LUCAS Hindi ako mapakali sa loob ng aking opisina at kanina pa ako paikot-ikot sa swivel chair ko. Ilang araw ng kasing hindi ako ni-re-replyan ni Elena. Halos mabaliw ako sa kakaisip nang makita kong pumasok ang foreigner na lalaki sa loob ng unit niya kagabi. Bibisitahin ko sana siya ngunit naunahan ako ng gagong iyon. Kapag wala pa akong natanggap na reply galing sa kaniya hanggang mamayang alas syete ng gabi ay talagang parurusahan ko siya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa ibang lalaki. "Kuya, nakikinig ka ba sa akin?" Padabog na nilapag ni Ferdinand ang hawak niyang folder at seryoso niya akong tinignan. "Nakikinig ako sa 'yo," bagot kong sabi habang nakatingin ako sa screen ng cellphone ko. "Ewan ko sa 'yo, babalik na lang ako mamaya dito. Parang 'yong utak mo kasi ay na

