CHAPTER FOUR
[Sandy's POV]
Omo omo.
*Boink*
"Aray!" napahawak ako sa ulo ko dahil sa masakit na batok ni Karena sa harap ko.
"HUYY BRUHA! MASAKIT BA TALAGA TIYAN MO?ANO BA PROBLEMA MO?!" napabangon ako sa lakas ng boses niya.
"S-si Kyle, m-may ibinulong siya--" napalunok ako. Napakurap kurap ako at iniikot ang mga mata ko sa silid. Wala si sungit.
"Anong ibinulong? Gaga. Ilang beses ka ba magdey daydream sa isang araw? Sampo? At anong Kyle ang pinagsasabi mo ba? Ayss papaano ba kita naging kaibigan?" napahilamos siya ng mukha habang ngumingiwi.
Na naman? Daydream na naman pala.
Kaya ba wala akong matandaang may ibinulong siya?
"W-walang bulong?" paninigurado ko.
"Ask mo si Vhong teh, at mukha ba akong sinungaling hoy? Lumabas na si Lee sa kaalaman mo, pagpasok ko kaya manahimik ka diyan. At teka nga? Bakit ka binuhat ng isang iyon? May hindi ka ba sinasabi aber?" usisa niya,umupo siya sa kama at manamnam akong tinitigan.
Ipinaliwanag ko sa kanya na maging ako ay hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa iyon ni sungit. Napakagat ako sa aking daliri. Hindi ako sumagot kasi wala akong maisasagot.
"Bakit pa ba ako nagtatanong, eh never mo nga palang alam kung may nangyayari sa paligid mo o wala, hay naku. Tara na nga kumain na tayo kung 'di naman pala masakit ang tiyan mo, nalipasan ka na naman ng gutom" aniya saka ako hinatak pababa sa kama.
....
(CAFETERIA)
"Sandy" napalingon kaming pareho ni beffy mula sa kinaroroonan namin. Nasa cafeteria kami at kasalukuyang nanananghalian na.
"Wuy Tobi!" kumaway kaway pa ako sa kanya. Nakangiti itong lumalapit sa amin. Maraming nakatingin sa kanya habang papalapit sa pwesto namin. Ang gwapo naman kasi nito sa puting polong suot niya.
"Hi Tobi!" bati ng babaeng studyante na nasa kabilang table.Nginitian lang sila ni Tobi at tumuloy sa kinaroroonan namin. Dismayado naman ang ilan sa kanila dahil sa pagsasawalang bahala nito sa kanila.
"Here" malambing ang boses nito, napatingin agad ako sa paperbag na inilipag niya sa mesa namin.
"Ano 'yan?" usisa ko.
Sinilip ko pa kung anong laman non pati si beffy nakiusyoso rin habang ngumunguya.
Isang 400ml dutchmill delight ang laman nito.Sigurado ako dahil malimit ko itong bilhin sa 7/11.
"Ibinili kita niyan, masakit ang tiyan mo 'diba? Pinuntahan kita sa clinic pero wala kana roon." paliwanag niya. Napangisi ako ng hindi ko napapansin.
"Aweeee, sweet naman niyan, sana ako rin!" kantyaw ni Karena habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Wuyy hano va?" pamumulahan pa ata ako ng pisngi.
"Are you fine already?" tanong pa niya. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Kasi naman, eenglish pa.
"That's good then, hinatid ko lang 'yan para may maiinom ka para sa tiyan mo. May meeting ako sa banda kaya hindi ko kayo masasmahan ngayon. Later, Sandy" tumayo ito ng diretso sabay hawak sa ulo ko at ginulo gulo ang buhok ko na parang bata.
"S-salamat Tobi" wika ko. Ngumiti lang siya at kumindat pa sa akin na nagpalundag ng heart ko. Omo. Sobrang lapad ng ngiti ko habang kinakawayan siya palayo sa kinaroroonan namin.
"Kyaaaaaaaaahoooo!" iyong sigaw na kanina ko pa dapat ilalabas, ngayon ko pa naibuga. Umalingawngaw sa buong cafeteria ang boses ko. Napatingin ang lahat sa akin, at ano pa nga ang aasahan ko sa mga mapangkutyang society? Omo. Society pa nga. Pero maganda ako kaya hindi ko papansinin ang mga reaksyon ng marami na kasalukuyang nakatingin sa direksyon ko.
Mayamaya pa ay bigla akong sinundot muli ni Karena dahilan upang muli akong mapahiyaw sa gulat.
"Hene be kese?" pagpapabebe ko. Maarte kong inilalagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Mukha kang monggoloid." sinamaan ko agad ng tingin si Karena.
"Teka nga, sabihin mo nga sa aking babae ka, anong klaseng gayuma ang nabili mo sa Quiapo ba? Sabihin mo please kasi mukha kang aso!" halos mahalikan na ako ni Karena dahil sa lapit ng pagmumukha niya sakin.
"Lah? wele keye, megende leng teleg--"
*pak!*
"Aray naman. Maganda nga lang. Luh" suminangot ako dahil sa batok na iginawad ni beffy. Hinaplos haplos ko nalang ang dala ni Tobi bebe kanina. I'm so inlove.
"Talaga ba---"
Napahinto ako ng masulpayan si Vem na papalapit sa amin. May mga sinasabi si Karena pero hindi ko na pinakakikinggan.
"Wuy Vem!" pagkabigkas ko ng pangalan ni Vem, napatigil si Karena sa pagsasalita at pinanlakihan niya ako ng mga mata. Mga banta sa mata niya na nagsasabing 'please lang huwag mong tatawagin ang isang iyan'. Mga ganong banta iyong nasa pagmumukha niya ngayon.
Siguro ay nahihiya pa rin siya dahil sa nangyari kaninang umaga, ng bigla niyang mabigkas ang pangalan nito habang naglalaro.
"Apdjdngoej.. skfog" wala akong maintindihan sa sinasabi niya dahil sa bilis at pagkautal utal niya habang nagsasalita.
Nakangiting lumapit si Vem sa kinaroroonan namin. Hindi niya kasama si Mera sa pagkakataong ito.
"Wuy, akala ko nasa clinic ka?" bungad niya. Umupo siya sa katabi kong upuan. Syempre para kita niya si Karena sa harap niya.
"Oks na ako ano. Kumain kana ba? Patapos na kasi kami" ani ko.
"Hindi pa nga" aniya. Napasulyap siya sa pwesto ni Karena na kasalukuyang may binabasa gawa upang matakpan ng aklat ang mukha niya.
"Wuy Karena!Kailan pa nauso sayo ang magbasa?" singhal ko sa kanya. Inabot ko ang aklat saka hinablot iyon mula sa kanya. Paiwas-iwas siya ng tingin, sa taas, baba, sa gilid, nahihilo tuloy ako kasusunod sa iris niya.
"Ah-ano.. may quiz kasi tayo - - -"
"Wala naman ata bebe" giit ni Vem. Napatingin ako sa kanya.
Omoness. Okay na ulit sila? Tinawag na niyang bebe si Karena.
Natahimik bigla si Karena,maging ako din. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nangangamatis naman ang mukha si beffy na hindi alam kung saan ang titinidurin, ang aklat ba o ang pasta sa harap niya.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tuksuhin silang dalawa pero naunahan ako ng mga matitinis na boses mula sa grupo ng kababaihang nasa kabilang table. Mga grupo ng sosyal. Mga RK (Rich Kid).
"SI HERRERA!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa main entrance ng cafeteria kung saan nakatingin ang mga nagtitiliang studyante.
Oh wow.
Kaya pala, paparating ang nilalang na pinununo ng Diyos ng karisma sa katawan. Si Master Herrera na suot ang school uniform na akala mo naglalakad sa isang fashion show.
Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Maging ang mga lalaki ay nakikiayon din.
Ang gwapo kasi kahit salubong ang mga kilay nito habang naglalakad.Diretso lang ang mga tingin nito. Walang buhay at walang direksyon kumbaga.
Tatlong hakbang pa lamang siya ay may isang studyante ang naglakas ng loob na lumapit at humarang sa kanyang daraanan.May dala dala itong plastic bag at sa tingin ko ay parang iaalok ito sa kanya.
"Herrera, sa table ka nalang namin maupo" pagyayaya ng babaeng studyante sa kanya sabay nguso sa pwesto na pinanggalingan niya.Nakangiti na parang aso ang mga kasamahan nito.
Grabe!Ang lakas ng confident girl!
Pero maganda naman siya, makinis at sana naman lahat bumabagay ang iksi ng palda sa kutis nitong porcelana. Napatingin ako sa kutis kong kinulang sa tubig. Dehydrated pa nga.
Malamig lang niya itong tinitigan habang nasa bulsa nito ang kanyang mga kamay. Bumuntong hininga ito na parang nababagot.Hahakbang siya ngunit sinundan iyon ng harang ng babae.
"I've brought a carbonara, I've made it" giit pa nito.
Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Kyle. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito.
Bawat linya ng babae, ang lahat ay nakaabang sa mga sasabihin nito. Tahimik ang lahat habang nakapako ang mga tingin ng madla.
Mukha kaming nanonood ng eksena sa isang tanghalan.
Ngunit nanatiling walang imik ang malamig na nilalang sa harap niya.
Iritang irita ang itsura nito sa kadadada ng babaeng sa harap niya.
"You see, all the ingredients were bought--"
"Move" napasinghap ang ilan sa maawtoridad at baritonong boses ni sungit. Napalunok ako para sa studyanteng babae. Kung ako lang, lulunurin ko ang sarili ko sa drum ng dahil sa kahihiyan.
"Magugus--" pagpipilit pa rin nito.
"I said move." matigas nitong sabi.
Marahang humakbang ito paatras, dahil sa sama ng tingin ni sungit sa kanya.
Mabilis nitong linampasan ang babae kasabay non ang pagbabangga nito sa kanyang balikat gawa upang mapaatras pa ng tuluyan.
Napasinghap ang lahat sa inasal niya.
Napayuko at napatakbong palabas ng cafeteria si confident girl.
"OMG ANG BRUTALNESS" bulalas ko gawa para mapatingin siya sa direksyon namin maging ang ilan sa studyante na nakatingin pa rin sa kanya.
"WHAT?"pinanlakihan niya ako ng mata kaya napaiwas ako ng tingin. Napalunok ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin.Nakakatakot.
"Hehehe w-wala m-master" hagikhik ko. Napaupo ako at pinagtuunan ng pansin ang adobong nasa harap ko.
Nakakatakot naman ng bakulaw na 'yon.
Ang mas ikinagulat ko ay ang unti unti nitong paglapit sa kinaroroonan namin.
"Boss, dito kana maupo" aya ni Vem na mas ikinanganga ko. Boss?
"Shut up" aniya. Salubong pa rin ang kilay nitong papalapit sa amin.
"Ang angas talaga," masayang tinig ni Vem. Palipat lipat ang tingin namin ni beffy sa kanilang dalawa, isama mo na rin ang mga studyanteng sa pwesto namin nakatingin.
"You" dinuro niya ako, kaya mas bumilog pa ang nguso ko.
"Yes mehel?" kumurap kurap ako sa harap niya.
"What did you call me???!"
"Eyy sabi ko, yes mester?" bibig kong madulas.
"Remember what I've told you" aniya saka nagpatuloy sa paglalakad at dumiretso sa counter. Hah?
"T-teka, ano uli sabi niya?" napatingin si beffy sa akin ng nakakatakot. Napalunok ako.
"Bingi ka tih? Seryoso?" si beffy. Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya.
"Eh, english kasi hehe. Ano nga kasi 'yon?" tanong ko. Diring diri ang reaksyon niya.
"Tandaan mo daw ang sinabi niya sayo Sandy, ano ba iyon?" si Vem ang sumagot. Bumilog ang mga mata ko.
TEKA LANG NAMAN? ANONG SINABI NIYA NA KAILANGAN KONG TANDAAN?
Napakamot ako ng ulo at pinagmasdan si Kyle sa counter, kasalukuyan pa ring nakatingin sa ami--sa akin. Mabilis akong umiwas at yumuko para hindi siya matingnan.
"Ginayuma mo ba 'yon?" biglang bulalas ni Vem na nagpagising sa isip kong lumilipad.
"HALA NAMAN, WALA--" napatigil ako dahil buong tao sa sa cafeteria, ay sa akin na naman nakatingin. Masamang pangitain!
.....
Byernes.
Dahil P.E day today, suot ko ang favorite PE uniform naming black jogging pants at maluwang na puting t-shirt,size 20, kaya muka akong patpat sa suot ko. Nakalagay ang apelyido ko sa likuran nito.
Pero ayos lang. 'Di ko naman pinangarap maging sexy, baka kasi maraming maghabol.' Di ko kaya 'yon. Lalo at lampa ako kapag tumatakbo.
Enewey, si Karena nasa cr dahil nag aalburoto ang tiyan. Hindi ko naman alam kung anong agahan ang kinain niya kaya nagkakaganyan. Break time namin pero hanggang ngayon wala pa rin siya.
Nasa bench ako at nagpapahinga dahil katatapos ko lang ding pulutin ang mga plastics na nagkalat sa quadrangle.
Iyon ang assign task ko ngayong linggo. Nakakainis talaga.
May dala dala rin akong timba at tabo para diligan ang mga halaman sa gilid nito.
Kinuha ko muna ang tumbler ko sa maliit na sling bag ko saka iyon binuksan. Tangkang iinumin ko na sana nang mapansin ko ang tatlong magagandang dalaginding na palapit sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa bandang ibaba nila.
Nakakainggit ang mapuputing legs nila sa suot nilang itim na palda. Mga cheerleader nga pala ito. Napangisi ako habang nakatingin sa kanila. Magaganda kasi pero kung ibabase ko sa mga itsura nila ngayon bukod sa mga makakapal nilang make up at kilay ay medyo badmood ata.
"What section are you in?" huminto sila sa harap ko at taas kilay akong tinignan mula ulo hanggang paa. Nagsalubong naman ang mga kilay ko ngunit mabilis iyon nagbago nang mapagtanto ko kung sino ang mga iyon.
"Huy t-teka lang? Ikaw iyong napahiya sa cafeteria 'di ba?" malakas na tanong ko. Nagsalubong rin ang mga kilay nila. Ang hot! Sa mga kdrama ko lang napapanood ang mga ganitong studyante.
"Alam mo, kung ako sayo talaga, dapat hinagis mo sa mukha niya ang dala mo nong isang araw ! Ikaw na nga itong nagmamalasakit sa kanya---"
"WHAT THE FUDGE?!" napahinto ako sa pagdadada dahil biglang sumigaw ang nasa unahan. Ito ang babaeng ipinahiya ni Mr. Herrera sa cafeteria. Kasama niya ang mga kampon niyang rk (rich kid).
Napalunok ako at natigilan.
"What section are you in?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.
"Ah" napakamot ako ng ulo.
"Tagalog please" dagdag ko.
"WHAT?! ARE YOU STUPID?" angil pa ng isa na biglang humalakhak.
Napangiwi ako. Stupid na naman. Sinumangutan ko sila.
"Isa pang stupid lalampasuhin ko bibig mo" inis kong sabi.
"Try me" pang-iinis ng isa pa.
"Try you, what you, want you?" sagot ko. Ang hirap talaga kapag mag-eenglish na. Bigla naman silang nagkatinginan at nagtawanan.
"Anyway, dahil bobo ka" lumapit ang isa sa kanila sa akin. Mas matangkad ito sa akin ng konti kaya kitang kita ko ang tahi sa baba niya. Tinitigan niya ako na tila nandidiri sabay hawak sa laylayan ng t-shirt ko. Napalunok ako.
"Isa lang ang sasabihin ko sayo, layuan mo si Herrera. Dahil kung hindi--"
kinuha nito ang bukas na tumbler na hawak ko.
Napasinghap ako dahil bigla nitong ibinuhos sa ulo ko gawa upang mabasa ang pang itaas kong damit. Napanganga ako at mabilis naman siyang umatras. Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Poor little duckling" panunuya ng mga kasamahan niya.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit pa rin ang damit ko. Pinili ko ang tuyong bahagi nito upang ipunas sa nabasa kong mukha.
"Okay na? Teka lang ha" ngumisi pa ako sa kanila. Kung basahan lang din naman ang usapan, eh magaling naman ako diyan.
Mabilis kong kinuha ang tabo at isinalok sa timbang may tubig na nasa tabi ko, kasabay ang malakas na pagsaboy sa kanila gawa upang sila naman ang mapanganga at mapamura.
Ngumisi ako ng nakakaloko.
"Pur litel dakling" panggagantso ko.
Galit na galit na pinanlakihan ako ng mata ng leader nila at akmang sasabunutan.
"Do it" anang boses lalaki sa likod ko. Nakaawang ang mga bibig nila habang nakatingin mula sa likuran ko.Tila ba nakakita sila ng multo.
Ako naman ay nakangisi at iwinawagway ang tabo sa ere. Nakakatuwang pagmasdan ang mga basang mga manok na nagpipigil ng galit.
Pero napatigil ako nang mapagtanto ang boses na iyon. Napangiwi ako at dahan-dahan ay humarap ako sa pinanggalingan ng boses.
......