Celestina Nakatingin ng may pag-aalala sa akin si Mama pagkabalik ko sa dining room. Palabas na rin sila non, actually. Ganoon rin si Henri na nawala ang pagkamasiyahin sa mukha. Si Lola, ang dalawang kuya. Mukhang akala talaga nila ay sinabon ako ng Kuya Sancho dahil sa tono ng boses at itsura nito kanina. And, I think my other two brothers knows why I was called. Dahil pagkakita sa akin ay nilapitan rin nila ako. "We didn't know the real reason why he doesn't want you to be with that man again, Cena. Hindi sinasabi ni Sancho pero alam naman namin na hindi mo susundin ang gusto niya," sabi sa akin ni Kuya Terron. Tipid akong ngumiti sa kanila. Mukhang hindi nga para sa lahat na malaman ang buhay na iyon ni Altheo at maliban sa mga kaibigan niya ay ako lang rin ang nakakaalam. "Pinaga

