SERENITY Pag-uwi ko ng Pilipinas ay pinatawag agad ako ni papa. Sunod-sunod ang text niya nang palabas na kaming dalawa ni Dominic sa NAIA. Dali-dali akong pumunta sa kaniyang opisina nang sabihin niyang kailangan kong puntahan siya dahil may emergency daw na nangyari. "Kuya, bakit ako pinatawag ni papa?" Nagtataka ako dahil ang dalawa kong kapatid ay hindi mapakali sa kanilang kinauupuan. "Serenity, kung ano man ang magiging desisyon mo ay hindi ako magagalit sa 'yo." "Ano ba ang sinasabi mo Kuya Lucas? Hindi kita maintindihan," naguguluhan akong napatingin sa kaniya. May sakit ba si papa? Kailangan ko bang mag-quit sa trabaho ko para bantayan siya? Napaayos kami ng upo nang pumasok si papa dito sa loob ng opisina niya. Nangingitim ang ilalim ng kaniyang dalawang mata at parang ilan

