Chapter 8

1150 Words
FAVIO Napahilot ako sa aking sentido dahil sunod-sunod ang mga problema namin ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Tapos dumagdag pa ang asawa ko dahil isang linggo na niya akong hindi pinapansin. Wala akong oras na suyuin siya dahil number one priority ko ang kumpanya namin. Napatayo ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang walang emosyon na mukha ni Beatrice. Nanlilisik ang kaniyang mga mata nang balingan niya ako ng tingin. "Favio, alam mo bang galit na galit ako sa 'yo?" Malakas niyang hinampas ang desk ko kaya natumba ang iniinom kong iced tea. "Beatrice," may pagbabanta sa tono ng boses ko nang bigkasin ko ang kaniyang pangalan. "Alam mo bang marami akong ginagawa ngayon?" "How dare you! Bakit mo ako pinahiya sa harap ng maraming tao? One week kitang hindi kinausap dahil akala ko ay mag-so-sorry ka sa ginawa mo noong anniversary party ng kumpanya natin pero wala akong narinig ni isa na explanation galing sa 'yo!" "Bakit ako mag-so-sorry sa 'yo? May ginawa ba akong mali?" tanong ko sa kaniya. "Baka nakakalimutan mong anak ko si Serenity at dapat lang na ipakilala ko siya sa publiko." Masakit para sa akin na makita siyang mag-isa palagi sa isang sulok habang kami ay masayang nakikihalubilo sa mga bisita. Hindi porket anak ko siya sa labas ay ikakahiya ko na siya. Kailan man ay hindi ko pinagsisihan na dumating si Serenity sa buhay ko. Gusto ko siyang kunin noon sa bahay ng lola niya ngunit hindi pumayag si Elizabeth sa naging desisyon ko. Dahil natatakot siyang baka saktan ni Beatrice ang anak namin kapag nasa puder namin siya. Kaya hindi na ako nagpumilit pang dalhin si Serenity sa aming mansion. "At proud ka pa talaga na anak mo ang batang iyon? Kahihiyan lang ang dala ni Serenity sa pamilya natin," galit na sabi niya sa akin. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ng masasakit na salita ang anak ko, Beatrice. Akala mo hindi ko alam na palagi mo siyang pinapahiya sa harap ng mga kaibigan mo? Leave her alone," mariin kong sabi sa kaniya. Nasasaktan ako sa tuwing hinuhusgahan siya ng ibang tao. Sobrang nalungkot ako nang malaman kong ni isa ay wala siyang naging kaibigan. Ang anak ko, kawawa naman siya. "She deserve it," malamig na sabi ni Beatrice. "Ang kasalanang ginawa n'yo noon ni Elizabeth ay pinagbabayaran ngayon ni Serenity. Minsan naawa ako sa anak mo dahil sobrang lungkot ng buhay niya at mag-isa lang siya palagi. Pero kahit anong gawin ko ay mas nananaig pa rin ang galit sa puso ko." "Beatrice, pwede bang sa akin mo na lang ibuntong lahat ng galit mo. Nakikiusap ako sa 'yo, huwag mo namang pahirapan ang anak ko." "Favio, sobrang unfair mo. Paano naman ako? Hanggang ngayon ay hindi pa rin maghihilom ang sugat sa puso ko," puno ng hinanakit na sabi niya sa akin. "Sa tuwing nakikita ko ang mukha ng anak mo ay naaalala ko ang kataksilan na ginawa mo noon." "Beatrice, ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa kaya bakit mo nasabing ang unfair ko? Nung nalaman kong may kabit ka ay pinagsalitaan ba kita ng mga masasakit na salita?" seryosong tanong ko sa kaniya. Never kitang minura o sinaktan, Beatrice. Kahit na ginago mo ako noon ay hindi ako nagbitaw ng mga masasakit na salita dahil ayokong saktan ka. Pero 'yong pagmamahal ko sa 'yo ay biglang nagbago nang makilala ko ang mama ni Serenity. Dahil binuo niya ulit ang wasak kong puso. I never regret that I met