SERENITY "Okay lang po ba kayo Ma'am Serenity?" tanong sa akin ni Elena. Walang kabuhay-buhay na tumango ako sa kaniya kaya nilapitan niya ako at nilagay niya ang kaniyang kamay sa noo ko. Wala akong sakit Ma'am Elena, brokenhearted lang ako. "Okay lang ako," tipid kong sabi sa kaniya at ipinatong ko ang aking ulo sa ibabaw ng lamesa. Nasira ang bonding namin ni Kuya Lucas kahapon dahil umuwi agad ako pagkatapos kong makumpirma na nandito na pala si Dominic sa Ilocos. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kapatid ko at sa kaibigan niya. Kaya nang makarating ako sa condo unit ko ay tinawagan ko agad si kuya at nagsinungaling ako sa kaniya na sobrang sakit ng puson ko. Ilang beses ko rin tinawagan ang number ni Dominic pero cannot be reached ito. Buong magdamag akong umiy

