Avis POV Nakakabagot pa la na si Jin yung katabi ko. Hindi ko man lang kasi makausap dahil tahimik itong tao. Nagsasalita lang ito kung gusto niya. Kanina pa nga ako daldal ng daldal pero hindi naman ito sumasali sa usapan. Pero napansin ko na medyo maliwanag na ang paligid at tumila din ang buhos ng niyebe. Puting puti ang paligid na napapaligiran ng nyebe. Wala nga akong makitang ibang kulay maliban sa puti. Speaking of Snow, nasa kasunod namin sila na upuan pero di naman namin makikita dahil may harang. Mas mabuti pa kung kay Snow na lang ako tumabi, kahit papano mas madaldal pa yun kesa dito sa katabi ko. "We're near." Saad ni Jin. Napalingon naman ako rito. Sa wakas, nasalita din. Feeling ko napanis na laway nito. Kanina pa ito di nagsasalita eh. Pero ayoko naman kulitin ito, base

