Chapter 13

3410 Words
(Duchess's POV) "Okay ka lang ba talaga?" muling tanong sa akin ni lola Xyrene na para bang ilang beses niya ng itinanong sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses na rin akong tumango sa kanya, habang nakabalot ako sa blanket. Hindi ko na rin alam kung paano kami nakababa sa pagkaka-bitag naming dalawa ni Humfrey. Dito na kasi ako nagising sa bahay, at ang sabi ni Angel hinanap daw nila kami kasama ang mga elders at ang caretaker. Tumayo na lang din ako matapos ang ilang minuto saka ko itinupi ang blanket na gamit ko. Hindi ko pa rin talaga alam kung gugustuhin ko pang pumasok sa Elites Academy pagkatapos ng lahat. Iyon namang dahilan kung bakit papasok ako doon, at ang mga kasama ko sa paghihirap makapasok lang sa loob ay wala na. Wala na sila at kahit kaylan ay hindi na sila babalik pa. May dahilan pa nga ba para pumasok ako doon? "Papasok ba tayo o hindi?" mayamaya ay tanong sa akin ni Humfrey dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I don't know. Hindi ko alam kung gusto ko pa talagang pumasok doon. Hindi ko naman kasi gustong pumasok doon eh, Abs and Abi just force me to enroll there. Its a deal, at napilitan lang ako para may kasama ako," I answered. "Tapos ngayon dahil patay na sila ay hindi ka na tutupad sa usapan? That’s unfair, be true to your words. Deal man yan o anuman dapat may isang salita ka. Tara na, tatanghaliin tayo," Humfrey said again. Ginulo niya pa ang buhok ko na dahilan ng pagkakatanggal ng hood ng jacket ko sa ulo ko. Inayos ko na lang din ang buhok ko at ang hood ng jacket ko sa inis ko sa kanya, palagi niya kasing ginagawa ‘yon. Naliliitan ba siya sa akin? Hindi naman na ako sumagot at tumayo na lang din ako saka ako umakyat sa kwarto ko. Sumunod naman agad sa akin si Humfrey para dalahin ang gamit naming dalawa and I just fix myself bago ako sumunod sa kanya. "I wont buy new car since we are going on the same school, ikaw naman palagi ang masusunod," Humfrey said to me na tinawanan lang din naman ng mga elders. "Pwede ba akong sumama Kuya at Ate?" mayamaya ay sabad ni Angel sa amin. "Gusto kong mag-aral habang nagte-training. Pwede na ba ‘yon?" she added. Nagkatinginan lang din naman kami nina Humfrey at ng mga elders and then I smirk at her. "Get your things, I’ll do you a favor," I answered. Nagmamadali naman siyang tumakbo paakyat para pumunta sa kwarto naming dalawa and I just chuckle habang naiiling at nginitian na lang din ako ng mga elders. "Mag-iingat kayo ha?" lolo Haven said to us kaya ngumiti ako sa kanya. "We can’t visit you always when we enter that school, but you can call us or text us anytime," I answered. "We understand," he answered. Nag-paalam na rin kami ni Humfrey sa kanila ng tuluyan saktong dating din ni Angel. Nag-paalam lang din siya sa kanila bago kami tuluyang umalis, and this time si Humfrey na ang nag-drive para sa amin. Tinawag ko na naman siyang Humfrey, siguradong maiinis na naman siya kapag nalaman niya ‘yon. Naalala ko lang din bigla na ayaw niya na tinatawag ko siyang Humfrey. Hindi ko rin alam kung anong issue niya doon eh ganoon din naman siya tawagin noong iba. Pero ang sabi niya sa akin, Khill ang tawag sa kanya ng lahat ng malalapit sa kanya at kung magpapanggap daw kaming close sa isat-isa ay dapat na iyon na rin ang itawag ko sa kanya para may strong impression na agad sa iba. Ang dami niya talagang alam eh, kung hindi ko lang talaga siya kaylangang isama baka sinipa ko na siya. Ang dami pa naman niyang kaartehan, he even became closer to me pagkatapos naming mabitin sa bitag. He seems nice most of the times also, nakasanayan ko na rin tuloy ‘yon dahil ganoon ang lahat sa akin. Pero syempre makapal pa rin ang muka niyang barahin