bc

The Wife He Never Truly Married

book_age18+
382
FOLLOW
2.9K
READ
billionaire
revenge
HE
escape while being pregnant
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
bxg
lies
musclebear
substitute
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

For two years, she believed she was his wife. Only to discover she was nothing more than a substitute for the woman he truly loved—his own sister.

Hanggang sa matuklasan niyang ang kasal nila ay isa lamang kasunduang puno ng kasinungalingan, habang ang lalaking pinakasalam niya ay lihim na nakakulong ang puso sa sariling kapatid na babae.Nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao, pinili niyang talikuran ang lahat at magsimulang muli.

Ngunit nang bumalik siya bilang isang babaeng hindi na kayang apihin o tapakan ng kahit sino, saka naman siya hinabol ng lalaking minsang dumurog sa kanyang puso.

"I'm sorry, but I don't know you."

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Maria Cristina HINDI ko mapigilang ngumiti habang nakatingin sa ultrasound picture na hawak ko. Paulit-ulit ko iyong tinitingnan habang nasa biyahe pauwi ng mansiyon. Kahit ilang beses kong basahin ang resulta, hindi pa rin mawala ang saya sa dibdib ko. I'm two months pregnant. Dahan-dahan kong ipinatong ang isang kamay sa tiyan ko. Magka–baby na kami ni Lucien. Unti-unti akong natawa habang pinupunasan ang mga matang nagbabadyang maluha. Siguro ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Alam kong hindi ako ang babaeng mahal ng asawa ko. Alam ko iyon mula pa noong araw ng kasal namin. Hindi niya itinago ang katotohanang si Celeste ang laman ng puso niya. Pero lumipas ang dalawang taon. At sa loob ng dalawang taon, pinaniwala ko ang sarili ko na baka may nagbago na. Na baka unti-unti niya akong natutunang tanggapin. Na baka isang araw, kapag napagod siyang mahalin ang babaeng hindi naman niya maaaring makuha, mapapansin din niya ako. At ngayong magkakaanak na kami, hindi ko napigilang mangarap. Baka ito na ang simula ng pagbabagong matagal ko nang hinihintay. Baka sa wakas, kapag nalaman niyang magiging ama na siya, may mabago sa pagitan naming dalawa at makita niya ako hindi bilang isang obligasyon kundi bilang asawa. Baka ang batang ito ang maging daan para matutunan niya akong mahalin. Napangiti ako habang mahigpit na niyayakap ang envelope na naglalaman ng ultrasound picture. Excited akong makita si Lucien. Excited akong sabihin sa kanya ang balitang buong araw kong kinikimkim. Ilang beses ko pa ngang inensayo sa isip ko kung paano ko iyon sasabihin. I imagined his reaction. Kahit maliit na ngiti lang mula sa kanya, sapat na sana iyon para maging masaya ako. Pagdating ko sa mansiyon, agad ko siyang hinanap sa isa sa mga katulong. "Nasa bar area po sa likod ng mansiyon si Sir," sabi ng isa sa mga maid. Lalong lumawak ang ngiti ko. Perfect. Hindi ko na kailangang hanapin pa siya. Mabilis akong nagtungo sa likuran ng mansiyon, ngunit ilang hakbang pa lamang ang layo ko ay narinig ko na ang malakas na tawanan ng mga lalaki. Nakaupo si Lucien kasama ang dalawa niyang matalik na kaibigan. May mga baso ng alak sa mesa at mukhang matagal na silang nagkukuwentuhan. Hindi ko sana gugustuhing makinig. Balak ko pa ngang lumapit sa kanya mula sa likod at sorpresahin siya. Pero narinig ko ang pangalan ko. At doon ako tuluyang natigilan. "Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Cristina? Bro, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano mo nagawa iyon." Tumawa ang isa nilang kaibigan habang umiinom. "Ano na naman?" walang pakialam na tanong ni Lucien. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Wala namang espesyal sa kanya. Puro bahay, parang walang ambisyon sa buhay." Kaswal ang sagot niya. Napakakaswal. Parang hindi ako ang pinag-uusapan nila. Na tila ba hindi ako ang babaeng dalawang taon niyang tinawag na asawa. "Come on, man. Two years." Natatawang umiling ang kaibigan niya. "Two years niyang iniisip na legal kayong kasal." Parang may malakas na ugong na biglang sumabog sa loob ng tainga ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi, baka mali lang ako ng narinig. Sigurado akong mali. Ngunit narinig ko ang mahinang tawa ni Lucien. At sa simpleng tunog na iyon, may kung anong malamig na bagay ang dumaloy sa buong katawan ko. "Wala naman siyang alam na peke ang kasal namin." Napalunok ako. Nanlamig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa envelope. "Dapat yata sabihin mo na sa kanya." "Bakit ko sasabihin?" Napakasimple ng tanong niya sabay kibit-balikat. "Malalaman din naman niya iyon. Siya lang naman ang nagpipilit sa pekeng pagsasamang ito." Biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig. Two years? Buong akala ko, kasal kami, iyon pala ay hindi. Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko. Tinapik siya sa balikat ng kaibigan niya. "Hindi mo ba naaawa kay Cristina?" Tahimik sandali si Lucien. Pagkatapos ay narinig ko ang sagot na hindi ko malilimutan habambuhay. "Hindi ko naman siya minahal kahit kailan." Pakiramdam ko ay may mabigat na kamay na humawak sa puso ko at dahan-dahang pinisil iyon. Masakit. Sobrang sakit. Alam kong hindi niya ako mahal mula pa noong araw ng kasal namin. Hindi niya iyon itinago dahil araw-araw niya iyong ipinaparamdam sa akin. Wala rin siyang ipinangako kailanman na mamahalin niya ako. Pero sa loob ng dalawang taon, umasa pa rin ako. Umasa akong baka may magbago. Na baka dumating ang araw na makita niya rin ako. Ngunit sa isang iglap, parang pinatay niya ang lahat ng pag-asang itinago ko sa puso ko. "Dude, hindi iyon ang punto." Narinig kong tumawa ang isa pa nilang kasama. "Paano kung mabuntis mo siya?" Agad na napunta ang kamay ko sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may matinding takot na gumapang sa dibdib ko. Parang may parte sa akin na ayaw marinig ang susunod niyang sasabihin. At tama nga ako. Dahil nang magsalita si Lucien, tuluyan akong nadurog. "I can't accept the child." Parang huminto ang mundo ko. Halos hindi ako makahinga. O makagalaw man lang. Parang may matalim na bagay na tumagos diretso sa puso ko. Nanginginig akong napapikit. Pati mga tuhod ko. Please... Please, Lucien... Sabihin mong biro lang iyon. Na hindi mo iyon kayang gawin. Sabihin mong mali lang ang narinig ko. Ngunit tumawa lamang siya. Isang mahinang tawa na parang walang halaga ang lahat. "Si Celeste lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko." Tuluyan nang nanlabo ang paningin ko. Pakiramdam ko ay may humablot sa puso ko at walang awang pinunit iyon sa gitna. "Only Celeste's child can carry my name." Nabitawan ko ang envelope. Kasabay nitong bumagsak sa sahig ang ultrasound picture. Hindi ko man lang nagawang yumuko para pulutin iyon. Nakatitig lang ako sa kawalan habang paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang bawat salitang narinig ko. I can't accept the child. Only Celeste's child can carry my name. Ang hindi niya alam, buntis na ako. Na may batang nabubuhay sa sinapupunan ko. Hindi pa niya alam na ang batang tinatanggihan niya ay sarili niyang anak. Pero bago pa niya malaman ang lahat, nahatulan na niya agad ang bata. Tinanggihan na niya agad. Parang walang halaga ang sarili niyang dugo. Unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Kanina lang, masaya akong lumabas ng clinic. Iniisip ko kung paano ko iaabot sa kanya ang ultrasound picture. Iniisip ko rin ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang magiging ama na siya. Umaasa akong baka ang batang ito ang maging dahilan para mabuo ang pamilyang matagal ko nang pinapangarap. Ngayon, nakatayo ako roon habang unti-unting gumuho ang lahat. Hindi pala sapat ang dalawang taon kong pagmamahal. Hindi pala sapat ang pagiging asawa niya. At lalong hindi pala sapat kahit bigyan ko siya ng anak. Dahil sa puso ni Lucien, matagal nang may nagmamay-ari ng lugar na pilit kong inaabot. At hindi ako iyon. Hindi kailanman ako iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
761.8K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
991.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
366.8K
bc

Not just, the Beta

read
352.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook