Chapter 12

1999 Words

DOMINIC Tatlong oras na akong nakaluhod sa harap ng condo unit ni Serenity. Hindi ko pinansin ang mga taong napapatingin sa akin habang ako ay nakayukong umiiyak. Alam kong para akong tanga sa ayos at itsura ko ngayon pero wala akong pakialam kahit magmukha pa akong baliw sa kanilang harapan. Alas-syete na ng gabi ngunit hindi pa rin siya umuuwi. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero cannot be reached ito. Nagsimula na akong kabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nanginginig ang dalawang tuhod ko ng subukan kong tumayo kaya dahan-dahan akong umupo sa malamig na sahig. Ang tanga ko, bakit ko ba nagawang lokohin ang babaeng walang ginawa kun'di mahalin ako ng lubusan? Lubos kong pinagsisisihan ang ginawa kong panloloko sa kaniya. "Hayop ka!" galit na sigaw ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD