DOMINIC
Busy ako ngayon dahil sinusuri ko ang mga design para sa bago naming project na itatayo next month sa Cebu. Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog ito.
Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Serenity, ang girlfriend ko. Na simula bukas ay magsisimula na siyang magturo sa Bracken International School. I don't mind my busy schedule at dali-daling lumabas sa office ko. I want to surprise her kaya naisipan kong bumili ng flower bouquet at cake para sa kaniya.
Kailangan ako ang unang makarating sa condo unit niya kaya binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo ng aking sasakyan. Dumaan muna ako saglit sa mall at bumili ng cake, balloons, wine, at flower bouquet na ibibigay ko sa kaniya. After kong mabili lahat ng iyon ay nilagay ko ang mga ito sa backseat at nag-drive ulit papunta sa condo ni Serenity.
After thirty-five minutes ay nakarating na ako sa La Seirre Condominium. Kinuha ko ang mga binili ko kanina sa backseat at dinala iyon patungong unit ng girlfriend ko.
Habang naglalakad ako patungong elevator ay lahat ng nakakasalubong ko ay napapatigil sila at napapatingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang akong naglakad. Nang makapasok ako sa elevator ay agad kong pinindot ang tenth floor and after eight minutes ay nakarating na ako sa floor kung saan ang unit ni Serenity.
Lumabas na ako sa elevator at pumunta sa unit niya. Kaming dalawa lang ang nakakaalam sa pin ng condo niya, even her mom and dad doesn't know it.
Nandito na ako ngayon sa loob ng unit niya at inilapag ko ang mga dala ko sa lamesa. Tinignan ko ang paligid at nagtaka ako kung bakit ang gulo dito sa loob ng condo niya dahil ayaw ni Serenity ang magulong paligid. Bago ko ayusin ang gagawin kong surprise para sa kaniya mamaya ay nilinis ko muna ang mga kalat. Hindi naman masyadong makalat kaya mabilis akong natapos sa pagliligpit.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga balloon na binili ko dahil gusto kong ipalutang lahat ng mga ito sa kisame.
After kong maipalutang lahat ng balloon ay inilabas ko ang cake at nilagay ko ito sa lamesa kasama ang flower na ibibigay ko sa kaniya. Kumuha rin ako ng dalawang wine glass sa cabinet niya.
Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng ingay galing sa labas kaya nag-ready na ako para i-surprise siya. After few minutes ay nakita ko si Serenity na nakangiting tinatanggal niya ang kaniyang suot na sandal kaya hindi muna ako nagsalita.
"Surprise babe, congratulations." I said and kissed her passionately.
After we kissed ay binigay ko sa kaniya ang flower bouquet at masaya naman niya itong tinanggap.
"Thank you so much babe, I thought you were busy."
She hugged me tightly. Damn, I missed Serenity so much. F*ck those paperworks of mine! Five years and still her, I can't wait to call her wife soon.
"I love you, I really do." I said and kissed her again. I'm so addicted to her lips. Damn, I really missed my woman.
"I love you babe and I missed you. Babalik ka na ulit sa office mo or dito ka matutulog?"
Minsan ay natutulog ako dito sa condo niya kung tinatamad akong umuwi sa condo ko.
Sa tagal ng aming relasyon ay never pa naming pinasok ang larong apoy at hanggang halik lang talaga kami. I really respect her at ayokong kunin ang virginity na iniingatan niya hangga't hindi pa kami kasal. Kaya kapag natutulog ako dito sa unit niya o kapag natutulog siya sa condo ko ay hanggang cuddle lang kami sa isa't-isa.
"I missed you too babe, dito ako matutulog ngayon dahil baka next week ay pupunta na kami sa Cebu." malungkot kong tugon sa kaniya at for sure magiging busy ako for the whole next week.
"Aww, buti na lang talaga naisipan mong pumunta ngayon sa condo ko kahit busy ka."
Uupo na sana siya sa sofa pero mabilis ko siyang pinigilan. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin pero kinindatan ko lang siya.
Umupo ako sa sofa at kinandong ko siya sa aking kandungan. I miss doing this to her. I miss her scent. I missed everything about her.
Serenity is not my first love, but she is my future. I really love her deep down to her soul. At hindi ko kayang makita siyang masaya sa piling ng iba.
Kung pwede lang sanang pakasalan ko siya ngayon din ay gagawin ko para wala na siyang takas, subalit marami pa siyang gustong abutin at patunayan. My woman is busy chasing her dreams and I will let her shine and support her no matter what happen.
Kumbaga ibinabalik ko lang sa kaniya ang pagiging supportive niya sa akin. Palagi kasi siyang nakasuporta sa akin at pinapalakas niya ang loob ko. Kaya gaya ng iba, gusto kong sabay rin kaming aangat. Gusto kong matupad lahat ng mga pangarap namin sa buhay.
Saka ko na siya pakakasalan kapag ready na siya. Dahil kung ako ang tatanungin matagal ko ng gustong pakasalan si Serenity. Siya lang talaga ang babaeng gusto kong magdala ng apelyido ko balang araw at dalhin sa altar.
"Kahit busy ako ay hindi ako mawawalan ng oras sa 'yo. Anong tuturuan mong level babe?" malambing kong tanong sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at hinarap ako.
"Elementary babe, you know what may nabangga akong batang babae kanina. Ang ganda-ganda niya at sobrang cute niya." kwento niya sa akin.
Mahilig talaga siya sa bata.
"Really? Hulaan ko pinanggigilan mo na naman ang pisngi ng batang nabangga mo kanina."
Kapag may nakikita siyang bata ay hindi niya kayang pigilan ang kaniyang sarili na hindi kurutin ang pisngi ng batang nakikita niya.
Lumaki si Serenity sa puder ng kaniyang lola. Wala siyang kalarong bata noon bukod sa Tita Rose niya na mas matanda sa kaniya ng tatlong taon kaya siguro ganiyan siya kasabik sa mga bata.
Unang kita ko pa lang kay Serenity noon ay masasabi kong sobrang lungkot nito. Iyong tipong ngumingiti siya pero iba ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Papunta ako ng mall that time nang makita ko siyang nakaupo sa bench ng park kung saan sa kaniyang harapan ay maraming pamilya ang nag-pi-picnic.
Malungkot niyang pinagmamasdan ang bawat pamilyang nagtatawanan sa isa't isa kaya bumaba ako sa aking sasakyan at nilapitan ko siya noon. Naglakas loob akong kausapin siya at doon ko nalaman ang kaniyang nakaraan.
Sobrang lungkot niya at walang kabuhay-buhay ang mukha niya. Ramdam ko ang kaniyang pangungulila sa mga magulang niya. Gusto niyang maranasan na mag-bonding sila ng mama at papa niya kahit isang araw man lang.
She's really hurt emotionally and mentally. That time, lahat ng kaniyang hinanakit na gusto niyang ilabas ay sinabi niya sa akin kaya ang ginawa ko ay pinakinggan ko lang siya hanggang sa matapos niyang sabihin lahat ng gusto niyang ilabas.
After that ay umalis na lang siya ng walang paalam. At mula nang araw na iyon ay palagi ko na siyang iniisip. Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan.
Until one day, nagtagpo ulit ang landas namin. Kaya nung time na iyon ay tinanong ko ang kaniyang pangalan hanggang sa naging magkaibigan kami.
Then suddenly our friendships turn into lovers.
Kapag malungkot siya ay nasa tabi niya ako palagi para damayan ko siya. Kapag masaya siya ay masaya rin ako. Kapag naiinis siya o nagagalit ay iniintindi ko siya. Kapag pinanghihinaan siya ng loob ay nandiyan ako para palakasin ang loob niya.
Kahit ano pa 'yan ay palagi akong nasa tabi niya at hinding-hindi ko siya susukuan. Through sadness or happiness, dadamayan ko siya dahil simula't sapul ay wala siyang ginawa kun'di mahalin ako ng lubusan…
Naputol lang ako sa aking pagbabalik tanaw sa aming nakaraan ng tapikin niya ako.
"Babe kuha lang ako ng kutsilyo, tinidor at maliit na plato para makain na natin ang cake na dala mo." excited na sabi niya at nagtungo sa kusina.
I'm so lucky to have her in my life. Kahit anong pagsubok pa ang haharapin naming dalawa sa future ay hindi ako magdadalawang-isip na ipaglaban siya ng paulit-ulit dahil deserved niya ang pagmamahal ko.
Gaya ng sabi niya kanina ay bumalik siyang may bitbit na kutsilyo, tinidor at maliit na plato. Hiniwa niya ito at kumuha ng isang sliced cake at nilagay sa maliit na plato. Umupo ulit siya sa aking kandungan at paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako.
"Dominic, salamat dahil nandiyan ka palagi sa tabi ko. Mula noon hanggang ngayon ay nanatili ka sa tabi ko at minahal mo ako ng walang pag-aalinlangan." puno ng emosyon niyang sambit sa akin.
Halo-halong emosyon ang mababasa mo sa kaniyang mata.
"Because you deserved it babe, I will always choose you and stay by your side, even if the world falls apart." I said and put the infinity necklace around her neck.
Naiiyak siyang napatingin sa akin at kinapa niya ang binigay kong kwintas sa leeg niya. Binili ko ang kwintas na iyon last month noong nasa Paris ako at ngayon ko lang ito binigay sa kaniya dahil ngayon lang ulit kami nagkita.
"Ang ganda ng kwintas babe, thank you so much. Sana walang hanggan rin ang pagmamahalan natin." sabi niya habang nakatingin sa kwintas na binigay ko.
"Don't worry babe dahil ang pagmamahal ko sa 'yo ay tulad ng kwintas na iyan." Hindi ko kakayanin kapag nawala si Serenity sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya, sobra.