I was feeling a little nervous. Hindi naman sa sasabunin ako ng malala ni Henri, pagagalitan o hindi naman kaya ay isusumbong ako sa mga kuya ko. Siguro ay dahil sa tingin niya, kahit na galit siya ang ipinapangamba ko ay baka isipin niyang hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Trust is very important to him, iyon ang unang beses na sinabi niya sa akin noon nang sabihin ko na siya ang nais kong maging manager. "Kung hindi ko nalaman kung sino at ano ang itsura ng ex-boyfriend mo ay tiyak na baka nahimatay ako sa gulat nang makita ko ang lalakeng ito dito, Cena. Just... just look at him," sabi niya habang nakahalukipkip at iginalaw pa ang ulo sa direksyon ni Altheo. Napahimas naman ako sa aking buhok. Nakasuot pa rin kasi ng apron si Altheo at wala pa rin pang-itaas. Siguro ay iyon ang tinutuk

