CHAPTER 8 "MAMAMATAY KA, Divina Villareal!!" Iyon lang ang huli kong naalala sa aking mga panaginip. Nakikita ko ang aking sarili sa na naka-gapos ang mga kamay at paa, at naliligo sa sarili kong dugo. Ganun nalang ba ang galit nila sa akin? Para akong hayop na ginanun lang nila? Ang buong akala ko, katapusan na ng buhay ko. Ang huli ko nalang naalala, ay ang isinugod niya ako sa pagamutan, bago pa ako tuluyan nawalan ng malay. Ngayon alam ko na kung sino at ano ang nakaraan ko. "How she is?" "Two day's ng tulog." Boses pa lang ay kilala ko na kung sino ang nag-uusap. Dalawang araw na pala akong tulog. Ganun ka seryoso? Sa dalawang araw na tulog ako, halos ang panaginip ko ay ang madilim kong