her before. Masaya akong nakilala ko siya at nagkaroon kami ng isang magandang anak. "Ikaw ang unfair sa ating dalawa, Beatrice. Kung hindi mo kayang ituring na anak si Serenity ay pwede bang huwag mo siyang guluhin. Hayaan mong maranasan niya ang normal na buhay at maging masaya," emosyonal kong pakiusap sa kaniya. Pinunasan ko agad ang aking mukha ng marinig kong may kumakatok sa labas ng opisina ko. Pabaling-baling ang tingin ni Lucas sa aming dalawa ng mommy niya. Napasinghap siya ng mapagtanto niyang nag-aaway na naman kami ni Beatrice. "Mommy, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin kay daddy?" tanong ni Lucas sa kaniyang ina. "Big deal ba talaga sa 'yo na ipakilala si Serenity sa publiko?" Hindi nagsalita si Beatrice at nagmamadaling tinalikuran niya kami. Pinigilan ko ang aking panganay na anak nang makita kong susundan sana niya ang kaniyang ina. "Lucas, huwag mo ng sundan ang mommy mo dahil kailangan niyang magpalamig ng ulo. Sa ngayon ay kailangan nating mag-focus sa problema ng ating kumpanya," stress na sabi ko sa aking panganay na anak. "Dad, maisasalba lang ang ating kumpanya kung tatanggapin natin ang offer ng pamilyang Villalobos." Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang offer ng kaibigan ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapagdesisyon. "Ang panganay na anak ni Alfonso ay gusto niyang pakasalan si Serenity," seryosong sabi ko kay Lucas. "Ano? Hindi pwede," mabilis niyang protesta nang marinig niya ang sinabi ko. "Kaya nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ang offer nila o hindi," naguguluhan kong sambit. Baka isipin ni Serenity na kaya ko siya ipinakilala sa publiko dahil may plano akong ipakasal siya sa anak ng kaibigan ko. Ayokong saktan ang damdamin niya ngunit paano naman ang kabuhayan namin? Malulugi ng tuluyan ang kumpanya na pinaghirapan kong itayo noon at hindi ako papayag na mangyari iyon. "Dad, please don't accept their offer. Hahanap na lang ako ng ibang paraan kung paano natin isasalba ang kumpanya," nakikiusap na sabi ni Lucas sa akin. "Wala ng ibang paraan anak," malungkot kong sabi sa kaniya. "Tawagan mo ang kapatid mo at papuntahin mo siya dito," seryosong utos ko sa kaniya. I'm sorry my precious daughter, daddy needs to do this in order to save our company. Huwag ka sanang magalit kay daddy at sana ay maintindihan mo ako. "Dad!" malakas na sigaw ni Lucas. "We don't need the Villalobos because Maximillian will help us." Tama ba ang narinig ko? Tutulungan kami ni Maximillian? O baka naman pinagloloko na naman ako ni Lucas. Napanganga ako ng biglang lumitaw sa aming harapan ang kaniyang kaibigan. "Good morning Mr. Chavez," pormal na bati niya sa akin. "Narinig ko ang balita kaya mabilis kong tinanong ang kaibigan ko kung kailangan niya ba ng tulong ko." "Good morning din sa 'yo hijo, sigurado ka bang tutulungan mo kami?" nagdududa na tanong ko sa kaniya. "Yes po tito, siguradong-sigurado po ako kaya huwag n'yo ng tanggapin ang offer ng mga Villalobos sa inyo," casual na sabi niya sa akin. Nako, hulog ka ng langit hijo. "Tutulungan talaga tayo ni Maximillian dahil ayaw niyang maikasal si Serenity sa ibang lalaki," madaldal na sabi ni Lucas. May gusto ba siya kay Serenity? Nako, ibang klase talaga ang ganda ng anak ko dahil lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kaniyang mala-anghel na mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD