SERENITY One year later... "Congratulations dear, ang layo na ng narating mo." Mabuti na lang at hindi ako sumuko noon. Kung ano man ang narating ko ngayon ay utang ko ang lahat ng ito kay Dominic. Siya ang tumulong sa akin noong panahong depressed ako. Doble ang trabaho niya dahil CEO siya sa umaga hanggang hapon at sa gabi naman ay all around katulong ko siya. "Salamat Kuya Lucas," isa rin siya sa naging sandalan ko noon. Emosyonal akong napatingin sa dream house ko. Dahil sa pagsisikap ko ay nakapundar ako ng sarili kong bahay, nakabili ng mamahaling sasakyan at may maliit din akong negosyo. Nakilala rin ako bilang isang sikat na model hindi lang sa Pilipinas kun'di sa iba't-ibang bansa. "Ang ganda naman ng mansion mo, Serenity. Parang gusto kong magpatayo ng ganitong style," nai

