DOMINIC "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Arriane. Hindi ko siya pinansin dahil kanina pa ako naiirita sa kaniya. Ano ba ang nakain ko at bakit ko siya pinatulan? Tang-ina, ang gago ko! Nawalay lang ako saglit kay Serenity, nambabae na ako. "Ito na ang huling araw na sasamahan kita dito sa hotel," walang emosyon kong sabi sa kaniya. "Why? Hindi ka ba nag-e-enjoy sa akin? Bakit bigla ka na lang nawalan ng gana?" nagtataka na tanong niya sa akin habang hinahaplos niya ang dibdib ko. "Sinamahan lang kita dito dahil naaawa ako sa 'yo, Arriane. Pinuputol ko na rin ang ating pagkakaibigan," seryoso kong sabi sa kaniya at inalis ko ang kaniyang kamay na nasa bandang dibdib ko. Wala akong espesyal na nararamdaman kay Arriane at kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Oo, tinugon ko

