Chapter Five

2186 Words
Chapter 5 Sandy's POV Dahan dahan ay nilingon ko siya mula sa likuran ko. Napalunok ako at naibaba ang tabong hawak ko. "I said do it" matigas niyang sabi. Kasalukuyang nakatingin siya sa mga basang sisiw. Seryosong seryoso ang kanyang awra. "T-Tobi" wika ng isa sa mga sisiw. "I saw everything and that's enough to kick you off out this campus." dagdag pa ni Tobi. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya pati sa mga sisiw na kasalukuyang napaatras at napayuko. Nagagalit ba siya? Napatingin ako sa itsura niya. Suot nito ang itim na jersey at nakatatak ang logo ng aming school. "I hope this will be the last. Kapag naulit pa, I'll make sure you'll be banned from entering in any school. And I know you're not letting that happen" t-teka lang naman. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang ang 'kapag naulit pa'. "I-I'm s-sorry." luh, humingi ba naman ng tawad pagkatapos akong buhusan ng sarili kong tubig? "Kay Sandy kayo humingi ng tawad" si Tobi. Ngumuso ako at kumunot ang mga noo. Napatingin naman sa akin ang mga sisiw. "W-we're really sorry, S-Sandy" yumuko sila sa akin. Bumilog muli ang mga mata ko at kunwari ay nag-isip muna. "Naku, wala 'yon. Kung tutuusin mas basa nga kayo" ngumisi ako at kumindat kindat pa. Nakakatuwang pagmasdan ang mga mukha nila habang inaagnas ang mga make up sa kanilang mga pisngi. "Get your ass off here now." si Tobi. Sa kanila pa rin nakatingin ito. "Y-yes" mabilis na tumalikod ang tatlo at walang lingon likod na humakbang palayo sa kinaroroonan namin. "Are you okay?" tanong niya. Nakangisi lang ako at tumango tango habang pinupunas ang basang mukha ko. Napatigil ako ng bigla itong humarap sa akin at dahan-dahang inangat ang mukha ko at pinupunasan ang buhok ko. "L-luh" wika ko. Napakagat ako ng labi dahil sa ginagawa niya. Matangkad si Tobi kaya naman hanggang balikat lamang niya ako. Amoy na amoy ko ang mabangong bagay na nanggagaling sa suot niya. "Hindi mo dapat hinahayaang tratuhin ka ng ganon ng mga 'yon" si Tobi. Seryoso ang mga tinig niya na nagpapabingi sa akin. "A-ano kasi" nakahinga lamang ako ng malalim ng lumayo na siya sa akin at inabot ang towel na ginamit niya upang ipunas sa basang buhok ko. "But,what you did earlier is great" ang mga seryosong mata nito kanina ay napalitan ng maaliwalas na awra.Napakamot ako ng ulo. "S-salamat Tobi" tanging wika ko. "Wala 'yon. Kapag inulit pa nila, gasulina na ang isaboy mo saka sindihan mo na rin" humalakhak pa siya. Ang bilis naman magbago ng temperatura ng isang ito. Mapaklang ngiti lamang ang iginanti ko sa kanya. "S-sige Tobi, kailangan ko atang magbihis na muna" pagpapaalam ko. Nakakahiya kaya itong itsura ko. Pangit na nga, basa pa. Hahakbang na sana ako nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. "Sandy," tawag niya kaya naman napalingon ako. Bumilog ang mga mata ko habang hinihintay ang kanyang sasabihin. "May pupuntahan ka ba bukas?" kumunot noo ako at umiling. "Baka gusto mong manood sa gig namin?" dagdag pa niya. Teka, nanaginip na naman ba ako? Sige na, pagbibigyan ko na. Lumapit siya sa akin at may inabot. Pinagmasdan ko iyon at binasa. "V-I-P tickets - -" uwu. "May tickets?" bulalas ko. Ngunit imbes na magtaka siya sa sinabi ki