Chapter 7

1685 Words
SOMEONE Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng kausap ni Rose. Pagpasok niya pa lang kanina dito sa loob ng hall ay naagaw na niya agad ang atensyon ko. Damn, she's really beautiful. Sayang lang at may boyfriend na siya. Kung hindi lang siya taken ay hindi ako magdadalawang-isip na ligawan siya. "Nagagandahan ka sa kaniya?" tanong ng kapatid ko sa akin. "Huh, sino?" Nagpanggap akong hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil baka asarin niya lang ako kapag nalaman niyang may gusto ako sa babaeng iyon. "Iyong kausap ni Rose," nakangising turan niya. "Gusto mo siya?" diretsahan niyang tanong sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita niya ang namumula kong mukha. Baka kasi asarin niya lang ako at pagtawanan. "Hindi ko siya gusto," walang emosyon kong sabi sa kaniya. "Mabuti naman dahil wala kang pag-asa kay Serenity kung popormahan mo siya," casual na sabi niya habang siya ay nakatingin sa harapan. Serenity, bagay na bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Ang ganda niya at hindi siya nakakasawang pagmasdan. Parang gusto ko na lang siyang titigan buong magdamag. "Bakit mo naman sinabing wala akong pag-asa sa kaniya?" inosenteng tanong ko kay kuya. "Dahil taken na si Serenity at si Dominic ang boyfriend niya. Kung ako sa 'yo ay si Rose na lang ang ligawan mo," advice niya sa akin. Napasinghap ako, sana mag-break na lang sila ng boyfriend niya.Tang-ina, ang swerte naman ni Dominic. Lord, pwede bang akin na lang si Serenity? Sa dami ng babae dito sa mundo, bakit sa may sabit pa ako nagkagusto? "Wala akong time manligaw kaya pass muna ako sa mga babae," seryosong sabi ko sa kaniya bago ko nilagok ang isang baso ng alak. Magkakaroon lang ako ng free time kapag si Serenity na ang liligawan ko. Ano ba 'yan, mukhang tinamaan na talaga ako sa kaniya. Model din kaya siya katulad ni Rose? Curious talaga ako sa buhay niya. Ewan ko ba kung bakit gusto kong malaman kung ano ang trabaho niya, saan siya nakatira, ano ang favorite food niya at kung palagi ba silang nagkikita ni Dominic. "Gusto mo bang maging single hanggang sa ikaw ay tumanda? Galaw-galaw kapatid dahil bawat taon ay nadadagdagan ang edad mo. Baka nakalimutan mong twenty seven ka na," pagpapaalala niya sa akin. Magkakaroon lang ako ng lovelife kapag naghiwalay na si Dominic at Serenity dahil number one abangers nila ako. Kahit pa siguro fresh from break up siya ay lalandiin ko siya agad. Walang makakapigil sa akin basta siya ang usapan. Bigla akong nagtaka nang makita kong nakahawak si Serenity sa kamay ni Sir Favio. s**t, siya ba ang sinasabi nilang second wife ng matandang ginoo? Napakapit ako sa braso ng aking kapatid nang mapagtanto kong tama nga ang hinala ko. Akala ko pa naman ay matinong babae siya pero hindi pala. Isa rin pala siya sa mga babaeng mukhang pera at naghahanap ng sugar daddy para mabili ang mga pansariling pangangailangan niya. "Good evening ladies and gentlemen," nakangiting bati ni Sir Favio. "Today, I would like you to meet my first princess. She is no other than Serenity Hope Chavez," masayang sabi ng matanda. Napanganga ako ng malaman kong anak pala siya ni Sir Favio. Naluluhang naglakad si Serenity papunta sa kaniyang ama at nagyakapan silang dalawa. Mukhang ito ang unang pagkakataon na ipakilala siya sa harap ng maraming tao dahil napansin ko sa kaniyang reaksyon na sobrang nagulat siya at hindi makapaniwalang binalingan niya ng tingin ang matandang ginoo. "Nagdududa na talaga ako sa 'yo kapatid," makahulugang sabi ni kuya sa akin. "Aminin mo nga sa akin, may gusto ka ba kay Serenity?" "Wala nga," pagsisinungaling ko. "Hindi ko siya type at isa pa ay may boyfriend na siya." "Pero kung wala siyang boyfriend liligawan mo ba siya?" tanong niya ulit sa akin. "Ang kulit mo talaga, hindi ko siya liligawan kahit na malaman ko pang single siya dahil wala naman akong feelings sa kaniya." Natigil lang kami sa pag-uusap ni kuya dahil biglang lumapit sa amin si Lucas, ang nakatatandang stepbrother ni Serenity. "Bro, long time no see. Kamusta ka na?" tanong niya sa akin. "Hello dude, I'm always good. Ikaw? Ilang babae na naman ang napaiyak mo ngayong araw na ito?" "Napakababaero mo talaga. Kailan ka ba magbabago?" tanong ni kuya kay Lucas. "Ulol, hindi naman ako baabero. Ang story maker mo talaga, Otso. Bata pa lang ako ay matino na ako," proud na sabi niya sa amin. "Seren, halika dito ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Shit, bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Nang makalapit siya sa aming pwesto ay bigla akong nanghina. Damn it, ano ba ang ginawa ng babaeng ito sa akin? "Seren, sila nga pala ang mga kaibigan ko." sabi ni Lucas sa kaniyang kapatid. "Hello po," magalang na sabi niya sa amin habang siya ay nakayuko. Ang ganda niya sa malapitan at sobrang cute niya. Self umayos ka, huwag kang gagawa ng kahihiyan. "Hello Serenity, I'm Otso. " friendly na sabi ni kuya sa kaniya. "Seren, hindi ba magagalit ang boyfriend mo kapag nakipagkaibigan siya sa 'yo?" nakangising tanong ni Lucas habang ang kamay niya ay nakaturo sa akin. Damn you, Lucas Chavez. Susuntukin talaga kita mamaya, kung ano-ano ang pinagsasabi niya. Nakakahiya sa kapatid niya, baka akalain niyang weird akong lalaki. "Ahh, hindi naman po kuya. Hala, tinatawag na ako ni papa, puntahan ko lang po siya. Nice meeting you all," sabi niya sa amin bago niya kami tinalikurang tatlo. Mabilis kong sinuntok ang braso ni Lucas nang makaalis ang kaniyang kapatid. Nakakainis, hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung ano ang pangalan ko. Ang pangit naman ng timing ni Sir Favio dahil nag-uusap pa nga kaming dalawa ni Serenity tapos bigla na lang niyang tinawag ang dalaga niyang anak. "f**k you Lucas, kung ano-ano ang sinasabi mo sa kapatid mo." "Kalma lang bro, napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin sa kaniya kaya nag-assume akong may gusto ka sa kapatid ko. Agawin mo na lang kaya siya kay Dominic," sulsol niya sa akin. "Gago, hindi ako mang-aagaw!" bulyaw ko sa kaniya."Makaalis na nga dito," badtrip kong sabi. "Saan ka pupunta?" tanong ni kuya sa akin. "Sa labas," walang kabuhay-buhay na sagot ko kay kuya. Sa lugar kung saan wala kayong dalawa. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nagustuhan ang suggestion ni Lucas sa akin. Pero teka, ayaw niya ba kay Dominic para sa kapatid niya? Nang makarating ako sa rooftop ay umupo agad ako sa isang bench dito. Ipinikit ko ang dalawang mata ko at dinama ang simoy ng hangin. Bagot na bagot talaga ako kanina sa loob ng hall, mabuti na lang at nasilayan ko ang ganda ni Serenity kaya kahit papaano ay nag-enjoy ako. Tumayo ang mga balahibo ko sa aking katawan ng may marinig akong umiiyak sa isang sulok. Mabilis akong tumayo at aalis na sana ako pero natuod ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses ng babaeng umiiyak sa gilid ng rooftop. "Hindi ko naman ginusto na maging anak ako sa labas," mahinang sabi niya habang siya ay nakayuko. "Alam ko naman na hindi ako belong sa party na ito pero sana ay huwag niyang ipamukha sa akin na para akong isang basahan sa harap ng mga kaibigan niya." Umigting ang panga ko nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Hindi ako nakatiis at nilapitan ko siya. Nang mapansin niyang may tao sa harapan niya ay dahan-dahan na iniangat niya ang kaniyang magandang mukha. "Tahan na," malambing kong sabi at binigay ko sa kaniya ang aking hawak na panyo. Hindi niya ito kinuha kaya pinantayan ko siya ng upo at pinunasan ko ang kaniyang basang mukha. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong lapitan siya. Nataranta ako nang umiyak siya ng malakas. s**t, may nagawa ba akong mali? Kusang gumalaw ang dalawang kamay ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Damn it, may boyfriend na siya pero ano itong ginagawa ko sa kaniya? "P-pinahiya ako ni Tita Beatrice," nanginginig na sumbong ni Serenity sa akin. "Akala ko ay hindi na niya ako ipapahiya pero kulang pa pala ang pang-iinsultong ginawa niya sa akin kanina sa harap ni Tita Rose." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kaya hinaplos ko lang ang likod niya. After ten minutes ay kumalma na siya at nahihiyang napaiwas siya ng tingin sa akin nang magsalubong ang aming mga mata. Batid kong hindi niya ako namumukhaan dahil nasa madilim kaming parte ng rooftop. "Sorry kung nabasa ang balikat mo ng mga luha ko," nahihiyang sabi niya sa akin. "Bakit ka pala nandito?" "Okay lang," seryosong sabi ko sa kaniya. "Gusto ko lang magpahangin saglit, ikaw ano ang ginagawa mo dito?" Fuck, ang tanga mo talaga self. Alam mo na nga ang sagot tinanong mo pa siya. Baka mamaya ay isipin niyang chismoso ako at sobrang napaka-slow kong tao. Napanganga ako sa gulat ng maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg at ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa aking matipunong dibdib. s**t, ano ba ang ginagawa niya? "Sorry, hindi ko sinasadyang hawakan ang ang dibdib mo. Tatayo sana ako kaso na-out balance ako bigla," bulong niya sa akin. Gumalaw ako ng konti dahil sobrang lapit na namin sa isa't-isa at sa hindi inaasahang pangyayari ay nahalikan ko ang leeg niya at pareho kaming natigilan. Mariin akong napapikit at walang pasabing kinulong ko siya sa aking bisig at dahan-dahan kong pinaulanan ng halik ang kaniyang leeg. Si batman na ang bahala sa akin mamaya. Bago ko siya tinigilan ay nag-iwan muna ako ng tatlong kiss mark sa kaniyang leeg. Nang pakawalan ko siya ay nagmamadali siyang tumayo at tumakbo paalis ng rooftop kaya ako na lang mag-isa ang nandito ngayon. Damn, her neck is so sweet. Nakakaadik rin ang amoy niya at sobrang lambot ng dalawang kamay niya nang aksidente ko itong mahawakan. Patay talaga ako nito kay Dominic kapag sinumbong ni Serenity kung ano ang ginawa ko sa kaniya. Pero hindi naman niya ako kilala at hindi niya nakita ang pagmumukha ko. Dahil nasa madilim kaming parte kaya maswerte ako ngayong gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD