Chapter Seventeen Sandy's POV "Sino gumawa sa'yo nito?" "K-kuya?" malamig na tingin ang iginante niya sa akin. Napatingin siya sa direksyon kung saan ako nanggaling. "Ipinasusundo ka ng daddy mo" wika niya pero hindi ito nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ang mata ko dahil sa atensyon na tinatanggap ko mula sa mga studyante na kasalukuyang nagtataka. Nakasuot ito ng itim na hoodie at malaking sunglasses kung kaya naman hindi ko siya namukhaan agad. Bakit nandito si Kuya Troy? [Author's Note: Troy is one the main character in Casanova's Wife. Subukan niyong basahin. Salamat] "Who did that to you?" may galit sa tinig niya. "Oh may basura? Hi ampon! May bago ba?" napayuko ako sa inasal ng studyanteng dumaan sa amin. Gusto ko ulit humikbi. "What did you say?" inalis ni Kuya a

