Chapter Twenty-nine -Camile- Pagkatapos ng mga pinagdaanan namin ni Khen ay naging masayang kami ngayon. Pero may mga pagkakataon na naalala ko pa rin si Karen ang pinsan kong matagal ko nang hindi na kikita. Nagpatulong na rin ako kay Khen para mahapan ito, pero anino man nito ay wala kaming nakita. Samantalang pinanindigan naman ni Khen ang pangako nitong hindi na maglilihim sakin. Kung minsan nga lang ay natatawa na lang ako dahil halos oras-oras ay tumatawag ito sakin para ipaalam kung ano ang ginagawa nito sa loob at labas ng bansa. Hinayaan ko na lang din kasi gusto ko rin naman ang paglalambing nito minsan. Naging maayos ang lahat sa amin sa paglipas pa ng ilang taon. Pero isang balita ang gumuluntang sa aming lahat ng mamatay si Lolo Jacinto at isinuko kay Zandro ang pam

