Chapter 5

1400 Words
SERENITY The moment I step my feet inside the room, I feel excited and nervous at the same time. What if hindi ako magustuhan ng mga bata? What if sungitan nila ako? "Good morning everyone, today you will meet your new teacher. Please be good to her, love her, listen to her always, and respect her the way you respect me." Sinenyasan ako ni Ma'am Dorothy na pumunta sa gitna dahil nasa gilid ako ng pintuan kanina. Naagaw ko ang atensyon ng mga bata at napatingin silang lahat sa akin. At first, I was hesitant to move, but later on I saw myself walking towards her. "Starting today, Miss Serenity is your teacher now. Please introduce yourself, ma'am." Nahihiyang kumaway ako sa kanila at huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. "Hello my beloved kids, I am your teacher Serenity Hope Chavez and nice meeting you all." Pakilala ko sa aking sarili at ngumiti ako ng malawak. At first, I thought they wouldn't mind me, but I was wrong. Nakasimangot kasi silang nakatingin sa akin kanina at parang wala silang pake sa presensya ko. "Welcome to the grade one advisory class, Ma'am Serenity." they all shouted in chorus. My heart melts when I realized that they like me as their new teacher. Nilapitan ako ng isang batang lalaki at binigay niya sa akin ang isang pumpon ng rosas. Aw, na-touch talaga ako sa effort nila dahil may kasama pang banner na may nakasulat na 'WELCOME TO OUR CLASS, OUR NEW MOM.' "Thank you kids, I really appreciate your efforts. Super!" Hindi ko inaasahan na may ganito pala silang surpresa sa akin. Tinignan ko naman si Ma'am Dorothy and I mouthed 'thank you' to her. I know she loves kids too, ramdam ko iyon sa kaniya. "So kids be good to your new teacher huh, I think I need to go na." Paalam niya sa mga bata. Sometimes, even if we don't want to say goodbye in the end you need to say it, even if it feels sad. Nagsimula namang mag-iyakan ang mga bata. Napamahal na talaga sila kay Ma'am Dorothy dahil ayaw ng mga estudyante niya na umalis siya at 'yong iba naman ay nakayakap sa dalawang paa niya. "Thank you for all the laughter we shared, for all the happiness we created, for all the love you showed to me, for all the care and concern. I will never forget all of those because our memories are forever kept and treasured in my heart. I will be missing you all, goodbye and hopefully I will see you soon." she said. Unti-unting tumulo ang kaniyang luha nang matapos niyang sabihin iyon. I know pinipigilan niyang umiyak sa harap ng mga bata pero kahit anong pigil niya, sa huli may luha pa rin na tumulo sa kaniyang mga mata. This is the saddest part of leaving because some people don't want you to go, don't want you to let go, but at the end you need to go and leave them. Sa huling sandali ay niyakap ni Ma'am Dorothy ang mga bata bago siya lumisan. Nang ihakbang niya ang kaniyang mga paa palabas ng classroom ay hindi na siya lumingon pa dahil alam kong labag sa kaniyang kalooban ang pag-alis niya. "Ma'am, we will miss you and we love you, our second mom." pahabol nilang sabi bago makalayo ng tuluyan si Ma'am Dorothy. Napatigil siya sa paglalakad at sa huling pagkakataon ay hinarap niya ang mga bata. Puno ng luha ang kaniyang mukha ng humarap siya sa amin. "I love you all, I love you!" sabi niya at tuluyan na siyang umalis. Nilapitan ko silang lahat at pinatahan. Nang kumalma sila ay bumalik na sila sa kanilang upuan. Since first day ko ngayon ay hindi muna ako magbibigay ng activities, siguro mamayang tanghali na lang. I want to comfort them and make them happy. Ayokong makita silang matamlay kaya nag-isip ako kung paano sila babalik sa pagiging masigla. "Okay class I want you to fall in line," I said and they all stood up and formed a line. Binilang ko silang lahat and I group them into five groups composed of six members each. I hope they can enjoy and have fun for a while. "Alam n'yo ba ang larong relay the message?" nakangiting tanong ko sa kanila. "Yes ma'am," sagot nilang lahat sa akin. Pagkatapos kong sabihin ang instruction ay nagsimula na kaming maglaro. Napangiti ako nang makita ko silang nag-e-enjoy kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan ko sila ng litrato. Mabuti naman at napagaan ko ang kanilang nararamdaman kahit papaano. Pagod akong umupo sa aking upuan ng matapos kong linisin ang mga kalat ng mga estudyante ko. Kanina pa sila umuwi at ako na lang mag-isa ang naiwan dito sa loob ng classroom. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa lamesa dahil kailangan ko ng umuwi sa condo unit ko. Nang makarating ako sa labas ng Bracken International School ay agad akong pumara ng tricycle. "Sa La Seirre Condominium po," magalang na sabi ko sa driver. Mabilis kong inabot sa matandang driver ang pamasahe ko dahil bigla na lang sumakit ang tiyan ko. Patakbo akong pumasok sa loob ng La Saeirre at nagmamadaling pumasok ako sa elevator. Napapikit ako ng bigla akong umutot ng malakas. Nakakahiya ka, Serenity! Nabunutan naman ako ng tinik nang mapagtanto kong wala akong kasamang ibang tao dito sa loob ng elevator. Yes, ang swerte ko talaga ngayong araw na ito. Pagbukas ko sa pintuan ng unit ko ay nagmamadali akong pumunta sa comfort room. Hindi ko pinansin ang tumutunog kong cellphone dahil nararamdaman kong malapit ng lumabas ang tae ko. "Success," nakangiting sabi ko ng makalabas ako sa loob ng comfort room. Napatalon ako sa gulat ng tumunog ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko na ito at sinagot ang tawag. Aray, parang masisira ang eardrum ko sa lakas ng sigaw ni mommy sa akin mula sa kabilang linya. Ano ba ang problema niya at bakit siya naghihimutok sa galit? "Serenity, ano ba ang ginagawa mo?" mariin na tanong ni mommy sa akin. "Palagi mo na lang pinag-iinit ang ulo ko," galit na sabi niya. "Pasensya na po," hinging paumanhin ko sa kaniya. "Kalalabas ko lang po kasi galing sa loob ng restroom kaya ngayon ko lang nasagot ang tawag mo." "Anniversary ngayon ng kumpanya ng papa mo, pupunta ka ba?" tanong niya sa kabilang linya. "Opo, pinapapunta niya po ako. Bakit n'yo po natanong mama?" "Huwag ka ng pumunta dahil baka ipahiya ka lang ng magaling niyang asawa," bilin niya sa akin. "Pero mama, nakiusap sa akin kanina si papa. Ayokong ma-disappoint siya kaya kailangan kong pumunta," pagod kong sabi sa kaniya. Taon-taon na lang niya ako pipigilan na huwag pumunta sa anniversary ng kumpanya ni papa. Hayst, hanggang kailan ba ako magiging malaya? Nakakapagod na kasing maging sunod-sunuran sa kanilang dalawa. Kahit anong gawin ko ay hindi rin naman nila nakikita ang halaga ko. Para sa kanila ay isa lang akong bagay na pwede nilang gamitin at mapakinabangan. Hangga't may silbi ako ay gagamitin nila ako hanggang sa makuha nila ang kanilang gusto at pagkatapos ay hindi na nila ulit ako papansinin. Mabait lang silang dalawa kapag may gusto silang ipagawa sa akin. Sanay na sanay na ako sa ganoong treatment nila. Kaya hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng event mamaya ay hindi na ulit magpaparamdam si papa sa akin. Sa totoo lang ay ayokong dumalo sa party na iyon dahil sobrang init ng dugo sa akin ng asawa ni papa. Kung hindi lang ako mabait ay baka matagal ko na siyang nasampal. Kung ano-ano ang paninirang pinagsasabi niya sa ibang tao tungkol sa akin. Ang sarap putulin ng dila niya, promise! "Bahala ka sa buhay mo, napakatigas ng ulo mo. Huwag kang lalapit sa akin kapag inaway ka ng babaeng iyon," high blood na sabi niya at mabilis niyang pinindot ang end call. Never naman akong lumapit sa 'yo mama para humingi ng tulong o advice. Magtatanong pa nga lang ako sa 'yo noon ay sinasabi mo na agad sa akin na busy ka at next time na lang. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang aking malungkot na nakaraan. I'm alone. I'm just a nobody and not everyone's favorite. I'm just their pet, nothing more, nothing less. I've never been special, just a simple ordinary girl who was abandoned by my own parents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD