Chapter Six
Sandy's POV
"Nay, ayos na po ba ang suot ko?" paulit-ulit ay tinatanong ko si manang rita tungkol sa suot ko. Suot ko ang malaking t-shirt na kulay dilaw, pinaresan ko ito ng black fitted ripped jeans at korean shoes na nabili ko sa Shopee.
Napatingin ako kay manang na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Naku iha, saan ka ba nagsususuot at punit punit iyang pantalon mo?" nanlaki ang butas ng aking ilong sa komento ni manang.
"Nay naman, pasyon po iyan." giit ko. Sa totoo lang ay wala akong alam sa fashion. Tama na sa akin ang may malinis at maayos akong maisusuot, ang mahalaga ay komportable ako.
"Pasyon? Anong klaseng pasyon naman iyan? Sa kapanahuna--" bago pa man magkwento si manang tungkol sa buhay niya ay pinutol ko na dahil baka abutin ako ng alas dyes ng gabi.
"21 century tuna na tayo ngayon nay, kaya ito na ang bago" paglilinaw ko. Saglit siyang hindi sumagot.
"Oh siya, siya, nakapagpaalam ka ba sa mommy mo?"
"Syempre naman po." pareho kaming napatigil dahil may malakas ba busina mula sa labas kaya mabilis akong dumungaw sa bintana.
"HOY SANDY! BILISAN MO KAYA, ANONG ORAS NA?!" napangiwi ako at dali dali kong kinuha ang itim na sombrero sa sofa. Si Karena na pala iyon, sinabihan ko siyang magsabay na lamang kaming pumunta sa venue ng gig ni Tobi dahil wala akong masasakyan. On leave ang driver namin kaya makikisakay muna ako.
"Nay, aalis na po ako." mabilis kong hinalikan sa pisngi si manang at nag madaling lumabas. Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi niya dahil sa excitement.
Paglabas ko ng gate, nakaabang na si beffy sa kanilang kotse.
"Ako ba ang excited o ikaw?" inirapan pa ako nito.
Dali dali naman akong sumakay at masayang kumindat kindat.
"Seryoso ganyan ang itsura mo?" dagdag pa niya habang nagliliptint. Hindi sa akin siya nakatingin.
"Ano namang masama sa suot ko?" angil ko.
"Hindi bale na, sanay na ako sa mga outfits mo" aniya. Luh ano namang masama sa suot ko?
"Bukod sa dilaw na t-shirt, ano pang dala mo?" napansin kasi ata niya ang itinupi kong banner na gawa ko kagabi.
"Charan!" malaya kong binuklat iyon at nakabusangot siyang pinagmasdan iyon.
"GO TOBI ML? Ano iyang ML? Mobile Legend? Te, baka gig ang pupuntahan natin, hindi sea game Olympics" sarkastiko nitong saad.
"ML, short for MYLABS." hinagkan hagkan ko pa ang banner na gawa ko. Simple lang naman ito para ipakita ang suporta ko sa mahal ko.
"Seryoso? Daig ka ng kapatid ko sa paggupit ng letters te. Napakacolorful, para kang grade one!" napangiwi muli ako.
"Eh kung sana ikaw na ang gumawa, edi sana maganda?" sabi ko.
"Hindi ako interesado sa mahal mo, duh" inikot ikot pa niya ang mata niya para ipakitang hindi talaga siya interesado.
"E kanino ka interesado? Kay Vem?" natigilan siya at kinurot ako sa singit.
"Aray,"
"Shh, sombengero si kuya," bulong niya habang ngumunguso sa direksyon ni mamang driver.
"Ah, ba't 'di mo palayasin, sumbungero nam--" bago ko pa ituloy ang sasabihin ko ay tinakpan na niya ang bibig ko.
"E totoo naman kas--"
"Titigil ka o sisipain na kita pababa?" banta ni beffy na ikinatigil ko. Sadista ang babaeng ito kaya hindi maaaring subukan.
"Oo na ito na, mananahimik na" tiniklop kong muli ang banner na gawa ko. Nag dalawang isip tuloy ako kung dadalhin ko ba o hindi. Nakakainis naman kasi si beffy, siya na nga lang 'tong inaasahan kong makaka appreciate ng gawa ko.
.........
"Ito ba iyong lugar?" pagbaba namin ni beffy sa sasakyan. Nagpalinga-linga kami. Maraming nakaabang sa main entrance.
"Ito na nga' yong sinasabi ni Tobi" giit niya.
Napansin namin ang mga kababaehang may hawak na banner na tila may hinihintay.
Nakapaskil doon ang mukha ni Tobi ko sa hawak nilang banner!
Lumapit pa ako roon at binasa ang nakasulat sa ibaba ng litrato nito.
"I love you Tobi?" umangat ang ulo ko at napaatras dahil napakasama ng tingin ng babaeng may hawak ng banner.
"What?" mataray nitong tanong.
Maasim ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa.
Sasagot na sana ako ng biglang naghiyawan ang mga kababaehan sa likuran ng babaeng kaharap ko.
Mabilis ding nagbago ang ekspresyon nito at napatingin sa likuran ko.
"Sandy,"
Mabilis akong lumingon dahil sa pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"T-tobi?" napangiti ako at umayos ng tayo.
"Kyaaaaaaa!Ang pogi mo oppa!" tilian ng mga babae sa likuran ko.
Mabilis nilang dinumog si Tobi at ako naman ay naipit.
Magmumura na sana ako dahil sa halo halong amoy ng mga babaeng nababaliw upang mahawakan si Tobi ay may malaking braso ang humila sa kamay ko.
Napapikit ako habang hinihila ng kung sinong tao.
"Hindi ka ba nasaktan?" namilog ang mga mata ko dahil bigla itong huminto at napamulat ako ng mata.
"Tobi" pagtatakang sabi ko. Paanong--
"Kanina pa kita hinihintay, hindi ko akalaing may mga tao sa labas." dagdag niya. Nagpalinga linga ako.
Nasa backstage ata kami. May couch at mesa.
"Hinihintay? T-teka lang si beffy!?" siguradong maiinis iyon sa akin.
"Huwag mo na siyang alalahanin." aniya.
"TOL---ohhh, siya ba ang girlfriend na sinasabi mo?" natigilan ako ng biglang may sumulpot na binata mula sa isang silid.
Humalakhak si Tobi.
"Sandy, si Reg, ang vocalists ng banda" pagpapakilala ni Tobi sa kasama niya. Bakit naman ang gwapo rin? Bakit naman marami sa earth ang gwapo?
"Hi Sandy, nice meeting you" inilahad nito ang palad niya sa akin. Nag dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko iyon o hindi.
"Hehehe too me" sagot ko. Napahalakhak ito na ipinagtaka ko.
"She's funny Tob. No wonder why you're interested" aniya.
Nilingon ko si Tobi na matipid na ngiti lamang ang iginante nito.
"Anyway, Pete and Alex were ready. In two minutes, magsisimula na ang show. I hope you'll enjoy our little entertainment, Sandy. I'll see ya" pagpapaalam nito bago lumabas. Wala rin namang akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.
Naiwan kaming dalawa ni Tobi.
"Ihahatid na kita sa vip seat" wika niya.
"E? Hindi na. Baka magsisimula na kayo" pagtanggi ko.
"Ayos lang 'yon. Tara" bago pa ako makasagit ay hinatak nito ang braso ko.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan siya mula sa likuran niya habang nagpapahila sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko habang tinitignan siya.
......
"Alam mo makakatikim iyang Tobi na iyan" reklamo ni Beffy. Nauna na pala siya sa upuan. Marami rami na rin ang tao sa bulwagan.
Tantya ko ay nasa 200 katao ang magkakasya sa silid na ito.
Naikwento niya sa akin na nagkita sila ni Vem kanina. Inaya siyang lumabas kesa manood sa gig nina Tobi pero syempre, ano pa ba ang aasahan kay Karena?
"Hihintayin niya ako sa labas" dagdag pa niya.
"Pagbigyan mo na kaya?Isa pa matagal na rin naman pinapatunayan ni Vem na gusto ka talaga niya." suhestsyon ko. Sa entablado ako nakatingin. Hindi pa nagsisimula ang show pero gusto ko ng sumigaw para ipakita ang suporta ko kay Tobi.
"Sure ka?" siya. Tumango lang ako.
Nakakunot noo ako ng bigla niyang hapuin ang noo ko.
"May lagnat ka ba?Ba't ganyan ka magtalk?" tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko.
"Masama bang mag suggest minsan te?" bulalas ko. Minasama pa nga.
Ngumiwi siya at pinanlakihan ako ng butas ng ilong.
"Weird." dinig ko pang sabi niya.
Maya maya pa ay nagsitahimik ang nagbubulungang madla. Naunang pumasok ang isang lalaki, kasamahan ito ni Tobi sa banda.
Nagsimulang maghiyawan ang lahat ng tuluyang makomplete sila sa entablado.
Napako lang ang tingin ko kay Tobi. Nginitian niya ako kaya mabilis na umiwas ako. Waaaa ang gwapo naman!
"This show is dedicated to everyone who joined us since day one. To show our love for all you, let's celebrate together our SECOND ANNIVERSARY!"
Naghiyawan naman ang lahat ang nagsimulang umugong ang napakalakas na tugtog sa buong silid. Ang bawat isa ay nagsitayuan kung kaya naman pati kami ni beffy ay tumayo na rin upang salubungin ang masayang tugtugin.
"Settle down....."
Kahit hindi pamilyar ang kanilang kinakanta ay napapatalon ako. Napapako ang tingin ko kay Tobi. Minsan pinangarap kong maging doctor pero ngayon papangarapin ko na maging isang drumstick. Ang bawat palo nito ay nakakaakit.
Hindi ko mawari kung sinasadya niyang tumingin sa direksyon ko at kindatan ako,pero sobrang kinikilig ako!
Mula umpisa at huli ay sa akin siya nakatingin.
Pagkatapos ng isang maingay na tugtugin ay muling nagsalita ang isa sa mga kasamahan ni Tobi, si Reg, iyong lalaki sa backstage kanina.
"Did you enjoy our first song?" umoo naman ang madla sa tanong nito, syempre kasali na rin ako roon.
"Good to hear that. Perhaps, hindi ko na patatagalin pa ang surpresa namin sa inyo."
Napasinghap naman ang lahat.
"I know some of you were present here for some reasons. I have witnessed young girls screaming outside the venue and holding banners with his name printed on it"
Nanlalaki tuloy ang butas ng ilong ko dahil sa tuloy tuloy na english nitong si Reg.
"As a matter of fact, he'll be able to show us his another side."
Tahimik pa rin ang madla.
"Please give him a hand, our very own most sexy drummer, Tob!" inilahad nito ang palad sa pwesto ni Tobi. Malakas na hiyawan at palakpakan ang tanging naririnig ko. Maging ako ay napatitili na rin dahil mangilan ngilan lamang ang naintindihan ko sa mga sinabi ni Reg.
Lumapit si Tob at masayang inabot ang microphone.
"Hi" bati niya. Tilian na naman ang lahat kaya pati ako ay nakitili na rin sa karamihan.
"WE LOVE YOU TOB!" sigaw ng mga nasa likod ko. Sila iyong may mga hawak ba banner kanina sa labas. Napangiwi ako at napatingin sa bag ko kung saan ko isinuksok ang banner na gawa ko kagabi.
Nginitian lamang niya ang mga iyon saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Thank you for coming today. Well for you to know, I'm here to show someone what I've got." tumingin siya sa akin, kaya hindi ko naman maintindihan ang mga lungkot na daing ng mga nasa likuran namin.
"Omg. Hindi ako makapaniwala" bulalas ni Karena. Napangiwi ako dahil sa marahang kurot niya sa tagiliran ko.
"Na ano?" pagtatakang tanong ko.
"Gaga, wala ka bang nararamdamang kakaiba ngayon kay Tobi?"
"Tulad ng? Crush ko talaga siya hehehehe" humalakhak pa ako.
"I've decided to sing this song for a special someone who is currently here" pagpapatuloy ni Tobi.
"OMG!"
Hindi ko maintindihan pero bakit nadako ang tingin sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko habang tinitignan siya. Ngumiti ako sa kanya at kinindatan ako. Luh, naman e.
Now playing [My Person by Spencer Crandall]
Omo. Bakit ang ganda ng boses niya?
Bakit parang pakiramdam ko ay ako ang kinakantahan niya?
"My everything, but never been sure
.......
"Grabe sulit na sulit ang lakad natin beffy!" kinikilig pa rin ako mula kanina. Kahit alam kong assumera lang ako dahil pakiramdam ko ay ako ang kinakantahan niya.
"Baka ikaw kamo?" simangot ni Karena. Palabas na kami. Hindi na ako nagpaalam kay Tobi dahil baka isipin niyang napafeeling close ko na talaga.
Nasa loob pa rin sila dahil marami ang nagpapapicture sa kanila.
Kinaladkad na ako ni Karena palabas dahil ayon sa kanya, hindi na siya makahinga sa mga hiyawan ng mga babaeng akala mo kinulang sa aruga.
"Pero ang galing ni Tobi" pag-uulit ko pa.
"Seryoso, kahit isa ba sa mga sinasabi niya ay wala kang naintindihan---"
"BEBE! SANDY!" mabilis akong napalingon. Si Vem, masayang lumalapit sa kinaroonan namin.
"Masisira ata ang hapon ko ngayon" si beffy na mas lalong bumusangot ang mukha.
"Uy Vem, ba't 'dika pumasok kanina? Sayang naman at hindi mo nakitang kumanta si Tobi" nagagalak kong saad.
"Dumaan ako kanina rito, may inutos si Dad kaya hindi ako nakabalik agad." pagpapaliwanag niya.
"Uuwi na ba kayo?" dagdag pa niya. Napatingin ako sa relos ko.
Mag aalas singko na ng hapon.
"Paki mo ba?" si beffy ang sumagot. Magbabangayan pa sana sila ng biglang dumating si Tobi.
"Sandy, uuwi kana ba? Ihahatid na kita" namilog na naman ang mga mata ko at nasampal ang pagmumukha ko. Hindi pwedeng lagi nalang akong nagpapadala sa mga daydream ko.
"Te, ihahatid kana daw" si beffy na sinundot ang tagiliran ko.
"Seryoso?" hihdi makapaniwalang tanong ko.
"Pumayag kana Sandy, aayain ko muna si bebe na lumabas" si Vem.
"Lumabas ka mag-isa mo dahil uuwi ako" beffy.
"Magdouble date nalang kaya tayo?" si Tobi.
Bigla akong nasamid ng sarili kong laway dahil sa suhestyon ni Tobi kasabay ang malakas na what ni Karena.
"WHAT!?"
"Friendly date---" napatigil sa pagsasalita si Tobi ng makita nito ang reaksyon ko dahil sa bulto ng lalaki sa likuran niya.
"S-sungit?" biglang bulalas ng bibig ko.
"Uy Master--" bungad ni Vem sa kanya pero animo'y hindi niya ito nakikita. Dumiretso ito kay Tobi. Madilim ang kanyang mga mata at yamot na yamot.
"You're doing it on purpose, right?" matigas at puno ng galit ang kanyang mga tinig. Hindi kami makakilos ni Karena dahil nagtataka kami sa mga nangyayari, si Vem din ay nagtataka rin.
Bakit siya nandirito at tila galit na galit siya kay Tobi?
"I don't know what you're talking about" si Tobi. Kalmado lamang siya at tila hindi apektado sa mga matatalim na titig nito.
"Damn you are!" nagitla kami nang bigla nitong kwelyuhan si Tobi.
"W-wuy" tanging sambit ko. Natatakot ako. Hindi ko alam ang dahilan ng pagkakagalit niya.
"Hindi kita maintindihan" kalmado parin ang boses ni Tobi, habang kami ay tila naghihintay ng mga susunod na mangyayari.
"You're too good in pretending" angil ni Kyle.
"W-wait lang naman" napatigil ito nang magsalita ako. Inilipat nito ang tingin niya sa akin at naniningkit ang mga mata nito na nagpaatras sa akin.
Binitiwan nito ang kwelyo ni Tobi at ang mas ikinagulat ko ay ang bigla nitong paghablot ng braso ko.
"You come with me! Stupid"
......