Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata nang bitiwan ang mga salitang iyon. "Not really," I said. Pero kung babalikan at pakaiisipin, sa mga naranasan ko nga nitong mga nakaraang araw... parang iyon nga ang ginagawa ni Altheo. Pinagsisilbihan ako. "Mamaya ay aalis siya at tutungo sa Marzahn, mukhang may kailangan asikasuhin na tungkol sa trabaho. Nagpaalam naman na. " Henri actually did his research kaya mayroon siyang alam sa buhay ni Altheo kahit papaano that he's a young billionaire, a CEO, ang totoo ay pati ang ibang mga kaibigan ng Kuya Sancho may ideya siya sa buhay ng mga ito. Except for Kuya Graze na malihim. "Pero ano... kanina, mukha ba akong seryoso? did I succeed to look intimidating? kasi jusko! hindi ko naman alam na mas katulo-tulo laway pala sa personal ang ex-boyfriend mo!

