Chapter Thirty -Khen- Sa nagdaang ilang taon sa buhay ko na kasama ko ang mga grandparents ko ay masasabi kong naging mabuti sila sa akin. Ang buong katotohanan sa pagkatao ko ay hindi ako tunay na dugong De Lana, ang mga magulang ko ay isang agent ni Lolo Jacinto. Ang Ama ko ang palagi nitong kasama sa lahat ng oras at ni minsan ay hindi naging pabaya ang aking Ama para mabantayan lang nito noon si Lolo. Sa lahat ng naging laban ng aking Ama at katuwang din nito ang aking mahal na Ina. Naaalala ko pa noon sa tuwing aalis ang mga ito ay lagi akong naiiwan sa mansion para pabantayan kay Nana Mila kasama si Zandro na isa ring apo ni Lolo. Kasing edad ko si Zandro pero mailap ito sa karamihan lagi din itong may suot ng maskara, kahit na anong yaya ko dito para makipaglaro ay ayaw nit

