"Baby..." Pagkarinig ko ng pagtawag ni Altheo ay napatingin ako sa pinto. Ang tunog ng boses niya ay para bang inaalam niya kung mayroon pa akong ginagawa o pinakinggan niya muna ata kung may kausap ako saka siya nagsalita. Tumayo na ako at nang makalapit ay pinagbuksan siya. I was greeted by his handsome face. There are tiny sweats on his forehead. Basa rin ang kaniyang mamula-mulang mga labi at medyo gulo-gulo ang buhok. He's still topless pero may suot siyang apron kaya hindi kita ang buong pang-itaas niya. "Are you done?" I asked, my hand went on his face and slowly caressed his cheek. Nang bumaba ang kaniyang mukha ay humalik siya sa aking noo at umiling ng dahan-dahan. "I'm waiting for the rice." Napatango ako, "Then, why are you here? ang sabi ko ay ako na ang bababa." Hindi s

