Chapter 14

3340 Words
(Duchess's POV) Ito na talaga, this time totoo na ang lahat. Totoong papasok na talaga kami ngayon dito sa academy. Kahapon kasi ay practice lang, at ginagawa talaga nila ‘yon sa lahat ng mga estudyante dito para bigyan sila ng time na makapag-adjust. "Duchess matanong ko lang ha? Saan mo nga ba napulot itong si Humfrey?" mayamaya ay tanong sa akin ni Dwayne. Nagsisimula na naman siya. "Sa gubat," tanging sagot ko sa kanya. "Really? Kaya naman pala muka siyang unggoy. At kaya naman pala ayaw ko sa kanya," hindi makapaniwalang sagot niya. "Don't worry! Hindi rin kita type," Khill said to him na agad din naming tinawanan na lalong ikina-inis ni Dwayne. "Anong ibig mong sabihin ha?" singhal niya kay Khill. "Ikaw hindi mo ba itatanong kung saan kita napulot?" sabad ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin. "Saan nga ba?" he suddenly ask. "Sa kalye, kaya muka kang basura. Ang ingay-ingay mo!" singhal ko sa kanya dahilan para agad na tumawa iyong lima naming kasama. "Pa-tawa-tawa kayo riyan kayo rin naman," I said again. Dahil doon ay agad silang natigilan kaya lalo ko silang inasar at nginisian. "Duchess?" Napatigil kami ng mga kasama ko dahil sa mga nakasalubong namin. Galing kasi kami sa dorm namin at papunta pa lang kami sa room namin. "Condolences," he added. Pagkasabi niya noon ay umalis na siya, hindi rin naman ako nagsalita kaya dumiretso na lang din ako. Sa pagkaka-alala ko ay isa siya doon sa mga newbie na kasabayan namin nila Abs at Abi na mag-screening. Bakit kaya alam niya? Pinaalam kaya nila ang nangyari? Bakit kaya ipinaalam pa nila ang bagay na ‘yon sa kanila? "Who's that?" agad na tanong ni Khill sa akin. "Kasabayan namin sila sa initiation noong kambal," I answered. "How did they know that the twins died?" Arc also ask. "Sila ang tanungin mo Arc," pambabara ko sa kanya. "Oo nga ano?" Arc just answered na para bang naka-tuklas siya ng isang malaking bagay dahilan para agad akong mapailing. "Lower your voice," mayamaya ay sabi ng isang mahinahon at mahinang tinig na puno ng otoridad. Its Seiden at kasama niya ang iba pang royal students at mukang nag-iikot na sila. Tiningnan ko lang din naman sila pero dumiretso lang din sila sa paglalakad kaya hindi na ako nagsalita pa. "Sino ‘yon?" Erroll ask me. "Seiden Vien Dawson, a royal student from royal section lightning. Just so you know," she answered kaya napalingon akong muli sa kanila. Nakatalikod pa siya ng sabihin niya ‘yon pero narinig niya pa rin ang sinabi ni Erroll. Hindi naman na nakapag-salita si Erroll at agad din siyang natahimik saka sila tuluyang umalis kaya tiningnan ko na lang ng masama si Erroll. "Listen to me. This school was all connected to my family. You should be careful, act like you know each other very well. Umayos kayo dahil sigurado ako na pinaiimbestigahan na nila kayo ngayon. The dean here is my cousin, that two men in our dorm were my brothers, and the SSC even the royal students some of them are my cousins and some of them are family friends," I said to them. Iniabot ko rin agad ng papel sa kanila na kanina ko pa hawak. I printed it las night at ang laman nito ay mga impormasyon tungkol sa mga ‘yon. "They don't know anything about you, and they don’t know what im doing, kaya mag-ingat kayo. Hawak ko kayo pero mag-iingat pa rin kayo," I added. "Yes ma’am!" sabay-sabay nilang sagot sa akin kaya hindi ko na sila pinansin. Dumiretso na lang din kami sa room namin dahil nag-bell na rin naman. (Humfrey's POV) Pagpasok namin sa room namin ay naupo na lang din kami sa kanya-kanyang upuan na napili namin. Muka rin namang matatagalan pa ang prof namin kaya pinag-aralan muna namin ang papel na ibinigay ni Duchess. Dito ay makikita na bigatin din pala talaga ang mga kaibigan at kamag-anak niya. I believe, the elders will be happy kapag nalaman nila ito. Dahil bigla kong naalala ang mga elders ay kinuhanan ko na lang din ng litrato ang papel and I immediately send that to them. "What is that?" Duchess asks me. "In case that I lost the papers," palusot ko sa kanya. "Careless," pangaasar niya sa akin. "Coming from you? Talagang sa’yo pa nanggaling ‘yan ha? Sino nga kayang mas careless sa ating dalawa?" sagot ko sa kanya and I just look at her na nasa kaliwa ko. "Hoy! Bakit mo inaaway si Duchess ha?" hiyaw ni Dwayne sa akin dahilan para kapwa kami mapatingin sa kanya. Nilapitan din agad kami ni Dwayne at inilagay niya sa gitna namin ang isang bakanteng upuan, pero hindi siya hinayaang maupo doon ni Gio. He drag him away to us at si Gio ang naupo sa gitna namin ni Duchess, at wala na rin namang nagawa si Dwayne doon. "Paano ka nakakatagal sa mga ‘yan?" I ask Duchess dahilan para mapalingon muli siya sa akin kahit na nasa gitna namin si Gio. "Sa’yo nga nakakatagal ako sa kanila pa kaya? Saka kulang na sila, mas magulo kung kumpleto iyang mga ‘yan," she answered. "Wow ha?" pambabara ko sa kanya na hindi na lang din naman niya pinansin. "Tumahimik kayo okay? Hindi ako makapag-concentrate," Gio said to us kaya lalo kaming natahimik. Tumahimik na lang din ako and then I review the papers again. Nakalagay sa itaas na bahagi ng papel ang katagang Elites Academy Officials at kasunod noon ang bawat positions at ang tao na nasa likod ng bawat pwesto na iyon. Of course the Dean is Aila Steinckert, the secretary is Rya, the bookkeeper is Dalle Perez, the fund manager is Aero Steinckert, the faculty head is Duke Jaicexin Steinckert, and they also have the special subjects teachers which is, Mac Sabrienne Lee, Six Perez, and Rage. On the next paper, Elites is written on the top in the middle which means the SSC officials. And their President is Duce Rionkein Steinckert, the Vice President is Xikei Henson, the Secretary is Ash Naze Grimsford, the Treasurer is Chain Aeron Smith, the Auditor is Eros Von Merrick, the Public Relation Officer is Linux Spade Mc'kein, the Business Manager is Spicer Dace Mc'kein, the Peace Officers are Axe Caleb Bouvier and Lace Perez, the Public Consultant is France Gremery, the first year Representative is Elijah, the second year representative is Dan Alex Henson, the third-year representative is Vanrix Rein Dawson, the fourth-year representative is Nix Kervin Henson, and the fifth year representative is Hanz Grey Grimsford. On the next paper, the Royal sections and students were written on the top in the middle just like the other. It said that section Fire which is the first-year royal section consists of three top students which are Samara Henson, Mace Sabrinne Lee, and Kat Perez. The next royal section which is the water from the second year consists of three top students which are Shen Gremery, Fancy, and Timothy. The next royal section which is the lightning from the third year consists of three top students which are Keen Rei Henson, Arcie Lee Henson, and Seiden Vien Dawson. The next royal section which is the air from the fourth year consists of three top students which are Gill Chanel Smith, Eris Ven Merrick, and Rixie Apple Mc'kein. The next royal section which is the earth from the fifth year consists of the top two students which are Sweety Yna Mc'kein, and Eunice Nexis Bouvier. "I was curious about your real name," I said referring to Duchess. "Why?" she also asks. "Your brothers have second names. What’s yours?" I ask. "Duchess Acexie Jion," she answered. "So that’s where Jion came from. Ang haba naman, pero sino nga ba ang mga pinsan mo dito at hindi?" I answered saka ako muling nagtanong. May