Chapter Twenty-eight -Khen- Masaya kong pinagmamasdan si Camille habang ito ay mahimbing na natutulog sa aking tabi. Nakayap pa ito saking tiyan at nagbibigay ito saya sa aking puso. Mula ng makalabas na ako sa hospital ay hindi ko na hinayaan ang mga ito na umuwi muna ng bansa, gusto kong dito muna ito at kasama ko. Bumabalik sa aking ala-ala ang panahon na magkasama pa kami nito at masaya lang at wala pang mga problema. Hinaplos ko ang buhok nito at dahan-dahan kong hinalikan ang labi nito. Napaungol naman ito at umiwas sa halik ko. Natawa ko pa ako ng dumilat ang inaantok nitong mata at ngumiti sakin ng tipid. Niyakap ko naman ito ng mahigpit at idiniin sa dib-dib ko ang mukha nito at sinabayan ko na ito sa pagtulog dahil baka hindi ako makapagpigil at makaisa naman ako dito. M

