Chapter 4

2429 Words
SERENITY "Babe breakfast is ready," sigaw ni Dominic mula sa kusina. I was busy fixing my hair when he called me. Sana ganito na lang palagi, paggising ko sa umaga ay ang presensya niya agad ang bubungad sa akin. His sweet smile, sweet kiss, sweet hug, it feels like home. Nakangiti akong napatingin sa kwintas na binigay niya. I hope our love lasts until the end. I hope that someday he won't give up on me. Dahil kung ako ang tatanungin, kahit anong mangyari ay hindi ko siya papakawalan. Hindi ko kaya... Dahil nasanay na ako... Nasanay na akong nasa tabi ko siya palagi. "Yes babe," maikling tugon ko at lumabas na ako sa aking silid. Nang makarating ako sa kusina ay hindi muna ako nagsalita at pinagmasdan ko siyang naghahanda ng breakfast naming dalawa. Sana araw-araw na lang nandito si Dominic sa condo ko. Pagdating talaga sa kaniya ay ang dami kong 'sana.' "Upo ka na babe," pinaghila niya ako ng upuan at siya na rin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Sobrang swerte ko talaga dahil 'yong taong ipinagkaloob ni Lord sa akin ay mabait, mapagmahal at maalaga. "Thank you babe, imbes na ako ang mag-aasikaso sa 'yo pero ako naman ang inaasikaso mo." Naalala ko lang, kahit na may tampuhan kaming dalawa ay hindi pa rin nagbabago ang treatment niya sa akin. Ang iba kasing lalaki kapag nag-away sila ng kanilang girlfriend, nagiging malamig at naghahanap ng lambing sa ibang babae. Pero si Dominic, iba eh. Sweet at maalaga pa rin siya kahit na galit siya sa akin. "You're always welcome Serenity, I will always do these things to you until we get old." he said and planted a kiss on the back of my right hand. After naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at si Dominic naman ay pumunta na sa kwarto ko para makapagbihis. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay hindi ko maiwasang isipin ang ginawa namin kahapon. We watch movie together, we drink wine together, we cuddled each other, and we plan our future together. Our dream house, dream wedding and how many kids we want. Siya lang talaga ang lalaking pangarap kong makasama sa hinaharap, kahit sa kabilang buhay ay siya pa rin ang gusto kong lalaking mamahalin at wala ng iba. Kahit saan pa 'yan ay sa kaniya pa rin ako patutungo. Kahit ilang beses pa akong maligaw, sa kaniya pa rin ako sa huli. Matapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay nilagay ko na ito sa cabinet. Umalis na ako sa kusina at nagtungo sa aking silid. Kumatok muna ako bilang senyales na papasok ako. "Pasok babe," sigaw ni Dominic. Pumasok na ako sa loob at napatingin ako sa kaniya dahil nahihirapan siyang ayusin ang necktie niya. Nilapitan ko siya at sinabing ako na ang mag-aayos nito. "Tapos na babe," sabi ko at ginawaran niya ako ng halik. "Ang ganda talaga ng girlfriend ko," mababasahan mo sa kaniyang mga mata ang sincerity at pagkamangha na may halong pagmamahal. "Ikaw talaga babe, salamat sa pag-appreciate ng ganda ko at ang gwapo rin talaga ng future ko." Natawa ako dahil namula ang kaniyang kaliwang tenga. Alam kong kinikilig siya sa banat ko sa kaniya. "Ang sarap pakinggan 'yong salitang future ko na galing sa 'yo babe." Pag-aamin niya at kinikilig siyang ngumiti sa akin. Para kaming teenager kung makilig at parang bumalik ulit kami sa pagiging binata at dalaga. Kahit five years na kami ni Dominic, 'yong kilig na nararamdaman namin sa isa't isa ay walang nagbago. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minahal. 'Yong excitement na nararamdaman ko before nung bago pa lang kami ay until now gano'n pa rin ang nararamdaman ko. Dahil kadalasan sa mga magkasintahan kapag nawawala na 'yong excitement at kilig ay unti-unti na silang nagbabago. Diyan ka susubukin ng tadhana na kahit wala ka nang nararamdaman na kilig or excitement ay mananatili ka pa ba o aalis ka na sa piling niya? Hinihiling ko sa mga tala, sa langit at sa panginoon na kahit hindi na kami kinikilig or excited ni Dominic sa isa't-isa ay sana walang magbabago sa aming dalawa . Sana dinggin nila ang hiling ko. "Kinilig ka lang eh, tara na babe baka ma-late pa tayong dalawa." Baka kasi ma-late siya sa kaniyang trabaho dahil ihahatid pa niya ako sa Bracken International School. Kinuha ko na ang Luis Vuitton shoulder bag ko at nagmamadaling sinuot ko ang four inch na heels ko. Sabay kaming lumabas ni Dominic sa unit ko at nang nakarating kami sa elevator ay bigla niyang pinulupot ang kaniyang kamay sa bewang ko. Umaandar na naman ang pagiging possessive niya. May dalawang lalaki kasi kaming kasabay at isang babae. Pinindot naman niya ang ground floor kung saan naka-park ang kaniyang sasakyan. After few minutes ay nakarating na kami sa parking lot. Agad niyang pinatunog ang Mercedes-AMG C na sasakyan niya. Napanganga ako sa gulat dahil iba na naman ang sasakyan niya ngayon. Alam kong mayaman siya pero grabe, this is my first time na sumakay sa mamahaling sasakyan. "Hmh, someone is excited." he said. Nang binuksan niya ang pintuan ng passenger seat ay excited akong pumasok at umupo sa kaniyang sasakyan. Amoy na amoy ko dito sa loob ang panlalaking pabango niya. Habang palabas kami sa La Seirre Condominium ay lahat ng taong nadadaanan namin ay napapatingin sa sasakyan ni Dominic. Agaw pansin ang kaniyang Mercedes sa kalye at pati na rin nung nasa parking lot na kami ng Bracken. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan at inalalayan niya akong lumabas sa kaniyang sasakyan. Ang mga estudyante ay napapatigil at napapatingin sa amin. Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang noo ko at niyakap ako ng mahigpit. "I will miss you babe, magiging busy ako next week kaya asahan mo ang late reply ko kapag nag-text ka sa akin." malungkot na sabi ni Dominic. Parang ayaw niya akong pakawalan sa bisig niya dahil sobrang higpit ng yakap niya sa akin. "It's okay babe, I understand naman since may bago kang project nahahawakan. Galingan mo babe," sabi ko sa kaniya at hahalikan na sana niya ako nang biglang may nagsalita sa harapan namin. Napasimangot naman siya dahil hindi niya ako nahalikan. Tumingin ako sa aking harapan para tingnan kung sino ang batang nag-interrupt sa paghaharutan naming dalawa ni Dominic. Laking gulat ko nang makitang si Ivy lang pala. Parang kabute ang batang 'to dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. "Tito Dominic," matinis na sabi ni Ivy at nagpabuhat siya sa aking nobyo. Nagtaka naman ako kung bakit magkakilala silang dalawa. "Magkakilala kayo babe?" tanong ko kay Dominic. "Yes babe, anak siya ni Engineer Octavios Bracken 'yong isa kong kaibigan." sabi niya sa akin. Kaya pala magkakilala silang dalawa dahil kaibigan niya pala ang papa ni Ivy. "She is your girlfriend tito? Irereto ko sana siya kay Tito Max, but she said na may boyfriend na raw siya and it's you pala." Minsan may pagka-slang si Ivy sa kaniyang pananalita. Iba talaga magsalita ang mga sosyal na bata. "Yes, baby girl she is my girlfriend and my future wife so she's definitely off limits. Do you like Tita Serenity for me?" Gaya ko mahilig rin sa bata si Dominic. At ramdam ko na kapag nagkaroon na kami ng anak ay magiging mabuti siyang ama. "I like her for you tito, because Tita Serenity is kind and gorgeous." Tinignan ako ni Ivy at ngumiti siya sa akin. Pinisil ko naman ang kaniyang magkabilang pisngi at pinanggigilan ito. Hindi ko pa sana titigilan ang kaniyang pisngi kung hindi ako inawat ni Dominic. "Babe baka nasasaktan na si Ivy," awat niya sa akin. "Hala I'm sorry baby girl, hindi ko sinasadya. Masakit ba?" Baka mamaya ay isumbong niya ako sa lola niya, patay talaga ako nito kay Tita Amelia at baka mapalayas pa ako na hindi nakakapagsimulang magturo dito. "It's okay ate, I know I'm cute so please don't pahalata naman." nakasimangot na sabi niya. Diyos ko, nakakaloka ang batang ito. Kung hindi siya slang magsalita ay conyo style naman. "Babe, I have to go na. I love you and I will be missing you." Paalam ni Dominic sa akin, tinakpan niya ang mata ni Ivy at mabilis niyang hinalikan ang labi ko. "Tara na Ivy, baka ma-late pa tayong dalawa." First day ko pa naman bilang teacher at ayokong ma-late dahil baka pagalitan ako ni Tita Amelia at ang principal ng elementary. Hinatid ko muna siya sa kanilang classroom bago ako pumunta sa office ni Tita Amelia. "Thank you po Ate Serenity," sabi niya sa akin nang makarating kami sa harap ng classroom nila. "Welcome baby girl, basta ikaw." Ginulo ko ang kaniyang buhok at nakangusong tinignan niya ako pero kalaunan ay ngumiti siya sa akin. Nang makapasok na si Ivy sa kanilang classroom ay umalis na ako sa kanilang building at nagmamadaling pumunta ako sa office ni Tita Amelia. Ilang habkang na lang ang gagawin ko ay makikita ko na ang office ng may-ari ng paaralang ito ngunit biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Agad kong sinagot ang tawag ng makita kong si papa ang caller. "Good morning po papa," bati ko sa kaniya. "Good morning din anak, nasaan ka ngayon?" tanong niya sa kabilang linya. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya ng marinig ko ang tanong niya. Baka may ipapagawa na naman siya sa akin kaya siya napatawag. Tatawag lang naman silang dalawa ni mama kung may ipapagawa sila sa akin. Kung wala naman ay wala akong natatanggap na text or tawag galing sa kanila. Buong buhay ko ay hindi nila ako tinanong kung kamusta na ba ako? Okay lang ba ako? Masaya ka ba diyan? Malungkot ka ba ngayon? Galit ka ba? Kaya sa bawat tawag na natatanggap ko galing sa kanilang dalawa ay hindi na ako umaasa na kakamustahin nila ako. Dahil sanay na ako at tanggap ko na ang katotohanan. "Nasa Bracken International School po ako ngayon papa, may iuutos po ba kayo sa akin?" Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang ito nasabi kay papa kaya natahimik siya saglit sa kabilang linya. "Anniversary kasi ng kumpanya natin ngayon anak at sana ay makapunta ka, alas syete ng gabi magsisimula ang party. Ipapadala ko na lang ang susuotin mo mamaya sa condo mo at ipapakuha din kita sa driver ko." Napansin ko naman na parang hindi okay si papa dahil iba ang tono ng kaniyang boses. Parang pagod na pagod siya at kulang sa tulog. "Okay lang po ba kayo papa?" tanong ko. Kahit galit ako sa kaniya ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya dahil ama ko pa rin siya. Kahit na puno ng hinanakit at galit ang puso ko ay sa huli, mas nananaig pa rin ang pag-aalala at pagmamahal ko kay papa. "Okay lang ako Serenity, congratulations sa bago mong work. I'm so proud of you! Ibaba ko na ang tawag anak dahil may pupuntahan pa akong meeting," mahinang sabi niya sa kabilang linya. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako pinuri ni papa kaya hindi ko maiwasang maluha habang naglalakad ako patungong office ni Tita Amelia. Smile Serenity, smile. Nasa harap na ako ng pintuan at hindi ko namalayan na may tao pala sa likuran ko. "Sorry po ma'am hindi ko sinasadyang paghintayin ka," nakayukong sabi ko sa isang magandang babae. "It's okay, papasok ka ba sa loob? Sabay na tayo," friendly na sabi niya sa akin. Tumango lang ako at palihim ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. I think she's one of the teacher's here. "Hello mga hija, maupo kayo." Humihigop ng kape si Tita Amelia ng madatnan namin siya. "Nasabihan ko na po ang mga estudyante ko na may bago na silang teacher ngayon, tita. I'm sorry po talaga kung biglaan ang pag-alis ko," malungkot na sabi ng babae kay Tita Amelia. I think siya 'yong papalitan kong guro, feel ko lang. "Okay lang hija, ano ka ba. Nasabi ko na rin kay Max ang tungkol sa pag-alis mo." So hindi ang papa ni Ivy ang may-ari ng school na ito, kun'di ang tito niya. Tumingin ang magandang babae sa gawi ko at ngumiti siya sa akin. "Hello, I'm Dorothy." she said and extended her right hand to me. "Serenity," friendly kong sabi at tinanggap ko ang kamay niya. "Siya ang papalit sa 'yo Dorothy at alam na rin ni Mrs. Valdez na ngayon siya magsisimula." sabi ni Tita Amelia kay Dorothy. Tama nga ako ng hinala na siya ang papalitan ko. Ano kaya ang grade na tinuturuan niya, 'di bale malalaman ko rin mamaya. "Noted po tita, tara na Miss Serenity dahil magsisimula na ang klase mamaya. Alis na po kami tita at ako na po ang bahalang magpakilala sa kaniya sa buong faculty staff at sa mga estudyante ko," magalang na sabi ni Dorothy. Lumabas na kami ng office ni Tita Amelia at sumunod lang ako kay Dorothy kung saan kami pupunta. "Ano ang grade na tinuturuan mo Ma'am Dorothy?" Kahit kailan talaga ang hilig kong magtanong. "Grade one, Ms. or Mrs.? Baka kasi kasal ka na tapos Ms. pa ako nang Ms. sa 'yo." Natawa ako sa kaniyang sinabi. "I'm not married nor engaged ma'am, but soon." I said and winked at her. Natigil sa paglalakad si Dorothy ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya agad ito at sinenyasan niya akong hintayin ko siya dito sa gilid ng corridor. "Pwedeng hintayin mo muna ako saglit dito? May kukunin lang ako sa classroom ni Mrs. Ramos," casual na sabi niya sa akin. "Sige," tugon ko sa kaniya. Ang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa sahig. s**t, ang sakit ng puwet ko. Nanlilisik kong binalingan ng tingin ang lalaking bumangga sa akin. Nagmamadaling tinulungan niya ako at natuod ako sa aking kinatatayuan ng masilayan ko ang nakakahipnotismo niyang mga mata. "I'm sorry," malamig na sabi niya. "Okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong niya. Naitulak ko siya dahil ngayon ko lang napagtanto na kanina pa ako nakahawak sa kaniyang kamay. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na mask. Hindi naman siguro kidnapper ang gwapong lalaking ito? "Okay lang ako," naiilang na sabi ko sa kaniya dahil kanina pa siya nakatingin sa aking mukha. "I'm sorry talaga miss, hindi ko sinasadyang bungguin ka. s**t! Late na ako sa meeting," natataranta na sabi niya. "Mister," sigaw ko dahil nahulog niya ang kaniyang panyo ngunit huli na ang lahat nang makita kong pumasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD