SERENITY Dalawang araw na akong matamlay at idagdag mo pa ang sunod-sunod na photoshoots ko. Parang binugbog ang katawan ko dahil wala akong pahinga at puro trabaho na lang ang inaatupag ko. "Girl, akala ko ba single ka? May gwapong fafa ang naghahanap sa 'yo sa labas," kinikilig na sabi ni Madam Bea habang namumula pa ang buong mukha niya. "Noon iyon, hindi na ngayon. Pakisabi naman sa kaniya madam na wait lang," ayusin ko lang saglit ang sarili ko. Nagsuot ako ng jacket dahil naka-tube lang ako at ayoko namang lumabas na ganito ang outfit ko. Inayos ko rin ang buhok ko dahil sobrang gulo nito at para akong nakipagsabunutan sa itsura ko ngayon. Mukha akong zombie kung maglakad dahil ubos na ubos na talaga ang energy ko to the highest level. "Babe, I missed you!" Napawi bigla ang pa

