Snow's POV
Masagana ang pagkain sa malaking mesa ng mga Sel Monroe. Hindi na nakapagtataka yun dahil syempre, nandito si Avis, baka kulang pa nga ito.
Sa kabilang dulo naka-upo ang ama ni Jin habang sa kabila naman ay si Yuan. Kaming lahat ay tabi tabi lang, kung sino naunang maupo, wala naman seating arrangement.
"Do you like the food kids?" Tanong ni Margaret sa amin.
Wala akong masabi. Ang sarap ng pagkain at tsaka nagtataka lang ako kung sagana ba sila sa pagkain dahil sa estado ng kanilang kontinente. Halatang walang prutas o gulay ang tumutubo rito at kung mga hayop naman, kekelanganin ng magastos na maintenance.
"Superb!" Sabay na sagot namin lahat. Kahit si Avis na punong puno ang bibig ay nakisuperb pa talaga.
Marami silang napag-usapan tungkol sa pag-aaral at tsaka mga pangyayari sa academy. Nasali pa nga ako sa usapan nila na nananahimik lang ako kaya medyo napakuwento na lang ako ng konti tungkol sa pamilya ko. Hindi naman nagulat ang ama at ina ni Jin, mukhang alam na nito ang background ko pero yung maganda sa kanila, mababait ang mga ito.
"The matter about the continent." Bukas ni Reginald na nakatutok sa amin. "Up until now, we could not identify what is really the enemy. There is no miasma or anything, so we really can't say it is a fallen's doing." Saad nito na halatang napapagod na sa kakaisip. "But this late afternoon, I receive a message from the troops that they found a survivor and it was found at the rocky mountains, where the weather is at its peak."
"Rocky mountain? Isn't that 500 miles away from here?" Naisaad naman ni Jin. Pamilyar ito syempre sa lugar.
"Where specifically?" Tanong naman ni Luna sa kanyang uncle.
"It was not a detailed report since it was an eventful thing happened. But they got the survivor in the area, after 2 weeks of missing." Sagot naman nito.
2 weeks! For pete's sake, that is too long already. But it is alive? Then, it will be the witness and the puzzle will be soon be resolve for the mystery of missing people. Hindi ko alam kung gaano na ito katagal na nangyayari but I have a feeling na noon pa ito nangyayari at ngayon lang sinabi.
"When did it start?" Tanong ni Yuan. He is at his usual pokerface. Cold and stoic.
"It started, about 2 months ago." Sagot naman nito.
2 months? Ganun na katagal? Sing tagal rin ng pagiging Elite ko. Tama, dalawang buwan na rin akong myembro ng Elites. Mula noon wala ng mga nangyayaring pag-atake ang mga fallen.
"That long? And you just reported few days ago?" Tumaas ng boses ni Jin. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng ama nito.
"We don't want it to be a burden in the palace so we thought we can just handle it." Sagot naman ni Reginald. Kami, tahimik na lang dito ang awkward sa feeling na nagsisimulang nagkakasagutan yung mag-ama.
"And you did not. The thing is, it got even worse." Ngitngit na saad nito. First time ko itong nakitang galit. Hindi man lang nito kinontrol ang sarili kahit ang ama pa nito ang kausap nito. Mukhang nag-aalala nga talaga ito sa mga nangyayari.
"Don't raise your voice at me young man!" Sigaw naman ni Reginald.
Hindi namin alam kung ano ang magiging reaksyon. Sa totoo lang, nawalan na ata ako ng gana. Kaya hindi talaga advisable na pag-usapan ang mga bagay-bagay over dinner dahil kung ano man ang kinalabasan ng pag-uusap tulad nito, nakakawalang gana ng kumain at napaka-awkward pa.
"Don't mind them Kids, they are really like that." Saad naman ni Margaret sa amin at pilit na pinapakalma ang dalawa. "You two, mind your manners, we have visitors and the prince is here." Litanya na nito sa dalawa.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila dahil comical ang nangyari. Kumalma naman ang dalawa at bumalik na sa pagkain. Kami naman ay nagpatuloy na rin pero konti na lang ang kinain ko dahil nabusog na ako sa eksenang nakita ko kanina.
Si Avis naman at parang wala lang nangyari, maganang magana pa rin kumain at si Yuan, poise na poise pa rin. Hindi ko alam kung may mga pakiramdam ba ang mga ito o wala.
Natapos na kaming kumain at ang pag-uusap na yun ay hindi na rin nadugtungan.
•••
Parang nasa ibang mundo pa ang kaluluwa ko ng mga oras na ito. Ikaw ba naman ang gisingin ng ganito kaaga. Alas dos pa ng madaling araw at ginising na nila ako dahil pupunta daw kami sa lugar kung saan natagpuan yung survivor. Sa totoo lang, ako yung kinakabahan sa gagawin namin hindi dahil sa mission kundi dahil sa ganitong oras di ba naglalabasan yung mga aswang at multo?
Nakasuot ako ng makapal na makapal na white polar coat, mahahaba ang balahibo nito na tamang tama lang sa malamig na malamig na klima. Nakasuot din ako ng polar furry head warmer. At tsaka nakahigh cut boots ako pero nagmedyas ako ng tatlong layer.
"Bakit ba kailangan ngayong araw pa talaga? Hindi ba pwedeng mamayang umaga na lang?" Reklamo ko. Inaantok pa talaga ako sa totoo lang.
"We have to. We need to reach the mountain by 6am." Sagot naman ni Jin.
6am? Ang layo-layo nun. Baka nga abutin pa kami ng bukas. "Are you sure we can reach the area, with this weather?" Tanong ko ulit. Alam niyo naman, this climate na ala bed weather eh ang sarap sarap matulog.
"We will reach the town by 6 and we will start hiking." Maikling sagot ni Jin.
Hiking he said, parang gusto ko ng umuwi dahil iniisip ko pa lang eh nagkakafrost bite na ako. Pero wala naman din akong magagawa dahil misyon namin ito at hindi pwedeng umatras. Pinangarap ko rin ang mga misyon tapos aayaw ako di ba? Kaloka naman yun.
Lumabas na kami ng mansyon ni Jin tapos may nakaabang na sa amin na malaking karwahe na may skii. First time ko na nakakita ng ganito, it is a snow white carriage which is so large at imbes na kabayo yung tagahila, it was 4 big polar bears. May kutsero din na nakaoutfit ng panlamig.
I feel like something is missing. Chineck ko ang sarili ko and crap, nakalimutan ko ang bag ko.
"I left my bag, wait." Saad ko at tumakbo ako pabalik sa loob ng masyon. Mukhang naiwan ko sa living roon yung bag ko dahil sa inaatok pa ako kanina. At yun nga, naiwan ko nga talaga sa sala kaya kinuha ko ulit ito.
Lumabas ako sa mansyon at tanging si Yuan na lang ang nasa labas ng karwahe. Nakapamulsa ito at mukhang naiinip.
"Bakit di ka pa pumasok?" Tanong ko rito habang patungo ako sa karwahe.
"They may think we are already complete. Baka maiwanan ka pa." Saad nito with the straight face.
Hindi ko alam kung concern ba ito o binubully ako. Ang hirap kasi basahin ng mamang ito.
Nauna na akong pumasok. Nakita ko na si Luna at Violet magkatabi. Si Jin naman at si Avis, magkatabi rin. May isang 2 seater na lang ang natira at nasa likuran ito. So that means? Holy f***, magkakatabi kami? Umupo na lang ako sa bakanteng upuan at walang ilang segundo at tumabi na nga sa akin si Yuan. Diyos ko po, mahal niyo po talaga ako noh?
Agad na umandar ang karwahe. Yung karwahe sa loob at para siyang tren, 3 paris of seats, pero parang room type din, may division kaya kahit mag-usap ay hindi kayo magkakarinigan sa kabila. Ang taray ng karwahe nila Jin di ba?
Madilim sa labas kaya bluish ang nakikita ko sa paligid. Ni walang bituin sa kalangitan dahil puro ulap yung nakikita ko.
"Wala bang tigil ang winter storm dito?" Tanong ko kay Yuan. Wala kasi akong ibang makausap.
"There is, they also have summer but it will only last 1 week. But now, seems like the weather is not good. Since we got here, the heavy falling flakes never ceased." Mahabang sagot nito.
Yun din ang napansin ko. Pagkarating namin kahapon ay buhos na ang snow at mapahanggang ngayon ay buhos pa rin. Hindi naman sa sobrang buhos na may kasamang malalakas na hangin pero wala lang tigil yung snow.
"When is the summer season?" Tanong ko naman rito. Hindi ko talaga maimagine ang summer sa lugar na ito. Feeling ko baka bumaha pag natunaw yung mga yelo.
"Last summer." Sagot naman nito.
Ah, kasabay lang din pala pero isang linggo lang ang summer nila Jin which is back to winter part kaagad. Pero sa smooth na galaw ng karwahe hindi ko maiwasan na antukin ulit. Hindi naman siguro masama kung iidlip ako di ba? Reasonable naman kasi madaling araw ngayon.
"I'll just take a nap." Paalam ko rito.
Tumango naman ito. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang hindi ko na namalayang nilamon na pala ako ng antok.
_____________________________________________