Chapter 3

1532 Words
Hindi ako makagalaw, hindi ko siya inaalisan ng tingin dahil sa isipan ko ay parang hindi totoo na nandito siya sa aking harapan. Paano? I am here in Berlin! sa Germany! at anong... why is he fckng here? Kanina lang ay siya ang usapan namin ni Arazella tapos ngayon ay ito at nasa harapan ko na! “Altheo…” he doesn’t seem real. Sa hindi makapaniwala na pakiramdam ay otomatiko na umangat ang aking kamay at nailapat ko iyon sa kaniyang pisngi. Pagkatapos kong gawin iyon ay mabilis siyang humiwalay sa akin na parang isa akong nakakapasong bagay. “Are you okay?” he asked. He can't even look at me. Nakalayo sa akin ang mga mata nang magtanong. Ilang dipa ang layo niya sa akin ngayon at kahit sa dilim dito sa silid ko ay nakita ko ang nakakuyom niyang mga kamay. Hindi ko sinagot ang tanong niya. I looked at him, nang lumayo siya ay saka ko lang napansin ang itim na itim niyang kasuotan. He’s wearing black jeans, a black leather jacket. May nakalagay sa kaniyang tainga. I don't know what's that pero napansin ko na umilaw ng kulay pula kanina. "Ano ang ginagawa mo dito sa silid ko? ano ang ginagawa mo dito sa Berlin?" matigas ang bawat salita nang bitiwan ko. Hindi sa ganitong pagkakataon ko naisip na magkikita kami. Not in my room! not when I was in my bathtub and-- Napasinghap ako at napamura. Doon ko lang napagtanto ang aking itsura. I looked at myself and realized I am still naked. I am damn naked in front of him! "Aaahhh!" sigaw ko. Altheo looked at me and was about to ask me the reason why I shouted pero mabilis ang aking mga kamay na dinampot ang aking unan at kumot. Ibinato ko sa kaniya ang unan at ibinalot ko sa aking sarili ang kumot. “What the hell! What! I am fckng naked, Altheo!” sigaw kong muli sa kaniya. Nakita na niya ang lahat! Nagkukumahog ako sa pagpulupot ng kumot sa aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking buong mukha dahil halos ilang minuto rin akong nakatingin sa kaniya kanina at ganoon rin siya sa akin! ilang minuto na hindi ko naalalang wala akong kahit anong damit! what the hell! At sa unang pagkikita pa namin pagkatapos ng apat na taong nakalipas ng aming paghihiwalay! "Celestina, I am sorry, I went inside because you took so long in the bathroom, I thought something bad ha–” “At saan ka dumaan?!” Nasagot ang tanong ko at napatingin ako sa bintana ko nang biglang kumalampag iyon dahil sa hangin. Basag. So, doon siya dumaan? he broke my window and entered my room? pero paano niya nalaman na nagtagal ako sa loob ng banyo? How did he fckng know that? "San... sandali," nanginginig ang aking boses. Itinaas ko ang aking kamay dahil hindi maproseso ng isipan ko ang mga nangyayari. Nakita ko na napatingin doon si Theo, ibinaba ko rin iyon dahil pati ang mga kamay ko ay nanginginig na rin. I am not scared of him, I am shocked. Sa gulat ay hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Apat na taon ko siyang hindi nakita tapos sa ganitong sitwasyon siya sa akin bubulaga? "You… what are you doing here?" tanong kong muli ngunit inilayo niya ang kaniyang tingin. I think he ran out of words to say. Nahuli ko ang paglunok niya ng ilang beses, nagtagis ang kaniyang bagang at napahawak siya sa kaniyang kaliwang tainga kung nasaan ang bagay na nahuli ko kaninang umilaw. Mukhang may pinakikinggan siya na nagsasalita doon. "I am asking you. Ano ang ginagawa mo dito?" I am running out of patience. Ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Kanina lang ay ang nag-aalalang mga mata niya ay halos hindi na kumukurap habang nasa akin pero ngayon ay ayaw na akong tapunan kahit sandaling tingin. Tumayo ako, dahan-dahan habang hawak ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan. I walked closer that made him take a step back. Ikinawaang ng mga labi ko iyon. Lalo nang tumalikod siya sa akin. But what he said next made me shake my head in disbelief. "I'll go now." Napangiti na lang rin ako. Iyong bilis ng pagtibok ng puso ko dahil nasa harapan ko siya ay napalitan ng sakit. Itong pamilyar na sakit na ito na siya lang ang nakakapagparamdam sa akin. Bakit ba nagulat pa ako? ganito naman siya palagi. Aalis na lang rin ng biglaan. "Next time be careful and don't stay--" "Kung aalis ka umalis ka na," walang buhay kong sabi, hindi ko na siya pinatapos. "Kinaya ko ang sarili ko ng apat na taon. Hindi ko kailangan ng paalala mo na mag-ingat ako." I can't believe him and I can't believe myself for feeling this way again. I thought I am okay, pagkatapos ng pag-uusap namin ng Kuya Sancho at sa desisyon ko na umuwi na ay sa isip ko kung magkita man kami sa Pilipinas ni Theo ay iyong matapang na Cena ang magiging kaharap niya. But look at me now. I am shaking, I am hurting. Sa biglaan at hindi inaasahan na pagkikita na ito, mahina pa rin ako. Walang nagbago. Nasasaktan pa rin ako kahit sa pagtingin lang sa kaniya. "I will just forget what happened tonight. Mukhang napadaan ka lang naman. Sige. Umalis ka na," malamig kong turan. Pero gusto kong matawa sa sinabi ko. Napadaan? dito sa Berlin? sa mismong bahay ko? Crazy. "Go," itinuro ko pa ang aking bintana kung saan siya dumaan. Altheo's still not moving, and I thought he will leave my place but he turned his back and went to me. Napahigpit ang kapit ko sa kumot na nakatakip sa aking katawan. Ang bilis. Inilang hakbang lang niya ang layo niya sa akin ngunit kahit na nakakapaso ang kaniyang mga mata na ngayon ay nasa akin na ay hindi ako nagpadaig. Sinalubong ko ang tingin niya. I need to remind myself that this man in front of me is the man who hurt me years ago. Who made me look like a fool. Ang lalakeng ilang beses akong pinaasa at niloko. "Sira na ang bintana ko," itinuro ko pa kung saan siya pumasok dito kanina, "Alis na. Ano pa ang hinihintay mo?" Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. Bakit? ano ba ang inaasahan niyang sasabihin ko? matuwa ako na bigla siyang dumating? na magpasalamat ako kasi nag-aalala siya sa akin? I no longer need his care. Oo, apektado ako hanggang ngayon but this is because of the pain he caused me. Sa sobrang tindi ng iniwan niyang sugat ay hanggang ngayon hindi pa rin naghihilom. "Leave my place, Altheo. Umalis ka at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin ulit." Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang tumalikod. Dire-diretso ang paglalakad ko hanggang marating ko ang guest room. Ibinagsak ko ang pintuan. Pagkaupo ko sa kama ay saka ko pinakawalan ang aking emosyon. "C-Celestina... Celestina..." I called my name while I was taking deep breaths. Nakapikit ang aking mga mata at kinakalma ko ang aking sarili, ngunit sa pagdilat ay napatingin ako sa aking kamay na inilapat ko sa pisngi ni Theo kanina, dinala ko iyon sa tapat ng aking dibdib. “D-Don’t cry. Huwag… huwag na huwag kang iiyak.” But my tears betrayed me. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha galing sa aking mga mata. Napahikbi ako at natutop ko ang aking bibig. Kahit kanina... k-kahit nang umalis ako sa silid ko at talikuran siya, I fckng hoped that Altheo would stop me... that he would chased me. Napangiti ako at napailing. I thought for the past four years all that was left were the painful memories. The pain that he caused me but I was wrong. Niloloko ko lang rin pala ang sarili ko sa tuwing tatanungin ako ng mga tao na nakakakilala sa amin. I always deny it. I always tell them that they’re wrong. That I’ve already moved on. And for the past years, I’ve been convincing myself that I have already forgotten what I feel about Altheo. Pero andito pa pala... naririto pa. “B-Bakit ayaw tumigil ng mga luha na ito? bakit kung kailan–” Napahinto akong bigla sa pagsasalita at muli na naman na nagulat nang bumukas ang pinto dito sa guest room. Ang lakas ng tunog non ay ikinatayo kong bigla. "Celestina..." At ang nais ko na sana ay sundan niya ako kanina ay akala ko hindi mangyayari. Altheo is here, he’s in front of me again. Gulo-gulo ang kaniyang buhok. His eyes were softly looking at me. Wala na ang leather jacket niya, now he’s only wearing his black shirt that was hugging his body. Wala na rin iyong nasa tainga niya kanina. My lips parted because of the way he looked at me and before I could say a word and ask him what he was still doing here, he immediately went to my place. “Fckng missions.” Pagkasabi na pagkasabi niya ng dalawang salita na iyon ay tinawid niya ang distansya sa pagitan namin at sinakop niya ang aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD