SERENITY
Ang lawak talaga ng school na ito at sobrang ganda. Habang naglalakad ako ay pasulyap-sulyap ako sa paligid at hindi ko namalayan na may nabangga na pala akong isang batang babae. Nag-aalalang nilapitan ko siya at tinulungan ko siyang tumayo. Tinignan ko naman ng maigi ang kamay at tuhod niya dahil baka nagasgasan ito.
"I'm sorry baby girl, hindi ko sinasadyang banggain ka." malambing kong sabi sa cute at magandang bata na nasa harapan ko.
"It's okay ate, first time n'yo po bang makapasok dito?" cute na tanong niya sa akin at ngumiti ito ng pagkatamis tamis.
Gano'n na ba ako kahalata kanina at pati bata ay napansin niyang first time ko dito sa Bracken International School?
Hindi ko mapigilan ang aking sarili at pinisil ko ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Yes baby girl, by the way saan ka pupunta? Ihahatid na kita," sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang dala niyang lunchbox.
"Just follow me ate ganda," bigla niyang inabot ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Inosenteng ngumiti lang siya at hawak kamay kaming naglalakad patungo sa color gray na building.
Maraming tao ang napapatingin sa amin, lalong-lalo na ang mga magulang at guro na nakakasabay at nalalagpasan namin. Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanuring tingin nila sa akin at tinuloy ko lang ang paglalakad kasama ang magandang bata na nabangga ko kanina.
Lumiko kami sa isang pasilyo at may isang magandang ginang na nakatayo sa gitna ng hallway na napapalibutan ng tatlong bodyguards. Nagtataka ako dahil tumigil ang bata sa harapan ng isang sopistikada na ginang, magtatanong na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Hi lola, good morning and I'm sorry dahil tinakasan ko kayo kanina. May pinuntahan kasi ako," nakayukong sabi ng batang babae sa kaniyang lola.
"It's okay apo at sino naman ang kasama mo?" sabi ng matandang ginang at tumingin siya sa akin. Tiningnan niya ang aking mukha at bigla siyang napatakip sa kaniyang bibig. "Don't tell me anak ka ni Elizabeth?" gulat na tanong niya sa akin.
Nagtaka naman ako dahil kilala niya si mama. "Hello po, I'm Serenity Hope Chavez, anak po ako ni Elizabeth Huervas." magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at ngumiti ng malapad.
"Ikaw pala 'yan hija, kamukhang-kamukha mo si Elizabeth. By the way, I am Amelia Bracken, nice to meet you." sabi niya at inaya akong pumasok sa loob ng office niya.
Nahihiyang sumunod ako sa kaniya at hawak ko pa rin ang kamay ng batang babae na nabangga ko kanina. Siya pala ang sinasabi ni mama at Zoe na may-ari ng school na ito. Akala ko ay maldita at masungit siya pero nagkamali pala ako ng akala. Palangiti at mabait naman pala si Ma'am Amelia.
Nang nakapasok kami sa kaniyang opisina ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang kaniyang opisina ay nagsusumigaw ng karangyaan pero iba ata ang taste niya dahil panglalaki ang theme ng opisinang ito.
"Maupo ka hija, kukuha lang ako ng maiinom at makakain natin. Anong gusto mo, coffee or juice?" Nakatayo siya sa aking harapan habang tinatanong niya ako.
"Juice na lang po ma'am," nahihiyang tugon ko at nang marinig niya ang sagot ko ay pumunta na siya sa mini kitchen ng opisinang ito.
Habang hinihintay ko siya ay pasimple kong tinignan ang kabuuan ng kaniyang opisina.
"What's your name po?"
Biglang nagsalita ang batang babae, nakalimutan kong kasama pala namin siyang pumasok dito kanina. Imbes na ako ang magtanong sa pangalan niya ay siya na mismo ang nagtanong sa akin. I think she's six years old.
"I'm Serenity baby girl, ikaw anong name mo?" Tinignan ko ang kaniyang mukha at para siyang anghel na bumaba dito sa lupa.
"I'm Ivy Hope po, do you have a boyfriend?" Nagulat ako sa kaniyang tanong dahil ang bata niya pa pero alam na niya ang boyfriend thingy na 'yan.
"Pareho tayo ng second name baby girl at may boyfriend na ako. Ang bata mo pa pero alam mo na ang salitang boyfriend."
Napasimangot siya ng marinig niyang may boyfriend na ako.
"Ipapakilala sana kita sa tito ko, but you said you have a boyfriend na, sayang." sabi ni Ivy sa akin at nag-pout pa siya.
Natawa ako sa kaniyang inasta.
"You can introduce me to your tito naman kahit na may boyfriend na ako." Nasabi ko na lang bigla sa kaniya.
"Really, ate ganda?" masayang sabi niya sa akin at bigla na lang siyang lumabas.
Nataranta naman ako dahil baka mawala siya dahil sobrang lawak ng paaralan na ito. Susundan ko na sana siya ngunit biglang lumabas si Ma'am Amelia sa mini kitchen.
"Hi hija, sorry natagalan ako. Anong nangyari, you look so bothered?"
Napatingin naman ako kay Ma'am Amelia at agad akong humingi ng sorry.
"Sorry po Ma'am Amelia, hindi ko po nabantayan si Ivy ng maigi dahil bigla kasi siyang umalis. Nag-aalala ako sa kaniya, baka kasi mawala siya. Sobrang lawak pa naman ng Bracken," kinakabahang turan ko at bigla naman siyang tumawa kaya naguguluhan akong napatingin sa kaniya.
"Don't worry hija, ganiyan talaga ang batang iyon. Magsisimula na kasi ang klase nila kaya dali-dali na naman siguro siyang umalis at nakalimutan na niyang magpaalam sa 'yo."
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi niya at dito pala nag-aaral si Ivy. Hindi ko kasi napansin ang suot niyang uniform kanina.
"Kaya pala mabilis siyang tumakbo kanina, susundan ko na sana siya pero nakita ko naman kayong palabas na sa kusina kaya hindi na lang ako tumuloy." agarang sabi ko sa ginang at hindi ko alam kung bakit sobrang palasalita ako ngayon.
"Nabanggit sa akin ni Elizabeth na naghahanap ka ng paaralan na tumatanggap ng mga bagong guro. Ano ba ang gusto mong turuan hija? College ba, elementary o highschool?" tanong ni Ma'am Amelia sa akin bago siya uminom ng iced tea.
"Elementary po ang gusto kong turuan ma'am, sana matanggap po ako sa school n'yo." puno ng pag-asang sabi ko sa kan'ya.
Sana naman ay tanggapin nila ako dahil pangarap ko talagang makapagturo sa paaralang ito.
"Actually hija, hindi ako ang totoong may-ari ng Bracken International School kun'di ang anak kong lalaki. Ako lang ang namamahala ngayon dahil sobrang busy niya sa kaniyang ibang business na pinapatakbo. Pero dahil kaibigan ko si Elizabeth, bukas na bukas ay pwede ka ng magturo."
Kaya pala pang lalaki ang theme ng office na ito dahil hindi pala siya ang totoong may-ari nito. Siguro 'yong papa ni Ivy ang may-ari ng school na ito.
"Talaga po, maraming salamat po Ma'am Amelia." Labis ang saya ko ngayon dahil sa wakas ay makakapagturo na ako.
Excited akong marinig mula sa aking mga estudyante na tawagin akong Teacher Serenity. Hindi na ako makapaghintay, sana mabilis lumipas ang oras dahil excited na talaga akong magturo bukas.
"You're welcome hija, just call me Tita Amelia na lang and drop the formality. Bukas na sasabihin ng head nang elementary kung anong grade ang tuturuan mo." sabi niya sa akin at kinuha niya ang kaniyang cellphone sa loob ng bag nito dahil may tumatawag sa kaniya.
Sinenyasan ako ni Tita Amelia na sasagutin niya lang saglit ang tawag at tumalikod na siya sa akin. Habang wala pa siya ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Dominic.
To Dominic: Babe, natanggap ako sa Bracken International School. Magsisimula na akong magturo bukas.
Nang ma-send ang text message ko ay binalik ko agad ang aking cellphone sa loob ng sling bag na dala ko.
Mamaya ko na tatawagan si mama kapag nakauwi na ako sa condo. Buti na lang talaga kilala ni mama si Tita Amelia dahil usap-usapan na mahirap daw talagang makapasok sa school na ito kung wala kang connection o kilala dito sa Bracken.
After few minutes ay bumalik na si Tita Amelia na may malawak na ngiti sa kaniyang labi.
"I'm sorry hija, gusto pa sana kitang i-tour dito pero tumawag kasi ang asawa ko at may pupuntahan kami ngayon." nanghihinayang na sabi niya sa akin.
"Okay lang po tita, naiintindihan ko naman. Take care and enjoy po sa pupuntahan n'yo," mabilis kong sabi sa kaniya at tumayo na ako sa aking kinauupuan.
Sabay kaming lumabas sa kaniyang opisina at nagpaalam ulit si Tita Amelia sa akin. "Bye hija see you tomorrow," muling sabi niya at bumeso pa siya sa akin.
Hindi muna ako umuwi sa condo unit ko dahil gusto ko pang libutin ang school na ito. Nasa canteen ako ngayon ng elementary dahil dito ako dinala ng paa ko. Pagkakita ko sa mga pagkain ay bigla tuloy akong nagutom kaya pumunta ako sa counter para mag-order.
Nagulat ako nang makita ang presyo ng mga pagkaing binebenta nila. Hindi ko akalaing ang isang sliced lang ng napakaliit na cake ay one hundred twenty pesos. Mabubutas ata ang bulsa ko kapag dito ako kakain araw-araw. Nag-aral naman ako sa private school pero hindi ganito kamahal ang mga bilihin sa canteen namin noon.
Kaya ang pinili ko ay iyong pinakamura. Nakakahiya naman kapag umalis ako na walang bitbit na pagkain, baka sabihin nilang hindi ko afford ang mga pagkain nila dito. Nang makabayad na ako sa counter ay umalis na ako doon at umupo sa pinakasulok.
Feel na feel kong kainin ang binili kong pagkain at grabe, kaya pala ang mahal ng kakanin na ito dahil sobrang sarap pala. Kung sa gilid-gilid ka kasi bibili ay tig-bente pesos lang ang kakanin nila pero dito sa canteen ng Bracken ay eighty pesos.
Malapit ko ng maubos ang kinakain ko nang biglang lumitaw si Ivy sa harapan ko. Nilapag niya ang tray na dala niya at puno ito ng pagkain. Grabe ang takaw pala ng batang ito.
"Hello Ate Serenity, kain tayo," binigay niya sa akin ang isang burger na dala niya.
Ay bet ko na ang batang ito, mabait at hindi madamot.
"Hello baby girl, mauubos mo ba ang lahat ng niyan?" Sayang lang kasi kapag itatapon niya, marami pa namang bata sa kalye na hindi kumakain.
"Binilhan din kita ate, hindi n'yo po ba gusto 'yong mga binili kong pagkain?" Nginuso niya ang mga pagkaing nasa lamesa.
"Hala ikaw talaga baby girl, bakit mo naman ako binilhan?" nakangiting tanong ko.
"I just want to buy lang po, kain na po tayo." Aya niya sa akin at kinagat niya ang burger na hawak niya.
Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ko si Ivy, minsan pinupunasan ko ang gilid ng labi niya dahil ang kalat kasi niyang kumain. Lahat ng binili niyang pagkain ay naubos naming dalawa at busog na busog kami pareho.
Tumawa ako ng marinig ko siyang dumighay at nahihiyang napatakip siya sa kaniyang mukha. "Don't be shy baby girl, that's normal." I said and touched her hair gently.
Tinanggal niya naman ang kamay niya sa kaniyang mukha at nakangusong tumingin siya sa akin. "But you laughed, Ate Serenity." she said and rolled her eyes for the first time.
This girl is really beautiful and a bubbly one. "Natuwa lang kasi ako sa 'yo kaya tumawa ako, sorry." malambing kong sabi at nilapitan ko siya.
Pinunasan ko ulit ang kaniyang mukha at kinuha ko ang suklay sa loob ng bag ko. I comb her smooth hair until I decided to fix her hair into a high ponytail.
"Thank you Ate Serenity," she said and kissed my cheeks. "Can we take a selfie," she requested and I smiled at her.
"Sure baby girl," at inilabas niya ang kaniyang iPhone na cellphone.
She started to click the camera at pose lang kami nang pose. May mga times na naka-wacky pa ako habang nakayakap si Ivy sa akin. I really love kids so much because they are fun to be with, and they are my stress reliever.
"Ipapakita ko 'yong mga pictures natin kay tito, okay lang po ba sa inyo Ate Seren?" sabi ni Ivy sa akin.
Wala naman akong problema doon kaya tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
"Sure baby, saan pala ang room mo ihahatid na kita doon." Tumayo na kami at pinasuot ko na sa kaniya ang dala niyang bag.
Tinuro niya ang isang building sa hindi kalayuan kaya nagsimula na kaming maglakad. Gaya kanina ay maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa.
Famous ba si Ivy sa school na ito? Ay malamang dahil baka papa or tito niya ang may-ari ng school na papasukan mo Serenity, sabi ko sa aking isipan.
Nang makarating kami sa building kung saan ang room ni Ivy ay tumigil siya sa tapat ng grade two na room at hinarap niya ako. Pinantayan ko naman siya dahil mukhang may sasabihin pa siya sa akin.
"Thank you po, see you again Ate Serenity." mahinang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"See you tomorrow baby girl," I said and hugged her tightly.