picture kasi ang mga pangalan dito pero hindi naman nakalagay kung sino ang mga pinsan niya. "Iyong may last name na Steinckert, Henson at Grimsford mga pinsan ko sila. Syempre maliban na lang din sa dalawa kong Kuya kasi mga kapatid ko ‘yon. Tapos iyong iba na hindi ko nabanggit ay family friends na," she answered. "Ang dami nila," I said again. "Wait? Ano namang role ng dark royals na yan Duchess? Wala sila dito," Gio also ask na kanina pa nakikinig sa amin. "Hindi ko rin alam Gio," Duchess answered. "There you are," mayamaya ay sabi ng kung sino dahilan para agad din kaming matahimik kami. Noong makita namin ang professor namin ay agad din namin itinabi and lahat ng papel na hawak namin at umayos ng upo, para makinig sa kanya. "Come forward, we only have ten seats. The last two seats leave it blank," she said again. Tumayo na lang din naman kami at sumunod na lang din kami sa gusto niya ng walang angal. "Okay? So I am your physical education professor, and you can call me Ms. Sandra," pagpapakilala niya sa amin. "Ms Sandra, para saan po ang royal section?" mayamaya ay tanong ni Arc dahilan para lahat kami ay mapalingon sa kanya. "Okay, so since you ask it already let me answer this question first. Para sa kaalaman ng lahat sa royal section inilalagay ang mga natatanging mag-aaral ng elites academy. At iyong dark royals ang humahawak sa kanila, at royal students naman ang tawag sa mga ipinapasok sa mga section na ‘yon,” she simply answered. “Why do you ask? Are you interested?" she then ask Arc. "No were not," agad namang sagot ni Duchess then she glared at Arc na agad din namang napakamot sa ulo niya. “Opo ma’am, wala kaming balak. Curious lang,” Arc also said. "Okay then lets start?” she said again kaya hindi na kami nagsalita pa. “But before that, I’ll give you a chance to change your clothes first, and starting today all you have to do is wear your physical education uniform first every morning. Then after that you can change your clothes after my subject para sa susunod niyong klase, okay ba ‘yon?" she said again. "Ma’am yes ma’am!" sabay-sabay na sagot nina Dwayne na tinawanan lang din ng teacher namin. Agad din naman kaming tumayo saka kami lumakad papunta sa kanya-kanya naming locker room na malapit lang din naman sa room namin saka kami nagsipag-bihis. Mayamaya matapos magbihis ng lahat ay nagkita-kita kaming muli. "Hindi tayo papasok sa royal section na yan, do you understand?" sermon ni Duchess kay Arc. "Curious lang talaga ako Master," Arc answered. "Duchess!" mariin niyang sabi kay Arc. "Master Duchess," Arc said again. Tumakbo na si Arc matapos siyang tingnan ng masama ni Duchess and she followed him. Naghabulan na rin sila habang sigaw ng sigaw si Arc asking for our help, dahil sigurado siyang mananagot siya kay Duchess. "What is that?" agad na natigilan ‘yong dalawa sa pagtakbo nila at kahit kami ay agad na napalingon sa pumuna sa amin. "May butiki sa likod niya ma’am. Takot po kasi siya doon kaya tinatanggal ko, halika na Arc huwag ka na kasing tumakbo, tatanggalin ko na!" Duchess answered our professor saka siya muling bumalik kay Arc saka niya ito pinandilatan ng mata. Wala na rin namang nagawa si Arc ng hablutin siya ni Duchess at malakas na sigaw na lang ang nagawa niya dahil ilang beses siyang binatukan ni Duchess. habang tawa lang naman ng tawa iyong mga nasa likod ko, I also saw Duchess laugh at him kaya natawa na lang din ako sa kanila. "Wala na," Duchess said to him. "Ang sakit, tinotoo mo na eh!" agad na reklamo ni Arc sa kanya. "Hayaan mo na, okay lang yan. Wala na yan,” Duchess said to him saka niya inakbayan si Arc at nauna na silang lumakad sa amin. "We're running out of time, guys. Run to the gym wait for me there and don't stop until I came," Ms. Sandra said to us. Tumango na lang din kami sa kanya saka kami nagsimulang tumakbo. Nauuna sa amin si Duchess at katabi niya ako, at nasa likod naman namin iyong anim. Nag-form din kami ng two lines and they’re yelling na para silang mga sundalo. Kung sila ay sanay sa ganyan, ako hindi. Hindi ako sanay na lahat ng atensyon ay nasa amin. Lahat ng mata ng mga nadadaanan naming room ay nakatutok sa amin, at nawala lang ang mga matang nakatingin sa amin noong bumaba na kami, dahil wala ng pakalat-kalat na estudyante pero may mga sumisilip pa rin sa amin. Pagdating namin sa gym ay saka lang din namin napansin na hindi lang kami ang naroon. Lahat ng royals ay nandito at mukang kasabay namin sila ng physical education subject. Hindi na lang din naman namin sila pinansin at umikot lang kami sa gym kagaya ng utos sa amin, at hindi rin kami tumigil and no one cares because this is an order. "Lower your voice!" mayamaya ay puna ng mga kasabay namin. "This is an order, Timothy. So mind your own business, and we’ll mind ours," Duchess answered him. Agad din naman silang natahimik dahil sinabi ni Duchess, at dumiretso na lang din naman siya sa pagtakbo kaya sumunod na lang din kami. Wala na silang magagawa, boss yan eh. "Come here students," mayamaya ay tawag sa amin ni Ms. Sandra kaya agad kaming lumapit sa kanya and we stand in line. "Since you already started the military-like jog, introduce yourself first in a military way also. Let's start with the boys on the back," she added. "Ma’am Randell Park ma’am!" he said that loud with a salute and a feet formation as well. "Very good, continue," Ms. Sandra said again. "Ma’am Erroll Hyun ma’am!" "Ma’am Gio Chen ma’am!" "Ma’am Nathan Kim ma’am!" "Ma’am Arc Chen ma’am!" "Ma’am Dwayne Hyun ma’am!" "Ma’am Humfrey Morris ma’am!" I followed and this is bullshit. "Duchess Steinckert reporting for duty!" Duchess then said at natawa na lang din kami sa kanya. "Very different way ha? Now sit down," Ms. Sandra said to her saka siya ngumiti sa amin. Naupo rin agad kami saka siya nagsimulang magturo bago niya ipaliwanag ang mga gagawin naming activities, at kung ano-ano pa about sa subject namin. Sa totoo lang ay ang boring ng ganito, ito ngang mga kasama ko ay inaantok na rin. Mayamaya ay mahina na lang din kaming natawa ng makita namin si Ms. Sandra na kimuha ng bola na ipinakuha niya sa amin kanina saka niya iyon ibinato and it hit Dwayne. "Who the hell did that?" malakas niyang hiyaw kaya muli kaming natawa. "I did that, I don't want to waste my time walking towards you and wake you up, Mr. Dwayne. At least now you are awake right? And since he did the honor, he will be the first competitor of this game," Ms. Sandra said. "Anong gagawin?" bulong niya sa akin dahilan para mapalingon din ako sa kanya. "Dodge ball," I answered. "And Mr. Morris will follow," Ms. Sandra said again. "Good luck bro," natatawang sabi ni Erroll sa amin. "I change my mind now, Mr. Dwayne first then Mrs. Erroll, and then Mr. Morris," Ms. Sandra said again kaya muli ay natawa kami ng mahina. (Duchess's POV) "Wala man lang bang vacant day dito?" mayamaya ay tanong ni Dwayne habang naglalakad kami papunta sa cafeteria para sa lunch namin. "Wala," someone answered dahilan para sabay-sabay kaming mapalingon. "Oy kuya Duke!" agad na bati ni Dwayne kay kuya Duke. "You’re not my brother Dwayne, shut your annoying mouth!" singhal ni kuya Duke sa kanya. Agad din naman siyang natigilan at tinawanan na lang din namin siya. Puro kalokohan talaga ang mga kasama ko, wala na kaming ginawa kung hindi ang tumawa na lang. At dahil din doon ay nakakalimutan kong malungkot nga pala ako. "Duchess I'm talking to you," mayamaya ay sabi ng kung sino dahilan para muli akong mapalingon. Hindi ko alam na lumilipad na naman pala ang utak ko. "I said what do you want to eat? I’ll cook food for you," kuya Duke asks. "Anything from you Kuya," I also answered. "Like what?" he ask again. "Fried egg?" patanong kong sagot sa kanya. "No! You’re allergic to that food, I’ll cook fried chicken," he said again kaya natawa na lang ako. Ang gulo din kausap din kausap nitong si kuya Duke eh. Hindi na lang din naman ako nagsalita at mayamaya ay sumabay din sa amin si kuya Duce kaya agad na nagbigay ng daan sina Dwayne sa kanila. "You’re not answering Mom and Dad's call," kuya Duce said to me. "Magkakasama naman tayo Kuya hindi ba? Saka tinatamad akong hawakan ang cellphone ko," I answered. "They’re worried Duchess! Nakalimutan mo na bang hindi ka man lang umuwi bago ka pumasok dito simula noong umalis ka sa bahay ulit? Saka malapit na ang birthday ni Mom," he said again. Napatitig ako sa kanya saka ako agad na umiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ko na sila naisip, at nakalimutan ko pa ang birthday ni Mom. Sa sobrang kakaisip ko kay Abi at Abs saka sa paghihiganti para sa kanila, nakakalimutan ko na ang sarili kong pamilya. "You forgot?" kuya Duce ask again. "I’ll think about the gift later," I answered in my low tone of voice. "Duce come here?" agad na sabad sa amin ni kuya Duke. "Oo na Kuya, ako na naman ang inaaway mo. Palagi mo na lang talaga akong inaaway dahil kay Duchess, ako ang kakambal mo Kuya! Baby si kuya Duke oh!" malakas na reklamo ni kuya Duce. "Shut up!" sabay naming saway ni kuya Duke sa kanya saka kami napalingon sa paligid namin. Buti na lang hindi pa kami nakakalayo sa gym at iilan lang ang tao dito. “Dont mind him. Anyway, this is for you,” kuya Duke said to me saka niya iniabot sa amin ang gusto niyang ibigay. Badge ang iniabot niya sa mga kasama kong kulugo palatandaan na sila ay mga elites hottie's at parang headband ang ibinigay niya sa akin palatandaan na isa akong magic beauties. The dark royals also use to wear name tags and their uniforms color was different from the usual one. At kaming newbie ay vest lang ang naiba sa usual uniform, at ang dark elites ay iba talaga ang uniform sa amin. Tapos may mga wrist band ang dark elites that alo symbolizes them. "Hi Duchess?" mayamaya ay bati ni Samara sa akin kaya tinanguan ko na lang din siya. "Magic beauties, we will have a meeting at four in the afternoon in the gymnasium and the elites hotties will follow at exactly five in the afternoon," mayamaya ay announce ng kung sino na kaboses ni Shen. Siguro ang mga babae sa kanila ang pinuno ng mga magic beauties at ang mga lalaki ang pinuno ng elites hottie's. "Para saan kaya ang meeting na ‘yon?" Nathan then ask after ng announcement. "Ask them Nathan, may alam ba kami sa tanong mo? Syempre wala hindi ba?" pambabara ko sa kanya. "Miss, para saan ---” tinakpan ko agad ang bibig ng mokong dahil sa sinabi niya at nilingon siya ni Samara pero hindi na lang siya pinansin nito bagkus ay ngumiti sa akin. "I’ll kill you, shut up!" singhal ko sa kanya saka ko siya pinanlakihan ng mata. "Ito na nga tatahimik na alam mo namang ---” he said again but I glared at him. Itinaas niya naman agad ang kamay niya at tumahimik as I glared at him. Nakakainis talaga sila, para talaga akong may batang kasama kapag kasama ko sila. Lahat sila puro isip bata. At isa pa ang hirap nilang sabihan, sina Abi at Abs kasi ay sanay na sa kanila, alam na nila na hindi dapat pakialaman ang mga ‘yon pero iba ang mga kasama ko ngayon. Ito na naman ako, iniisip ko na naman sila kahit iba ang kasama ko. Napailing na lang ako at hindi ko na inisip ang anumang bagay at dumiretso na lang din kami sa cafeteria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD