SERENITY "Gusto mo bang samahan kita?" Nang malaman kong ang magulang pala ni Jonathan ang gumigipit sa aking ama ay hindi ako nagdalawang-isip na makipagkita sa kaniya. Kung kailangan kong lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko para lang tantanan nila si papa. "Huwag na, si Jonathan lang naman ang kakausapin ko at hindi ang magulang niya." "Sure ka babe?" "Oo naman," kung isasama ko siya ay baka pigilan niya lang ako sa gagawin ko mamaya. "Tara na, ihatid mo na ako sa meeting place namin." Fighting, Serenity! Nagpumilit si Dominic na ihatid ako sa loob ng restaurant pero hindi ako pumayag dahil baka magkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Jonathan. Lalo na't nalaman niyang siya ang nag-insist sa mga magulang niyang i-arrange marriage kaming dalawa. Nang makalabas ako

