Chapter Thirty-two Sandy's POV "Magkakilala ba kayo ni Lee?" nahinto ako sa pagpunas ng mukha ko nang biglang tanungin ni Beffy si Ashvera. Napatingin agad ako sa direksyon niya. Saglit ay natigilan siya. "Weee, crush mo siya 'no?" panunukso ko sa kanya. Sinapak ko pa ng mahina ang kanyang braso. Umiwas siya sa mga tingin ko. "Hay naku, sinasabi ko sa'yo, anak siya ni ng demonyo. Kaya kung gugustuhin mo siya, umatr--" "Papaanong nasabi mo na anak siya ng demonyo?" ako naman ang natigilan. Ang tinig ni Ashvera ay tila may halong hinanakit. "Hindi mo siya kilala. And you don't have the right to judge people base on what you just saw. He's not what you think Sandy." mahabang litanya niya na ikinagulat naming pareho ni Karena. Nagkatinginan kami pero mabilis naman ay nagpaumanhin si