ako. "Angel? Hindi mo kami makakasama kapag nandoon na tayo, pero I’ll buy you a cellphone para maka-usap mo kami palagi, okay lang ba ‘yon sa’yo? At saka dadalhin naman kita sa matinong guardian ha? Pansamantala lang din ito, okay?" bilin ko kay Angel habang magkatabi kami sa likuran ng kotse ko. "Okay lang Ate, sinanay naman kami na mag-isa palagi saka ang importante sa akin ay makapag-aral ako habang nagsasanay," she said to me kaya ngumiti na lang din ako sa kanya. Dumaan na lang din kami sa mall para ibili ng gamit si Angel, bumili na rin kami ng ilang gamit namin ni Humfrey at pagtapos ay dumiretso kami sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. "Oh? Naks! Jion? Na-miss mo ba ako? Wow! Isa itong himala!" bungad sa akin ng mokong pagkabukas niya ng pinto ng unit namin. "Manahimik ka Dwayne ha? Hindi ka nakakatuwa!" singhal ko sa kanya saka kami pumasok sa loob ng penthouse ko. "Relax ka lang dyan Master. Langya! Ang aga-aga ang init na naman ng dugo mo sa ka-gwapuhan ko. Pero teka lang, sino sila? At ito sino siya?” Dwayne answered again saka niya nilapitan si Khill, at tumayo pa siya sa harapan nito. Angel’s face became emotionless kagaya ni Khill at dahil mas matangkad si Khill kay Dwayne ay tumingala pa ng kaunti ang mokong sa kanya. "Leave them alone!" banta ko sa kanya na sinunod lang din naman agad ni Dwayne saka ko binalingan ang mga bugok na nasa sala kasama niya. Saktong-sakto talaga na nandito sila, tamang-tama lang na bumalik din sila kasama ko. "Master?" sabay-sabay na bati noong lima at lahat sila ay tumayo at yumukod sa akin bilang paggalang. They are danger, and they are my friends. They are my secret friends na tanging sina Abi at Abs lang ang nakakakilala. "He's Humfrey and this is Angel, at sa inyo namin iiwan si Angel dahil hindi namin siya pwedeng isama sa academy. Alagaan niyo siya at bantayan, kayo na rin ang bahalang mag-pasok sa kanya sa matinong school. She’s not handy, kaya niya ang sarili niya and you can just guide her. At ayusin niyo ang mga sarili niyo, maliwanag ba?" I said to them. "Pero papasok din kami sa academy, Master," agad na sagot ni Dwayne sa akin kaya tiningnan ko sila ng masama saka ko sila pinagsisipa sa mga binti nila. "Sino ang may sabing pumasok kayo sa academy?" I yelled to them habang nakaluhod sila sa harapan ko. "Si Nathan ‘yon, Master," Arc answered. "Isa pang salita mo Arc at malilintikan ka na sa akin," singhal ko rin sa kanya na agad din nilang ikinatahimik. "W-we can left Angel to my Mom," mayamaya ay suggest ni Gio sa akin kaya napabuntunghininga na lang din ako. "Buti na lang talaga may maaasahan pa dito. Bakit nga pala nandito pa kayo? Wala pa ba kayong balak kumilos? Tanghali na nga kami mas tanghali pa kayo?" singhal ko sa kanila. "Paalis na nga kami, Master. Sakto lang talaga na dumating ka," pagpapalusot ni Erroll at hinila niya na rin si Randell patayo. Agad din silang kumilos at nag-hintay naman kami sa sala saka kami sabay-sabay na lumabas pagkatapos nila. Sama-sama rin kaming pumunta sa Mommy ni Gio at sama-sama naming iniwan si Angel sa kanya na tuwang-tuwa rin na makita si Angel, wala na kasing kasama si Tita sa bahay dahil madalas na wala si Gio. Natagalan pa nga kami sa kanila dahil iniyakan na naman kami ni Tita. Palagi na lang siyang ganoon palibhasa bihira niya kaming makita. Noong matakasan naman namin siya ay umalis agad kami at binilisan na lang din naman namin. Sinabi naman ni Tita na siya na ang bahala kay Angel, at pupunta na nga daw agad sila sa Mall para mamili ng gamit ni Angel, lalo na ang cellphone at mage-enroll na daw agad sila. Mabilis lang din naman na nakapalagayan ni Angel ng loob si Tita at ganoon din si Tita sa kanya. Mabait naman silang pareho at alam ko na