Ang inis ko ay ganon na lang nang paghugot ko sa aking bulsa at nang aalis na lang kami ay nakita ko pang lowbat ang cellphone ko. Deadbatt! at hindi ko na talaga maiopen pa. Sinabi ko kay Henri na sandali lang at ichacharge ko muna kaso nang malaman kong nasa baba na ang lola at hinihintay kami ay hindi ko na nga ginawa pa. Ibinilin ko na lang kay Ate Kosing at sinabi na kung puno na ay hugutin na lang at dalhin sa silid ko. Para na rin pagdating namin ay magagamit ko na iyon ng puno. "Balita ko ay marami ang gustong manligaw sa apo ko doon sa Berlin, Henrietta? wala bang kahit isa ang pumasa?" biglang pagbubukas ng Lola ng usapan. Nasa tabi ako ng driver's seat at silang dalawa ay nasa likod. Naglilikot ang mga daliri ko, ang isipan ko ay nasa cellphone ko-- kay Altheo. Paano kung tuma

