pa ay nagsidatingan na ang iba pa naming kaklase at nag simula ang first subject. Last subject na for the morning schedule. Gusto ko ng matulog. Literal na nakakaantok ang history. Wala akong makuha kuha. Ang hina hina talaga ng kukuti ko. Pinipilit ko namang makinig kaso, iyong antok, parang dinidemonyo ako. "Huy" Salubong ang kilay kong nag-iisip at may mag huhuy pa. "Tss." Napasulyap ako kay sunget na nakabusangot na nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan dahil sa pogi niyang awra. "Kausap mo ako?" mahinang tanong ko sabay turo sa sarili ko. Iniiwasan kong mapansin ng lecturer dahil ayaw kong tumakbong muli sa field. "I--" "Yes, Mister. Herrera and Miss Seville?" napasinghap ako. Not again. Palapit na ng palapit si Ma'am sa kinaroroonan namin. "Maaari bang malaman ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" napalunok ako. Hindi pa naman kami nag-uusap. Agad agad na talaga ma'am? "Ah--an--" "She's asking me if I have a medicine. Masakit ang tiyan niya" Lalo pang nanlaki ang mga mata ko sa palusot ni sunget kaya sinabayan ko na. "Ah oo nga po, masakit ho talaga ang tiyan ko, at hindi gawa gawa ni sung--este ni Kyle" pagdadrama ko habang nagkukunwari kong hawak hawak ang tiyan ko na animo'y namimilipit. "Dadalhin ko na siya sa clinic miss" Napakagat labi ako ng tumayo si sunget at tumingin sa akin. "O-okay. Much better Mr. Hererra" tugon ni ma'am. Nadala siya sa palusot namin. Yehey! Mabilis na hinablot ni sunget ang braso ko at ang mas lalong ikinabigla ko ay ang walang sabi sabing binuhat ako. Lahat ng kaklase ko napasinghap sa ikinilos niya. Sinundan lamang kami ng tingin hanggang sa makalabas kami ng pinto. Maraming nakasilip sa mga classroom.Mula sa first floor, second floor, kasabay ang samu't saring bulong bulungan. "T-teka lang, hindi naman masakit ang tiyan ko" dala-dala pa rin niya ako. Seryoso ba siyang dadalhin niya ako sa clinic. "Sige bumalik ka 'ron at sabihin mo iyan, tss. Mahina talaga utak mo kahit kailan" anas niya. Malakas niya akong binitawan at mumuntikan na akong mapaupo sa sahig. Mumuntikan ko na rin siyang mamura. "Yes students?" sinalubong kami ng school nurse na palabas ng clinic. "Masakit ang tiyan ko ma'am," pag-aalangang sabi ko. Nasa likod ko si sunget na hindi umiimik. "And you?" itinuro niya si sunget. "Binuhat niya po ako, hindi ko po kasi nakayanang maglakad papunta rito aray aray" pagsisinungaling ko habang hawak hawak ko ang tiyan ko. ........ "Magpahinga ka muna pagkatapos mong inumin ang gamot na iyan. Baka may nakain kang hindi nagustuhan ng tiyan mo. And for you Mr. Herrera, you can go back to your class now, thank you for bringing her here" paliwanag ng nurse. "May klase pa ako sa college department. I'll go ahead. I'll check on you later Miss Seville" Ayos! Dahil inaantok lang din naman ako, tamang tama ito. Ibinulsa ko ang gamot na ibinigay ng nurse at nilasap ang malambot na kama. "Huy" nagitla ako ng biglang nagsalita si sunget na kasalukuyang nakabusangot sa harap ko. Umalis na din ang nurse kaya magtataray na naman. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin siya. Naisip ko ang mga nangyari kanina, mula ng tangkang kakausapin sana niya ako pero nahuli kami ng lecturer, hanggang sa binuhat niya ako papunta dito sa clinic at ngayon binabantayan niya ako! Tama ang hinala ko, nagugustuhan na ako ni sunget. Amen. "B-bakit ka nagsinungaling?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko. "Dahil ba gusto mo kong makasama?" walang preno ang bibig ko. "WHAT THE?! Hindi ka lang talaga mahina, ilusyonada ka rin" singhal niya. Nagsimula na namang kumulo ang dugo ko sa kanya. Nakakairita. Ang sakit makapagsalita. Grabehan ha. "Eh bakit nga kasi! Kung wala ka namang gusto sa akin bakit mo ako dinala rito, hindi naman talaga masakit ang tiyan ko?!" "Really?!!" napahilamos siya ng mukha. Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating. "Sa bakanteng lote, hihintayin kita--" napabangon ako sa winika niya. "ANOOO? S-SA BAKANTENG LOTE? HIHINTAYIN MO AKO? OMO OMO" sinampal sampal ko pa ang sarili ko. Baka nananaginip na naman ako. "You're too loud stupid!" singhal ulit niya. *click* Bago pa ako makapagsalita at masampal muli ang sarili ko, bumukas ang pinto at iniluwa si Karena. "Beffy!! Ayos ka lang ba,naku salamat Lee sa pagdadala sa kanya. Hindi mo naman sinasabing masakit ang tiyan mong--" Napatigil si beffy maging ako rin ay natigil sa paghinga. Lumapit sa kama ng bahagya si sunget at may ibinulong. Napalunok ako habang bumubulong siya. Omo. Hindi ako makahinga. Gusto kong magkasakit. Omo. Omo. Author's Note: Your feedbacks are highly appreciated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD