Chapter Twenty Sandy's POV "People are getting extra desperate aftermath." makahulugan nitong sabi saka ito nilampasan na tila nandidiri. "Patawarin mo na ako, Sandelle." pagmamakaawa pa rin ng nasa harap ko. "Maaaring hindi na ako tatanggapin sa anumang school kapag napaalis ako rito" dagdag pa niya. Napatingin lang ako sa kanya na parang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi niya. "Bahala ka, bagay naman 'yon sa'yo e. Hindi ka naman dapat sumali ay nakikisawsaw ka. Wala kayong alam sa buhay ko kung tutuusin. At kung lagi nalang akong magpapatawad sa katulad niyong mga bully, baka hindi lang sa akin niyo gawin ang mga bagay na iyon. Kaya kung tatanggalin ka man sa school na 'to, wala na akong kinalaman sa bagay na iyan. Hindi kita inaano pero makapanghusga ka akala mo mula ulo han