ay ngumiti lamang ito. "Aasahan kita" humakbang siya palapit sa akin at ginulo gulo ang buhok ko. Nakangiti itong linampasan ako. Sinundan ko lang siya ng tingin habang palayo sa kinaroroonan ko,nakanganga naman ako. Sinampal sampal ko pa ang mukha ko upang siguraduhing hindi ako nanaginip. Mukhang hindi nga! Nakangiti akong umupo sa damuhan at humalakhak. Jusko, inaya ako ng isang Tobi! Sandy, isa ka talagang anghel! "Stupid" Natigilan ako at napaangat ng ulo. Sumimangot ako sa lalaking dumaan sa likuran ko at may komentaryo pang nakakainit ng ulo. "HOY!" angil ko. Imbes na huminto ito sa paglalakad ay tila wala itong narinig. "Hoy Herrera!" isa pang tawag ko. Huminto siya sa pagkakataong ito at walang emosyong nilingon ako. "Alam mo ha," tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko ngunit ang isang kamay ko ay maingat na hinahawakan ang tickets na binigay sa akin ni Tobi. Lumapit ako sa kanya. Nakakunot ang mga noo niya at tila bagot na bagot akong tinitignan. "May nakaukit bang STUPID sa noo ko?" pinanlakihan ko siya ng mata. Ngunit imbes na matakot ito dahil sa laki ng mata ko ay inirapan lamang niya ako at tinalikuran. Napakamot ako ng ulo. "Mukha ka kasing tanga" ANOOOOOO DAW!? Kahit mahina ang boses niya ay dinig na dinig kong sinabi niya iyon. Mukha akong tanga? Mukha daw akong tanga?! "Hoy!" nagdidilim talaga ang paningin ko sa gwapong ito. Muli siyang lumingon sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng pagmumukha nito. "Anong sabi mo?" angil ko. "Ako mukhang tanga ha? HAHAHA Ako mukhang tanga? Cam'on!" Tumagilid ang ulo niya at bagot na bagot pa rin akong pinagmamasdan. "HOH! Hindi talaga ako makapaniwala sayo! Grabe ka, grabe,as in grabe--" Napatigil ako ng bigla itong tumingin mula ulo ko hanggang paa. "Ano?! Ano?" giit ko. Nakakainis ang mga tingin niya. Kahit wala itong sinasabi ay tila nandidiri ang mga tingin niya. Nadako siya sa ticket na hawak ko. Mabilis ko itong itinago sa likuran ko. "BEFFY!" napalingon ako sa malakas na tawag sa akin ni Karena. Kumakaway na ito sa akin. Binalingan ko si sungit ngunit wala na ito sa harapan ko. Naglalakad na ito palayo sa akin. Nakakainis talaga! "Oh ano namang itsura 'yan aber?" hawak hawak ang tiyan niya ay may gana pang magtanong na tila nang-aasar. "T-teka, ba't basa ka?" dagdag pa niya. Nakabusangot akong humarap kay beffy. "Nakakainis talaga ang isang' yon" saad ko. "Sino ba? Teka nga ba't ka nga basa? Don't tell me dito mo pa piniling maligo 'te?" taas-baba ako pinasadahan ng tingin niya. "Syempre hindi, may mga sisiw na nantrip sa akin kanina." so ayon na nga, ikinwento ko na ang nangyari tungkol sa pagsasalba ni Tobi mahal ko kanina laban sa mapang-aping mga sisiw. "Sinong mga sisiw 'yon? Talagang pinili nilang kalampagin ka habang wala ako, ganon?" gigil na gigil na sabi ni beffy. Hinila nito ang parehong laylayan ng kanyang manggas at nakangusong susugod nang pigilan ko ito. "Relax. Alam mong hindi ako nagpapaapi sa mga sisiw my prend" mayabang kong wika na nagpahinto sa kanya. "Don't tell me may binabalak kang nakakatuwa?" pinanlakihan ako ng butas ng kanyang ilong. "Hehehehe, hindi ka, kundi TAYO my prend" ...... "KYAAAAAAA! OH MY GOD! HELP ME!WAAAAAAAAAA!" "OH WAAAAAAAA! COCKROACH! BAKIT MAY IPIS SA DAMIT KO!???!" "ASDFFGHHJKLXBDK!! PALAKA! WAAAAHHHHH!" napangiti ako habang sinisipsip sa straw ang softdrink na hawak ko. Dinig na dinig mula dito ang sigaw ng mga sisiw sa loob ng washroom. "Mukhang nag-iiyakan na ata sila" napatingin ako kay beffy. Katabi ko siya habang pareho kaming nakasandal sa pader at pinakikinggan ang mga nagsisigawang boses sa loob. Nagtataka rin ang ilang studyanteng dumaraan at napapatingin sa pinto ng washroom ng mga babae. "'Yon ang point my prend" ngumisi ngisi ako na parang demonyo. Kahit hirap na hirap kaming hulihin ang mga ipis at palakang iyon ay kontento ako sa naging resulta ng paghihirap ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang ilan ay takot na takot sa mga ipis kung tutuusin ay maaari mong kausapin kapag tumat*e ka. Friendly naman sila,'wag ka lang kikilos ng masama. "What is happening inside?" namilog ang mga mata namin ng bigla kaming tanungin ng isang guro na napadaan. Bago pa kami paghinalaan ay mabilis kaming sumibat upang makaiwas sa maaaring ilabas ng mga bibig namin ni beffy. ...... "Oh ano masaya kana?" si Karena. Sinamahan niya ako sa locker upang makapagbihis. Mabuti nalang at may extra shirts akong dala. At mabuti na rin at wala kaming pasok sa huling klase namin bago ang pananghalian. "Mismo" wika ko. Kinuha ko ang paper bag sa locker ko at inilagay ang basang damit na pinagbihisan ko. "Mas nakakatuwa kung nakita natin mismo ang mga itsura ng mga iyon." dagdag niya. Nakasandal lamang siya sa locker at ngumunguya ng mansanas. "Sa susunod, pero mas nakakatuwa bukas, makikita ko si mylabs sa weekend" humalakhak pa ako. Pagkatapos naming ihatid ang basang damit ko sa locker ay dumiretso na kami sa cafeteria dahil lunch break na rin. Puno nag cafeteria kung kaya nagpalinga linga kami kung saan makikiupo. Dala dala namin ang tray kasama ang inorder naming pananghalian. "WUY SANDY!" napatingin kami sa direksyon ni Vem na kasalukuyang kumakaway sa amin. Mabilis ay pinigilan ako ni Karena ngunit hindi ko siya pinakinggan. Nagtuloy tuloy lang sa pwesto ni Ve-- "WAEEEE?" napaatras ako ng mapagtanto ko kung sino ang kasama ni Vem sa mesa. Kasalukuyan itong kumakain na parang hindi kami nakikita. Hindi ako makapaniwala. "Tabi, ang bebe ko ang mauupo dito" marahan akong tinulak ni Vem at hinila si Karena sa tabi niya. Napangiwi naman ako. "Opss, braso ko boi" si beffy, masamang nakatingin sa braso nito na hawak hawak ni Vem. Mabilis naman nitong binitawan saka umupo si Karena sa tabi niya. "Oh? Ano ginagawa mo, ba't ayaw mong maupo?" si Vem. Napalunok ako habang iniisip na tumabi sa walang pusong si Herrera. Taas noo akong umupo at inilapag ang tray sa mesa. Bahagyang napatingin siya sa direksyon ko at huminto sa pagsubo. "M-magkaibigan kayo?" itinuro ko si Vem tapos kay sungit. Nagtataka ako dahil magkasama sila sa iisang mesa. "Stupid" mabilis na nagsalubong ang mga kilay kong napatingin sa kanya. Tiningnan ko lang kung paano siya uminom. Ang ganda ng view mula rito. "Will you stop staring?" bigla siyang tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay blanko, walang emosyon,bukod sa pagkayamot at pagkabagot. "Edi 'wag, arte" angil ko. Bigla siyang tumayo at kinuha ang tray na nasa harap niya. "Tapos ka na?" tanong ko. Muli siyang lumingon sa akin. Ganong mga tingin pa rin na nakakatakot. "Stupid" Gusto ko sanang ihagis ang basong nasa harap ko sa kanya pero wala akong extra money upang ipambayad. Umalis lamang ito ng hindi nagsasabi. Humalakhak lamang si Vem, si Karena naman ay nakasimangot. ////// Sabado "Opo momshie, kayo po ang mag-iingat diyan ni pops." ani ko. Kausap ko si mama sa telepono. Hindi pa rin sila umuuwi hanggang ngayon dahil sa medical mission nila sa probinsya. [I miss you darling, don't worry uuwi naman kami this month] napabuntong hininga ako. Ang this month ay katumbas ng next year. "Ayos lang po 'yon, nandito naman po si nanay,' wag na po kayo mag-aalala. Nag-aaral naman po ako ng mabuti." wika ko. [Mang Juls will not be around for two weeks, kaya mo bang mag commute?] si Mang Juls ay ang family driver namin. Siya ang naghahatid sundo sa akin sa school. Pero dahil nagkasakit ang anak nito ay nagleave ng dalawang linggo upang bantayan ang kanyang anak. "Basic naman po 'yon." sanay na sanay na rin naman ako kahit papaano. [Good. I love you sweetie.We'll see you soon,take good care okay?] "Yes po. I love you more momshie" ibinaba ko ang telepono at bumangon. Sabado ngayon. Napatingin ako sa wall clock, 9 AM palang. Nadako ang tingin ko sa mesa na malapit sa kama ko. Napabalikwas ako at umupo sa silyang naroon. "Alauna pa na ng hapon. Hayyy" napatingin ako sa repleksyon ko sa salaming nasa harap ko. "Ganda mo talaga." ngumisi pa ako habang hawak hawak ang tickets na ibinigay sa akin ni Tobi. Mamayang alauna pa ang gig niya. Dalawa nga pala iyon, kaya sasama si Karena. Excited na nga kami para mamaya. Naiisip ko kung ano ang magiging itsura niya kapag tumutugtog na siya ng drums. Hays. Ilang minuto pa akong nag pagulong gulong sa kama bago ako tuluyang bumababa at mag-agahan. "Magandang umaga iha" bati ni manang sa akin. Si Manang Rita ay nasa kwarenta anyos. Sabi ni mama, bata pa lamang siya ay si manang na ang nag-aalaga sa kanya. May mga anak siyang pinag-aaral pero mas pinili niyang manilbihan dito sa bahay. Mula noon, ay siya na ang lagi kong nakakasama dahil madalas namang wala sa bahay ang mga magulang ko. Parang ina ko na rin siya kung tutuusin. "Magandang umaga po nay" bati ko rin sa kanya. Ako na ang naghanda ng aking agahan. Pagkatapos ay tinawagan ko si beffy upang siguraduhing pupunta siya mamaya sa lakad namin. Dahil maaga pa naman, tumambay muna ako sa sala at nanood ng TV.  Ikinonekta ko ang cellphone ko sa monitor upang panoorin sa mas malaking screen ang music video ng Make A Wish ng NCT U. Dahil na rin kpop idol wannabe ako ay sinusubukan kong gayahin ang mga dance step nila. "LUCASUE!" sigaw ko pa. Pero napatigil ako dahil biglang nagbeep ang cellphone ko. Samakatuwid, may text akong dumating. Baka si beffy, sa isip isip ko. Pasayaw sayaw pa ako habang kinukuha ang cellphone ko sa couch. Mabilis ko iyong tinignan. Message from: +63963....... [1 PM. Remember that] Kumunot ang mga noo ko. "Si Tobi ba 'to?" nagtatakang tanong ng sarili ko. Napakamot ako ng ulo. Nakapag-usap naman kami kahapon. "Ah, baka nagpapaalala lang. O baka naman wrong sent' to?" Message from: +63963....... [Don't make me wait for long] ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD