Chapter 6

1051 Words
ROSE "Tita," masayang tawag sa akin ni Serenity. Nagmamadaling nilapitan niya ako at nang makarating siya sa aking harapan ay walang pasabing niyakap niya ako ng mahigpit. I missed her so much. Limang buwan rin kaming hindi nagkita dahil busy ako sa trabaho ko at gano'n rin ang aking pamangkin. "Seren, kamusta ka na?" nakangiting tanong ko. "Ang ganda-ganda mo talaga," puri ko sa kaniya. "Okay lang naman po ako tita," mahinang sabi niya sa akin. "Na-miss kita, kamusta na po kayo?" Natigil kami sa pag-uusap nang biglang lumitaw si Madam Beatrice sa aming harapan. Siya ang asawa ng papa ni Serenity. Hindi ko alam kung bakit sobrang init ng dugo niya pagdating sa aming dalawa ng pamangkin ko. Palagi na lang niya kaming sinusungitan sa tuwing nakikita niya kami. "Good evening po Tita Beatrice," magalang na bati sa kaniya ni Serenity. Napakuyom ang aking kamay nang tingnan niya si Serenity mula ulo hanggang paa. Ang sarap niyang sabunutan, nakakainis! Bukod pa sa pagiging maldita ng babaeng ito ay hindi rin mawawala ang pagiging plastik niya kapag nasa tabi niya si Sir Favio. "Bakit ka nandito, invited ka ba?" masungit na tanong ni Beatrice. "Tinawagan kasi ako ni papa kaninang umaga tita at sinabi niyang kailangan kong dumalo sa party na ito," casual na sabi ni Seren habang siya ay nakayuko. "Kahit pa sinabi niyang kailangan mong pumunta, sana sinabi mong may sakit ka o may importante kang ginagawa. Hindi ka naman belong dito, kayong dalawa. Tandaan mo ito Serenity, anak ka lang sa labas kaya hindi mo deserve na mabigyan ng atensyon at ipakilala sa mga bisitang nandito ngayon." Gusto ko siyang sampalin dahil below the belt na ang pinagsasabi niya sa aking pamangkin. Ngunit ayokong gumawa ng gulo at baka masira pa ang anniversary party ng kumpanya nila. "Kung ayaw mong makita kaming dalawa ni Serenity ay ipikit mo ang dalawang mata mo," malditang sabi ko sa kaniya. "Pwede ba, kung wala kang magandang sasabihin ay mas mabuti pang huwag mo na lang ibuka ang bibig mo." Galit siyang napatingin sa akin at mariin niyang hinawakan ang dalawang balikat ko. Hindi ko alam na ang dali niya pa lang mapikon. "Ang kapal naman ng mukha mong sagot-sagutin ako. Baka nakakalimutan mong ako ang boss mo," mariin na sabi niya sa akin. "Kahit pa magdamit kayong dalawa ng mamahaling damit ay umaalingasaw pa rin ang pagiging dukha n'yo." "Ako nga rin eh, naaamoy ko rin ang mabahong hininga mo kaya pwede bang lumayo ka sa akin?" Natawa naman si Serenity sa aking tabi kaya nanlilisik niyang binalingan ng tingin ang pamangkin ko. "You! Manang-mana ka talaga sa kapatid mong ahas," pang-iinsulto niya sa akin. "Kung ang kapatid ko ay ahas, ikaw naman ay manloloko. Tama ba ako?" nakakaloka kong tanong sa kaniya. Kahit pa asawa siya ng boss ko ay hindi ako magdadalawang-isip na sagot-sagutin siya. Hindi rin ako papayag na insultuhin niya kaming dalawa ni Serenity. Kahit pa tanggalin nila ako bilang model sa kanilang kumpanya ay hindi ako natatakot. Excuse me, I am Rose Mendez, the one and only most in demand model here in the Philippines. Hello, maraming ibang kumpanya diyan na gusto akong kunin bilang model ng kanilang products. Hindi naman sa pagmamayabang pero pinag-aagawan talaga nila ako. Sisigawan na sana ako ni Beatrice pero biglang tinawag ni Sir Favio si Serenity. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makita niya na papalapit sa aming pwesto ang kaniyang asawa. Wow, bilib na talaga ako sa kaniya. Sobrang plastik! "Anak, kanina pa kita hinahanap. Sumama ka sa akin dahil ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," nakangiting sabi ni Sir Favio. Hinila niya si Serenity papunta sa harapan kaya kaming dalawa na lang ni Beatrice ang naiwan dito. Tumawa ako ng malakas dahil hindi man lang siya binalingan ng tingin ng asawa niya. Ano ka ngayon? "Hala, ipapakilala si Serenity oh? Ano na ang gagawin mo ngayon?" nakakaloka kong tanong sa kaniya habang ako ay nakangiti ng malapad. Ganiyan nga, mainis ka. Gusto kong ipamukha sa kaniya na kahit anak lang sa labas ang pamangkin ko ay proud pa rin sa kaniya ang tatay niya. Hindi ako papayag na hindi nila kilalanin si Serenity bilang anak ng isang mayaman na negosyante sa Pilipinas. Masakit para sa akin na makita siyang malungkot at ituring na parang isang basahan. Kaya hangga't nabubuhay ako ay hindi ako papayag na apihin siya ng ibang tao. Malapit ang loob ko sa kaniya dahil simula pagkabata ko ay siya na ang kasama ko hanggang sa lumaki ako. Mas matanda lang naman ako ng tatlong taon kay Serenity at sabay kaming pinalaki ni mama noon. "Bukas na bukas ay hindi ka na makakatapak pa sa kumpanya ng asawa ko," nagngingitngit sa galit na sabi niya sa akin at bigla na lang siyang umalis sa harapan ko. Hindi na talaga nila ako makikita pa sa kumpanya nila dahil tapos na ang kontrata ko sa kanila. Ito na ang huling araw ko bilang model nila dahil next week ay pupunta na ako sa Dubai dahil may endorsement shoot akong gagawin doon. Hindi ko maitago ang excitement ko dahil sobrang gwapo daw ng magiging partner ko. Akala ko ay ipapakilala lang ni Sir Favio ang pamangkin ko sa kaniyang mga kaibigan ngunit nagulat na lang ako ng ipaglandakan niya sa publiko na anak niya si Serenity. Kinuhanan ko sila ng video dahil kailangan itong makita ng kapatid ko. Napatingin ako kay Beatrice na nasa harapan at natawa ako nang makita ko ang gulat na gulat niyang mukha. Habang nagpalakpakan kaming lahat ay hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kamay niya. Parang gusto niyang kaladkarin pababa si Serenity at ipahiya sa harap ng maraming tao. Taon-taon ay dumadalo sa anniversary party si Serenity ngunit laging nasa madilim na sulok lang siya nakaupo habang pinagmamasdan niya ang kaniyang ama at mga kapatid na masayang nakikipag-usap sa ibang tao. Taon-taon rin siyang pinapahiya ni Beatrice sa harap ng kaniyang mga kaibigan at pinagsasalitaan ng mga masasakit na salita. She bears with so much pain and humiliation. Lahat ng mga masasakit na salita na binabato sa kaniya ay tahimik niya lang itong tinatanggap. Don't worry Seren, because I will protect you no matter what happens. You deserve to be happy and please enjoy your life with your boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD