Chapter 2

3836 Words
"Are you going to the fashion show next week, Cena?" Inilapit ko ang aking tainga kay Arazella dahil hindi ko masyadong narinig ang kaniyang sinabi. "What?" “I said, pupunta ka ba sa fashion show next week?” Umiling ako bilang sagot at uminom sa aking hawak na kopita. “Good because I don’t have plans to go also.” After our busy week, a hectic schedule for models, we decided to have fun here in Jitz. A bar near our place. Gusto ko rin lumabas, sinusulit ko na ang mga natitirang araw ko dito sa Berlin dahil uuwi na ako ng Pilipinas. May kasama rin kaming mga co-models namin and of course, isang manager si Henrietta, my gay friend, siya ang 'bantay' namin dito. She already talked to me, totoo nga na kinausap siya ni Kuya Sancho. Akala ko ay biro lang. Natakot pa daw siya dahil sa video call ay ang sama ng tingin ng kapatid ko, I apologized at her right away. Dahil sa isip nga ng kuya ko at maaaring ng ibang mga kapatid ko rin ay bad influence sila Henrietta sa akin. I breathe harshly. It's been a week since I had an argument with Kuya Sancho at hindi na niya ako minensahe muli. Hindi na rin tumatawag. Nangamusta na lang ako kay Ate Lili at sinabi niya na abala ang kuya sa trabaho, I know she's telling me the truth. Kakampi ko rin naman ang ate. Pero hindi lang rin ako mapakali ngayon dahil alam kong galit ang kuya. Totoong galit. "Sino daw ba ang mga pupunta?" tanong ko tungkol sa fashion show na nabanggit ni Ara. I took a sip on my mojito. The music was so loud. Medyo masakit rin sa mga mata iyong pagpapalit ng ilaw, sinasabayan kasi non ang beat ng music. Hmm, naisip ko lang, after the argument with my brother, magagawa ko pa rin kaya ang lumabas-labas ng ganito at mag-bar sa Pilipinas? "Sila Dessari, manonood lang naman sila. Mabilis lang rin iyon, ako ayoko talaga. Nagtanong lang sa akin si Corin kung sasama tayo." "They're not invited to join the models?" I asked. Siyang paglapit sa amin ni Dessari. Narinig ata iyong tanong ko at nalaman na siya ang pinag-uusapan. "No, girl! they choose Annalize and Vina, pero okay lang rin naman because I have plans already for that day. Kayo? I heard from Miss Monique that they still have two slots, naghahanap pa sila ng model, e. Hindi pa ba sinasabi ni Henri?" tanong niya. Napatingin naman ako sa manager ko na todo bigay pa rin sa pagsayaw. May ka'flirt' na naman ito, at hindi iyon ang boyfriend niya. Mukhang nag-away na naman sila. "Walang sinasabi si Henrietta at kung hindi naman sinabi sa amin ibig sabihin wala siyang plano para doon. Or maybe he got an invitation already but he declined because he knows exactly what offer we accept," si Ara na ang sumagot. “You know him, maarte pa sa amin si Henri,” dagdag pa niya. Totoo naman na hindi basta-basta tumatanggap ng works itong si Henri. Well, that's how she takes care of us. "Pronouns, Arazella!" biglang lapit sa amin ni Henrietta. Nagulat ako ng bahagya. Aba, ang bilis makalapit. "Oops, sorry, girl!" “Wovon redet ihr Mädels? (What are you girls talking about?)” They talked about the fashion show, at hindi nga tinanggap ni Henri dahil mayroon rin pala kaming pupuntahan that day, inayos na niya ang schedule namin lalo ang akin dahil nga uuwi na ako. Agad-agad ay inayos na dahil iyon ang request ng Kuya Sancho. Napabuga ko ng hangin. Wala na akong maidadahilan ngayon para hindi pa umuwi. “Don’t think too much, babe! I got you! Sasama naman akong umuwi sa iyo sa Pilipinas, ako pa rin ang mag-aalaga sa iyo!” si Henri. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Tumayo ako at lumapit. I hugged her tightly. I am thankful because she's the one taking care of me and Ara, dalawang taon na simula nang mapagpasyahan kong maging model dito. It's hard because we moved from different countries but I enjoyed it. Sinabi ko na rin kila Dad na after graduation, I will focus more on modeling at ito nga, hinayaan naman nila ako. "If that's what will make our princess happy, then do it. We are just here supporting you, anak." "Thank you so much, Dad!" “Just do what will make you happy, anak, okay? We will support you,” si Dad. Okay kay Dad, iyong mga unang buwan ko as a model, they were so proud of me pero siguro hindi lang rin siya nagsasalita na gusto na rin niya akong umuwi. At sa mga kapatid ko naman na lalake. Sumang-ayon sila noon pero hindi ko nakita na 100% okay na okay sa kanila na mag-model ako. I looked at Kuya Sancho. His eyebrows were in a straight line same as Kuya Trice and Terron. Mukhang ayaw nila. "Modeling. That will reveal a lot of skin, right?" si Kuya Trice. "It depends, kuya. Hindi naman ako FHM model! ano ba ang akala mo?" "Don't even try to be one, Celestina," mapanganib na sagot ni Kuya Sancho. My brothers are so strict. But mostly, ang mga ina-advertise naman namin or pinopromote ay mga clothes, bags or perfumes from famous brands. May mga accessories din. I was offered to model a swimsuit before but I declined, sabi ni Henri mas makikilala daw ako pag pinasok ko ang pagiging isang lingerie model. I don't think that's a good idea. "I'll just get some fresh air, Henri. Nahihilo ako lalo sa ilaw dito sa loob." "Alright! huwag kang magtagal at kung hindi na talaga maganda ang pakiramdam mo ay jumuwi na tayo, ha? Nakatanggap na rin ako ng mensahe sa Kuya Terron mo.” Kunot ang noo nang tumingin ako pabalik kay Henrietta. “Come again?” “Pati si Kuya Terron ginugulo ka na rin sa kalagayan ko dito?” I can’t believe this. Ang kulang na lang ay si Kuya Trice. I am not doing bad things here! Umangat ang kamay ko at hinilot ko ang aking sintido. Henrietta tapped my shoulder. “It’s okay, babe. They’re just worried about you. Medyo guilty nga ako kasi diba itinatago natin iyong paglibot-libot mo every night? Okay lang ito, they’re not pressuring me. Saka, gosh! Bet na bet ko naman na kausap itong mga gwapo mong kuya kaya no problem!" I apologetically looked at her and nodded, “I am sorry, Henrietta.” “Don’t be! Ano ka ba? Wala iyon. Isang oras na lang rin, uuwi na tayo.” Muli akong tumango at yumakap sa kaniya sandali, Then, I looked at the girls. Masaya na nagkukwentuhan kahit hindi na halos magkarinigan sa ingay sa loob ng bar. Pagkalabas ko ay naglakad-lakad ako. There are no people outside. It’s peaceful. Ipinikit ko ang aking mga mata, dumaan ang hangin sa aking harapan at naramdaman ko ang lamig na dala non. I hugged myself and breathed hard. “I love you, Celestina.” Why… Why is he still haunting me? Hindi naging madali ang unang linggo ko dito sa Berlin noon. I was crying every night. Itinatago ko sa pamilya ko, sinasabi ko na maayos ako, okay ako pero gabi-gabi dinadalaw ako ng masamang panaginip ng nangyari sa akin–sa amin ni Altheo. Masakit na iyong palagi niya akong pinaglilihiman pero may isasakit pa pala na malaman na ikakasal na siya sa iba. Tinatanong ko iyong sarili ko saan ako nagkamali. Na bakit kailangan niya akong lokohin ng ganoon katagal? "Your facial expression told me that you are thinking about the past." Napadilat ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses nang marinig ko si Arazella. She's holding two cups of coffee. Umuusok pa. Iniabot niya sa akin ang isa na kaagad ko naman kinuha. "Nalasing ka na agad? 2 hours pa lang tayo dito," she said and sit down on on the bench. Naupo naman ako sa tabi niya. Nahihilo, pero hindi naman lasing. Kailangan may pang-uwi pa ako dahil baka tumawag mamaya ang mga kuya. "I am still fine," sagot ko ng nakangiti. "So, ano iyan? bakit ganon ang mukha mo kanina? iniisip mo ang nakaraan o pinauuwi ka na naman?" Arazella knows my story. Siya kasi iyong naging malapit na kaibigan ko dito sa Germany. Lahat ay naikwento ko sa kaniya. Pati ang tungkol sa nakaraan ko at ni Altheo. "Uuwi na ako, Ara," I said. Nang manahimik siya ay napatingin ako. Nakabilog ang mga labi niya at huli ko nang narinig iyong reaksyon niya. "Oohh… really?" parang hindi pa siya makapaniwala. Naiintindihan ko naman dahil nga matigas ang loob ko na manatili talaga dito. Alam niya iyon. "Nag-usap na kami ni Kuya Sancho, kinausap na rin niya si Henrietta. Uuwi na ako sa Pilipinas. Siguro before the end of this month. Tatapusin lang iyong shoot ko sa bonver next week." “Hmm, akala ko binibiro mo ako pero na-realize ko iyang itsura mo ay itsura ng problemado. Kaya naman pala kasi you are forced to go home. Protective brothers,” she said. “They’re because they love me.” “And I envy you! Really! Gusto ko rin ng mga ganoong kuya! Iyong kuya ko kasi ay bahala na ako sa buhay ko. Walang pakialam sa akin. It’s been three months at nito lang ako kinausap kung kailan pa may… problema.” Mahina ang mga huling sinabi ni Ara. Hindi ko na halos narinig. Hindi na rin naman ako sumagot at nanatili na lang rin akong tahimik. A few minutes passed by and still no one was talking. Napangalahati ko na rin ang iniinom kong kape. Nang tumingin ako kay Ara ay nakita ko na nakapikit na ang kaniyang mga mata. "Are you sleepy? let's go?" mukhang inaantok na siya kaya inaya ko na. Pero iba naman ang isinagot sa akin. "Honestly, I am going back to the Philippines, too, Cena." At sa narinig ko ay napaayos ako ng upo. I was a little surprised. Actually, katulad ko ay ayaw niya rin na bumalik at may dahilan din siya. She doesn't want to go home because her father wants her to quit modelling to manage their company. Arazella’s dream is to become a model, that's why she’s here. Pero bakit uuwi na siya? Napilit rin ng ama? "Alam na ba ni Henri?" I asked, lumingon siya sa akin at tumango. "Yes, alam niya. Kinausap na rin ako ni Henrietta. Aayusin na rin niya iyong contract ko. You know, she is so sweet and she’s still taking care of me kahit ang mean ko sa kaniya, kahit pasaway akong alaga." Natawa naman ako doon. Oo nga, palagi niyang inaasar si Henrietta na sana naging lalake na lang daw ito, at kung maging lalake ulit ay siya mismo ang manliligaw. “So, are you going to manage your father’s company, Ara? Katulad ng gusto nito?” Umiling siya. "No. Dad agreed about my chosen career. May nangyaring hindi maganda kaya kailangan ko rin na umuwi pero, matutuloy ko naman ang pagmo-model, iyon nga lang, I need to marry Leonariz." At sa narinig ko ay ganoon na lang ang pagtaas ng boses ko sa kaniya. “What?!” Iyong facial expression niya pa ay parang wala lang! God. That’s Leo! “No way, Arazella. That man loathes you!” segunda ko agad. “Yeah. I know, alam ko naman yon, Cena. Hindi ko makakalimutan ang siraulong iyon,” sagot niya sa akin ng nakangiti. At ngumingiti pa! Maybe that man wants to marry her to make her live in hell! E, may sa demonyo na tunay iyon! Kahit buhay ni Ara ay kumplikado. That Leonariz is her ex-boyfriend’s brother at isinusumpa ng lalakeng iyon si Ara dahil si Ara ang sinisisi nito sa pagkamatay ng kapatid sa isang car accident. "That asshole, nasa kaniyang mga kamay ngayon ang company namin dahil sa trahedya na sinapit ng mga manggagawa sa factory. Nagsunod-sunod ang problema at nagsialisan ang mga investors dahil wala nang tiwala kay Dad. I don't know what's happening. Si Ariston ang nagsabi sa akin ng lahat, ang gagong kapatid ko na iyon na hindi man lang matulungan si Dad kaya mapapauwi rin akong bigla para sa gusto ni Leo." “At ikaw ang mapapain? Arazellla, what the hell? paano kung may plano ang lalake na iyon sa iyo? paano kung galit pa rin iyon dahil ikaw pa rin ang sinisisi sa pagkamatay ng kapatid niya? and that’s marriage! Kasal, Ara!" Ngumiti siya ulit pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Alam kong napipilitan lang siya. She doesn’t need to do this! "I am not thinking about the evil plans of that asshole, Cena. Ang iniisip ko lang, maisalba ang minamahal na kumpanya ni Dad. He loves that company more than himself, saksi ako doon.I don't want to think about the possibilities that could happen to him if his company would fall. Ayoko dahil nakakatakot, Cena. Mahal na mahal ko ang Daddy." “Ara…” "Haaa, sa mga nobela ko lang nababasa ang mga ganitong ganap pero ngayon nangyayari na sa akin." Nanatili na naman ang katahimikan sa aming pagitan pero hindi pa rin naman nagtatagal iyon nang kalabitin ako ni Ara. "Don’t worry too much, sis. Isipin mo na lang, now we are both going back to the Philippines. Magkakakitaan pa rin tayo at magiging magkasama sa party!" she said, smiling. Pero napawi rin iyon kaagad. “Iyon nga lang, mukhang susubukin tayo pag-uwi.” Parehas namin na ikinabuntong hininga ang huli niyang mga sinabi. “Hindi ko alam ang mangyayari, Ara. Pero siguro nga, panahon na rin para umuwi ako. Ayoko na magtalo pa kami ng mga kuya. Nag-kasagutan na nga kami ni Kuya Sancho. He was so mad, kasalanan ko rin naman. Tinanong niya ako kung bakit nananatili pa rin ako dito, kung bakit hindi pa rin ako umuuwi–” "I also want to ask you about that before, Cena. Nakikita ko na nag-e-enjoy ka dito but everytime your mother would call you, sa tuwing nahuhuli kitang nakatingin sa larawan ninyo ng pamilya mo, alam ko na miss na miss mo na sila. Pumasok noon sa isip ko na pwede ka naman na umuwi.” God knows how much I missed them. “Ayoko…” I said. “Gusto mong umuwi because you want to be with your family at ayaw mong umuwi because of that… man.” “Tell me, Cena. Are you still affected by your ex-boyfriend? Mahal mo pa rin ba hanggang ngayon?” “A-Ara, h-hindi na ‘no!” mabilis kong sagot sa kaniya. Inilayo ko ang tingin ko at napataas baba ang aking dibdib, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa tanong na iyon ni Ara. “It’s been four years. Hindi na!” Itinaas ko ang cup na hawak ko at tinungga iyon pero wala na pa lang laman. I heard Arazella laughed at me. “Hindi kita masisisi, Cena. The man is gorgeous, so sexy. At sobrang hot naman kasi talaga iyong ex mo. What's his name again nga?" “Ara! Are we going to talk about him?” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. She’s teasing me! Alam rin niya na si Theo ang dahilan kung bakit nagpasya ako na mag-aral at magpakalayo dito sa Germany. "Altheo? Altheo, 'di ba? pangalan pa lang e, yummy na!" "Arazella Fhatima!" Nagtuloy-tuloy na iyong pagtawa niya at ako naman ay siguradong namumula na sa inis. Nakuha na naman niya ang gigil ko. "What? you told me that you really love him, mahal na mahal mo kaya nga kahit dalawang taon noon na hindi nagparamdam sa iyo at iniwan ka sa ere ay binalikan mo pa rin--" "But that was before! before when I was still in senior high school! young and naive! Madali pang mauto!" "Really? Ngayon ba pag nagkita kayo hindi ka na kaya madaling mauto?” Reminiscing the past, Altheo was my schoolmate, he is a med student and I was a Senior high school student. For me it was love at first sight. "And you fell so hard that you can't forget him until now." "Ara, I've moved on," matigas kong sabi sa kaniya. "Hmm," she nodded, "and fish can fly." “W-What…” nayupi na ang cup na hawak ko at natuon doon ang mga mata ni Ara. Mas lumakas ang tawa niya. She’s enjoying this! “Hmm, na-curious nga rin ako kay Celestina noon na young and naive. Are you telling me the truth? saka talaga bang kiss pa lang ang nangyari sa inyo? You’re so attached to the guy, totoo ba na hanggang doon pa lang?" I gasped at her question. Suddenly, memories of the past flashback. Ang lahat ng mga halik ni Altheo. W-Wait. Bakit ko ba ito naiisip ngayon?! Celestina! Napapikit ako ng mariin. Ibinaon ko na sa limot pero ito at isang banggit lang ni Ara ay naalala ko na naman. "Just kisses, Arazella! I was just 20 when I met Altheo at our University! 22 when we’re back together again at lahat ay h-halik lang! Halik pa lang nang maging kami!" "Ohh, okay-okay. And he's 25? 26? so may experiences na ang ganoon, Cena. Nakapagtimpi sa iyo at hanggang halik lang? Pero saan naman bang halik?" “Sa lips?” turo niya sa mga labi. “O sa parte na…” Napanganga ako at kaagad nagsalita. "O-Of course! Sa lips!" Hindi ako tinigilan ni Arazella. Inasar niya ako ng inasar hanggang sa makabalik kami sa loob ng bar. She made me drink again at ito nga. Nilasing ako ng gaga. Hilong-hilo ako habang pababa ng sasakyan ni Henrietta. My vision is blurry. Malabo at hindi na ako makalakad ng tuwid. “Jusko dzai! Huwag na huwag kang sasagot ng tawag ngayong gabi, Celestina! Isasabit ako patiwarik ng mga kapatid mo! Ang sinabi ko kanina ay nakauwi na tayo at maayos ka! Hindi lasing! Nalingat lang ako at sumasayaw na kayo ni Arazella sa ibabaw ng lamesa!” “Hehe…” that’s all I can say. Nang makita ko na bababa si Henri ng sasakyan ay itinaas ko ang aking kamay. “I… I am fine, I am fine, go… ihahatid mo pa si… si Ara. I am okay, Henri, thank you! Thank you! I love you!” Sa nanlalabong tingin ay nakita ko na napakamot siya sa kaniyang batok. “Sure ka, ha? Sige na. Go inside. At bukas magpahinga ka. Ako na ang magsasabi sa mga kuya mo na naihatid na kita at safe ka na nakauwi.” Sumaludo ako sa kaniya. “Thank you, Henri muah! You are the best!” “Okay, go and take a rest. Also, be careful, Cena!” After that ay umalis na ang sasakyan niya. I walked to my house. Hirap na hirap sa paglalakad dahil tabingi na sa aking paningin ang mga nakikita ko. And while I was walking, siyang pag-ring naman ng cellphone ko. “Oohh… bawal. Bawal sumagot ng phone calls!” Hindi ko pinansin dahil nga ang kabilinbilinan ni Henri ay huwag akong sasagot ng tawag. Pagkapasok ko sa aking bahay ay hindi na ako nag-abala pa na buksan ang ilaw. I locked the door and went straight to my room. “Uhh… sht.” Ang dami kong nainom. Iba-iba at parang hinahalukay ang aking tiyan. Nagtatalo na ata ang mga nainom kong alak. “Damn you, Ara. Naisahan mo na naman ako…” Pagkarating ko sa aking silid ay ibinagsak ko agad ang aking sarili sa kama. Pagod na pagod ako at hindi ko na rin kinaya ang tama ng alak. I closed my eyes. Itinakip ko ang aking braso sa aking mga mata pero ilang segundo pa lang nang ginawa ko iyon ay nakita ko sa aking isipan ang imahe ni Theo. Napadilat akong bigla at napabangon. Naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. “Four years and that man is still here.” Hindi ako natulog kahit pa inaantok na ako. Tinungo ko ang bathroom at inalis ko ang lahat ng aking saplot. Nagsindi ako ng scented candle. Hinayaan ko na patay ang ilaw sa loob. Nang mapuno ng tubig ang tub ay saka ako dahan-dahan na bumaba doon. Nang maramdaman ko ang init ng tubig sa aking balat ay napadaing ako. It helps me relax. Baka mawala rin kahit papaano ang tama ng alak sa akin. Isinandal ko ang aking ulo at saka ko muling ipinikit ang aking mga mata. Nakahawak naman sa magkabilang gilid ang aking mga kamay. A lot of things happened. Sa dami ay ramdam na ramdam ko ang pagod ng aking katawan at isipan. “You are still affected.” “Just admit it, Cena. Hindi ka pa nakaka-move on kay Altheo.” "Why don't you talk about it? kayong dalawa. Umuwi ka at harapin mo siya." I can’t go home because I don’t want to see him. I don’t want to see him because of my anger, baka kung ano ang magawa at masabi ko. Galit ako sa kaniya. Hindi ko siya kayang patawarin at hanggang ngayon, sa tuwing maaalala ko siya ay matinding sakit ang nararamdaman ko. I hate him. I hate him so much. Inilublob ko sa tubig ang aking sarili. Hinayaan ko na nasa ganoon lamang akong posisyon. Nang mawalan ng hangin ay saka ako umahon. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito pero nakaramdam naman ako ng ginhawa. Isinandal kong muli ang aking ulo sa taas kung saan may towel at hinayaan kong nakababa sa tubig ang aking mga kamay. Sa ganoong posisyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. I fell asleep in the bathtub. Hindi ko alam kung gaano katagal pero naramdaman ko na lang ang biglang pag-angat ng aking katawan sa tubig. Nakarinig ako ng boses. A man’s voice, hindi pa malinaw sa aking pandinig halos pero rinig ko ang sunod-sunod na pagmumura nito. “Damn it!” A few seconds later I felt I was placed in my bed. Sa hirap na pagdilat ay sinubukan ko na buksan ang aking mga mata. What happened? Nananaginip ba ako? Anong nangyayari? Naliligo lang ako kanina… nakatulog tapos– “Fck. Celestina!” C-Celestina? What… t-that voice is familiar… “What the hell? W-why are you not responding?!” That smell, at ang boses… i-imposible naman… “Celestina!” Sa dilim ng aking silid, nang malinaw kong makita kung sino ang nasa aking harapan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napakalapit ng kaniyang mukha sa akin. His bloodshut eyes were looking at me. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko, sa kaniyang kabuuan. Nakatukod ang isang tuhod niya at ang dalawang kamay ay nakalapat sa aking kama habang nakatingin ang nag-aalalang mga mata sa akin. “Celestina–” “A-Altheo?” Nang makita niya na nagkamalay na ako at nang banggitin ko ang pangalan niya ay parang pati siya ay nagulat. Natauhan. Anong… a-anong ginagawa niya dito?! Anong ginagawa niya dito sa Germany? Sa bahay ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD