MAXIMILLIAN "Sir, gising na. Kain na po tayo." Umupo siya sa gilid ko at mahina niya akong niyugyog. Kanina pa ako gising ngunit nanatiling nakapikit pa rin ang dalawang mata ko. Ang bango ng kumot at unan niya, feeling ko tuloy ay katabi ko siyang natulog kanina. Pinagpawisan ang kamay ko ng haplusin niya ang makapal kong kilay. Serenity, huwag kang masyadong lumapit sa akin at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo. Tukso layuan mo ako, ang inosente pa naman niya. "May malaking peklat ka ba sa pisngi mo kaya ayaw mong ipakita sa akin ang buong mukha mo? Hindi naman kita pandidirian at lalayuan kung sakaling makita ko ito." Napabuntong hininga siya at niyugyog niya ulit ako. Hindi ko na kayang magpanggap pa kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "Hmh, I'm sorry kung