aalagaan ni Tita si Angel, maalaga siya kaya alam ko na ganoon din ang gagawin niya kay Angel. "Who are they?" Khill ask me kaya agad akong napalingon sa kanya habang nagmamaneho pa rin siya. "Narinig mo naman sigurong kasamahan ko sila ano? Eventually naging kaibigan ko na rin sila dahil feeling entitled sila na maging kaibigan ko," I answered. "Really? So kilala sila noong kambal at ng parents mo?" he ask again pero agad akong umiling. "No one knows them from my family, only the twins at kahit si Tita ay hindi nila kilala. I'm with them kapag may special missions kami and they are doing the works that I cant do also," I answered again. "Why do you need to have a training with me then kung kaya mo na naman pala?" he ask again. "Khill aasa lang ba ako lagi sa kakayahan at sa alam ko? Aasa na lang ba ako sa kanila? Lalakas ba ako kapag ginawa ko ‘yon? Simula pa noong bata ako I live on Japan, tinago ako kasi nga hindi ako katulad nila. Pero alam kong hindi sapat ang pagtatago Khill, so I trained with Abi and Abs,” I continued. “I trained with them ng patago dahil alam ko naman na kahit ayoko sa ganitong mundo, alam kong darating at darating ang panahon na susubukin ako ng tadhana. And it happened, so I want to prepare myself sa panibagong laro ng tadhana na darating sa akin. This time I wanna make sure na wala ng mawawala sa akin at kahit na ayoko ng buhay na ito ayoko pa ring may mawala sa akin. Hindi alam ng pamilya ko Khill, iyong kambal, ang parents nila at ang anim lang ang may alam," I added. "But that was cool, at alam mo kahit gaano ka ka-handa ang kung nakatadhanang may mangyari, mangyayari at mangyayari ‘yon," he also said. "That's not being cool, okay? Segurista lang ako," I answered. Natawa na lang din siya sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa. Hindi rin naman nagtagal ay narating na agad namin ang gate ng academy. Buti na lang din ay naisip ko na ihabol ng enroll si Khill, at ako na mismo ang kumausap kay ate Aila para ipasok siya ng wala ng paligoy-ligoy. Iyong anim naman ay baka nag-enroll sila ng sarili nila, ganoon naman sila palagi. Pagpasok namin sa gate ay nagparada lang din kami ng sasakyan namin saka kami tumakbo dahil nagsisimula na ang assembly. Ayaw na ayaw ko talaga na nale-late ako, that is bullshit, kasalanan talaga ito nitong anim. "There they are, nice outfit. Is it cool being late on your first day?" agad na bati sa amin ni ate Aila dahilan para agad kaming magkatinginan. Napatingin na lang din kami sa mga kasabay namin sa assembly at lahat ng newbie na kasama namin dito ay handang-handa na, tapos kami lang ang ganito ang hitsura. Nakahilera na rin silang lahat at napakagulo naming walo. This is bullshit, nagyon lang talaga nangyari sa akin ang ganito. Nakakahiya! "Where are you going?" mayamaya ay tanong ni ate Aila ng umalis ako sa pila hila-hila si Khill. "Finish them and we'll follow," I answered saka ko sinenyasan sina Dwayne na sumunod sa akin. Wala ng nagawa si ate Aila kung hindi sundin ang sinabi ko dahil sinabihan na rin siya ng mga kasama niya. They continued and wa continue walking. "Dala niyo ba ang mga damit niyo?" I ask the danger na agad na tumingin sa akin. "Oo naman," sabay-sabay nilang sagot sa akin. "Bakit hindi niyo pa sinuot? Tarantado ba kayo?" singhal ko sa kanila saka ko sila muling pinagsisipa na agad nilang ikina-angal. "Come with me," mayamaya ay sabi ng kung sino dahilan para mapatigil kami. Agad ko ring tiningnan ng masama ang mga kasama ko saka ako sumunod kay kuya Duke paglapit niya sa amin, and they followed. Malayo-layong lakaran din ang ginawa namin bago kami nakarating sa isang parang liblib na bahay. "Duchess? This will be our dorm," he said saka niya binuksan ang pinto ng dorm na tinutukoy niya. "No, sila ang gusto kong kasama sa dorm," I answered. "No!" agad namang kontra ni kuya Duke sa akin. "Yes! Kaya kung gusto mong kasama ako sa dorm kuya Duke, give them space here, also. Here with us," I said. Nakipagtitigan lang din siya sa akin habang kunot na kunot ang noo niya kaya sinenyasan ko na lang din agad ‘yong staff na nandito na naghihintay sa amin. "Get our things on our car," utos ko sa kanya saka ko iniabot ang susi ko sa kanya. "No need, you can park your car here. Give your key’s to him,” kuya Duke said kaya binigay na lang din namin sa kanya ang mga susi namin and he left immediately. Mayamaya ay may iniabot din ang isang staff kay Kuya at kinuha niya rin agad ‘yon. “Who's Humfrey? Here's your uniform," kuya Duke said. Agad din namang kinuha ni Khill ang uniform niya kaya binalingan ko na lang din ang anim naming kasama. "Pagdating ng gamit niyo, magbihis na kayo okay? Mga bugok talaga kayo eh," singhal ko sa kanila saka ko sila inambahan ng suntok. Niyaya na rin kami ni kuya Duke sa loob at agad din siyang nagpa-ayos ng mga kwarto sa mga staff na kasama namin dito para sa mga kasama ko. Mayamaya lang din naman ay dumating na ang mga gamit namin kaya agad din silang kumalis. Naiwan naman ako sa sala and I just unzipped my jacket, put down the hood of my jacket and fix my hair. "Who are they?" mayamaya ay tanong sa akin ni kuya Duke. "Friends," simple kong sagot sa kanya. "Do you really need to let them stay here? We will stay here with you, kung kasama ang kaylangan mo," Kuya said again. "I need them," I answered again. "Did they know who you are?" he asks and I nod at him. "I need them to feel at ease. I don't wanna feel alone right now, kuya Duke. It's driving me crazy," I said again "Tapos na kami,” mayamaya ay hiyaw nina Dwayne saka sila sunod-sunod na sumulpot dito na para bang nagunahan pa sila na matapos. I then look away and I wipe my tears na agad na tumulo and I put my hood back. "Let’s go?" yaya ni Kuya sa amin kaya kumilos na lang din kaming lahat. (Humfrey's POV) Sumunod agad kami paglabas ni Duchess kasama ang kapatid niya saka kami pumila and I choose to be by her side. "I’ll discuss your punishment later that’s for being late and for not wearing your uniforms. But for now, I want you to introduce yourself first, and we will start on the back," the Dean said to us. "Randell Park." "Erroll Hyun." "Gio Chen." "Nathan Kim." "Arc Chen." "Dwayne Hyun." "Humfrey Morris." "Duchess Steinckert." I look at her matapos niyang magpakilala at sinulyapan niya lang din naman ako kahit sandali. So, totoo nga talaga na apo siya ng mga elders? Nagsimula na rin namang mag-discuss ang dean kaya nag-focus na lang din ako sa discussion. Sabi nila ay mapupunta kami sa last section ng mga first-year, iisang course lang din kasi ang kinuha namin at kami lang daw ang magkakasama sa section na ‘yon. were actually ten on that class but the two which is the twins died already. Matapos ang orientation ay ibinilad nila kami sa araw, ito marahil ang parusa nila sa amin. May isang oras rin marahil kaming naka-bilad bago nila kami hinayaan na umalis. Saktong-sakto naman dahil aayusin pa rin namin ang dorm namin at bibigyan din daw nila kami ng chance na libutin ang school dahil bukas pa ang regular na klase. Swerte na lang din kami na maayos at malaki ang dorm namin, mukang komportable, ikaw ba naman na mga Steinckert ang kasama mo sa dorm. "Jion?" mayamaya ay tawag ni Dwayne kay Duchess. "Shut your mouth, Dwayne!" singhal naman ni Duchess sa kanya. "Whoah! Itatanong ko lang naman kung anong gusto mong pagkain," he immediately answered. "Duchess will be fine you idiot!" muli niyang singhal sa kausap niya. Agad din namang tumakbo si Dwayne palayo sa kanya, kaya ibinaba ko na lang ang hood ng jacket niya para matabunan ang muka niya, saka ko siya hinila paakyat sa ikalawang palapag ng dorm namin. I then help her fix her things habang nakahiga lang siya sa kama. Katabi lang din naman ng kwarto niya ang kwarto ko na nasa kaliwa, reserved na kasi ang dalawang kwarto na nasa sa mga kapatid niya kaya sa kaliwa na lang kami nina Dwayne. I then look at the door of Duchess’s room habang abala ako sa ginagawa ko sana ko lang nakita na nakasandal lang doon ang kapatid ni Duchess at nakatingin siya sa akin, then he look at his sister. Hindi na lang din naman ako nagsalita at tinapos ko na lang din ang ginagawa ko. Pagkatapos kong ayusin ang gamit niya ay inilapit ko na lang din sa kanya ang isa niyang unan saka ako lumabas para pumunta sa kwarto ko. Saktong lumabas din ‘yong anim na maiingay. Agad din silang natahimik ng makita nila ang kapatid ni Duchess at bumaba na lang din kaming lahat ng sabay-sabay saktong-sakto naman na may pumasok na isa pang lalaki. "From now on don't call her Jion okay? She hates that," agad na paalala sa amin ng kapatid ni Duchess at naupo lang din naman ang pumasok nilang kapatid sa tabi niya. "Yes sir," sabay-sabay na sagot noong anim sa kanya. "Where did you met her?" agad ding tanong noong isa pa nilang kapatid na kadarating lang. "Mahabang kwento," tipid kong sagot sa kanya na tinanguan lang din noong anim. "Do you know that we are her brother? Do you know anything about us?" muling tanong ng sa palagay ko ay panganay sa kanila. "Do you even know na ayaw namin na nilalapitan ng kahit na sino ang prinsesa namin? But since, she said she need you, we’ll let you for now," he added. “Kami na ang bahala sa kanya, alam naman namin na kaylangan niya kami. At alam din namin na nasasaktan at naaapektuhan siya ng husto sa pagkawala noong kambal. And that is the reason why were here, and that is the reason why were calling her Jion," Dwayne answered. "Why I didn't saw you on their burial kahit ikaw Humfrey," he said again. "She don't want us to go there, and she’s with us the whole time na wala siya sa inyo," sagot ko at napatingin na lang din sa akin sina Dwayne dahil hindi naman nila alam ‘yon, but they didn’t talk either. "Guard her for us, huwag niyo siyang iiwan dahil alam namin na sa ngayon mas pipiliin niya na makasama kayo kaysa sa amin," he said again. "Oo naman kuya Duke," agad na sagot ni Dwayne. "How did you know my name?" nagtatakang tanong niya sa amin. "Kilala naman namin kayo hindi ba? Saka nabanggit na kayo ni Duchess sa amin," muling sagot ni Dwayne sa kanya. "Kayong lahat sa oras na malaman kong pino-pormahan niyo ang utol namin mananagot kayo sa akin," muling sabad noong isa nilang kapatid sa amin. Pabiro ang tono niya pero nasa mata niya ang nais niyang ipahiwatig "Naghi-hintay lang kami kuya Duce,” Randell answered. “Abat talagang!" singhal ni Duce sa kanya na tinawanan lang din naman noong anim. "Tama na yan Duce tara na, sa tingin mo ba magpapaloko si Duchess sa mga yan? When Duchess says they are friends, they’re her friends whatever happens,” Duke said again. “By the way, I want to remind you that this is still our dorm. Watch your moves," he added. Umalis na rin naman agad sila matapos na sabihin ‘yon ni Duke at naiwan kaming pito dito habang nasa taas pa rin si Daun. "Ikaw saan ka niya nakilala saka iyong batang kasama niyo?" Dwayne ask me kaya napatingin na lang din ako sa kanya. “Its none of your business, gawin na lang natin ang utos ni Duchess," I answered him. Hindi naman na sila nakasagot pa kaya umakyat na lang akong muli sa second floor ng dorm saka ako dumiretso sa kwarto ko para magpahinga rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD