BEATRICE Napaangat ang mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng bastarda niyang anak. Hindi matutuwa sina mama at papa kapag nalaman nilang kasama si Serenity sa family dinner namin. Alam naman niyang hindi gusto ng mga magulang niya ang batang iyon. "Beatrice, behave yourself later and please be nice to Serenity. I'm warning you," seryosong tinuro niya ako at mariin niya akong tinignan. "As if naman hahayaan ni mama na makatapak ang paa niya dito sa mansion natin." Dala-dala niya nga ang apelyido mo pero hindi naman siya tanggap ng lahat. Hanggang kailan niya ba ipipilit sa amin na tanggapin namin si Serenity? Hindi ba siya nakakaintindi na walang may gusto sa anak niya? Kahit saan ako magpunta ay nakikita ko ang pagmumukha ng anak niya. Kung model na siya ay pwede ng hindi siya bi

