Simula
Tahimik akong naglalakad patungo sa aming maliit na bahay na kasing tahimik ng buong probinsya ng Del Acosta dahil sa biglaang pagpanaw ni Mayor Julio Signor. Kakatapos lang ng klase ko at pang-umaga ang schedule ko. Our class starts at 6am and ends at 12pm.
Pagod na kumatok ako sa naka-sarado naming pintuan, sementado ang aming bahay at may maayos na pintuan.
We're not living a wealthy life ngunit sapat na para magpatuloy sa buhay kahit kapos sa pera.
Bumukas ang pinto at bumungad ang paalis kong kapatid. Gulat akong napatingin sakanya ngunit hindi ata maganda ang timpla ng mukha nito at mukhang galit. Ni hindi ako nito sinalubong at dire-diretsong umalis ng aming bahay.
Why is he here? Dapat nasa Iladal siya ah? At sabi niya'y babalik siya rito kung nakapag-ipon na siya at mabibigyan na kami ni mama ng marangyang buhay.
Napabugtong-hininga ako nang mapagtantong nagkasagutan siguro sila ni mama bago siya lumabas. Pumasok ako sa loob at nakita si mama na naghahanda na rin para umalis.
Nang makita ako ay binigyan niya lamang ako ng isang tipid na ngiti at kinuha ang bag bago lumapit at niyakap ako.
"Natanggal sa trabaho ang kuya mo at kakabisita lang ng papa mo, alam mo namang malaki ang galit ng kuya mo sa papa niyo." Malungkot niyang saad nang bitawan ako.
"Bakit po natanggal?" Nag-aalala kong tanong at hindi pinansin ang isa niya sinabi.
"Hindi ko alam, basta na lamang siya umuwi rito at mukhang hindi maganda ang nangyari sakanya sa Iladal. May ginawa nanaman siguro ang magaling niyong ama para matanggal siya sa trabaho." Sagot nito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Ma, huwag po kayong mag-alala. Nakuha po akong tagapagsilbi ng mga Dela Cuesta, magsisimula na po ako bukas. Makakatulong na po ako sainyo ni kuya, malaki po sila magpasahod kaya ay makatutulong na rin ako sainyo ni kuya sa mga gastusin." Masaya 'kong kuwento.
Her face softened as she stared at me in awe. She glanced at my straigt long hair and then she smiled as she looked up a little dahil na rin sa matangkad ako at nasa 5'6 habang siya ay nasa 5'4. She caressed my pale skin as she stared back again at my face. I have natural not so thick eyebrows, long eyelashes, matangos din ang aking ilong at mapula-pula ang manipis na labi habang pinkish naman ang aking magkabilaang pisngi hindi na kailangan pang lagyan ng cheek tint kung sakali and a small face. Lahat ng iyan ay namana ko kay mama but I didn't inherit her hazel brown eyes because I got my father's black eyes.
I stared at my mother's face. She looks very tired but her beauty is still visible as ever.
"Aalis na'ko anak, mag-ingat ka rito." Hinalikan niya ang noo ko at lumabas na siya at iniwan ako rito sa'ming munting bahay.
Tahimik akong pumasok sa kwarto ko, hinawi ko ang telang nakatabon para hindi makita ang loob ng kwarto ko. I sigh. Umidlip ako at nagising ala sais ng gabi. Tahimik ang buong bahay at mukhang hindi pa nakakauwi sina mama at kuya.
Napasimangot ako dahil wala akong magawa sa bahay. Kumulo ang tiyan ko at naalala kong hindi nga pala ako kumain ng tanghalian. Napatigil ako sa pagsara ng aming pintuan ng marinig ang pangalan ko.
"Leona!"
Humarap ako sa tumawag sa akin. Nakangiting kumaway si Bella at ang iba pa naming kaibigan, kumunot ang noo ko ng may kasama silang hindi ko kilala.
"Uy, chix! Anong pangalan mo, miss?" Tanong noong hindi ko kilala.
Pinagmasdan ko siya at may hitsura naman pero halatang playboy. Ngunit wala naman akong naramdaman na kung ano sakanya, may dating pero hindi ko type.
Sinuway siya ni Lando, kaklase ko at naging matalik na rin na kaibigan.
"Umayos ka, Rocco! Papaiyakin ka lang n'yan, paglalaruan ka lang ni Leona. Sige ka, masisira lang ang playboy image mo?" Pananakot ni Lando at natatawang tinapik ang balikat nito.
Tumawa ang dalawa pa ang iba pa naming kaibigan na sina Lennard, nakakabatang kapatid ni Lando, at si Fernan, isa pa naming kaklase nina Bella at Lando.
"Oo nga, Rocco! Kilala mo si Mark 'yung anak ng may-ari ng isang beach resort dito? Iyong si kuya Adolfo din, 'yung gwapo kuno tapos manager ng isang inn dito? Tapos 'yong apo din ni Mayor Julio, si Toby Signor! pinaasa lang nitong si Leona, kaya huwag nalang talaga itong sobrang gandang kaibigan namin, Rocs." Gatong din ni Lennard.
Lumapit sa'kin si Fernan at inakbayan ako.
"Pasensya na, pre, akin lang 'to e." may pagkaseryosong sambit ni Fernan ngunit halata namang nantitrip lang.
Kita ko naman ang ngisi sa labi ni Bella habang makahulugang tumitingin sa'kin. Inirapan ko siya at inalis ang kamay ni Fernan sa balikat ko.
"Bakit ba kayo napadpad dito sa'min?" Tanong ko sakanila ngunit ang tingin ko naman ay naka'y Bella parin dahil sa nakakainis na mapang-asar na ngiti sa mga labi niya.
"Ikaw talaga ang sadya namin rito, Leona. Tara sa court, may pamigay na libreng hapunan ang pamilyang Signor." Naka-ngising sagot ni Bella at binaling ang tingin kay Fernan na titig na titig naman sa'kin.
"Balita ko'y may nag-utos daw na patayin si Mayor! At tsaka sobrang bait kaya ni Mayor Julio kaya mahal na mahal ng mga tao rito." Malungkot na ani ni Lennard.
"Baka'y si Eliseo Signor ang magiging bagong mayor? Pinsan nung kupal na Toby." Puna ni Fernan.
Nakapang-bahay silang lahat maliban sa tinawag nilang Rocco.
"Tara na sa court!" Yaya ni Lennard.
Biglang sumabat iyong Rocco, tutol sa pag-aaya ni Lennard.
"Magpapakilala muna ako sa kaibigan niyo. Kanina pa kayo nag-uusap pero hindi ko pa nakuha ang pangalan niya!" Palakaibigan na ngumiti na sa'kin ngayon iyong Rocco at naglahad ng kamay.
"Rob Colton Avila." He said as he took a step forward and held my hand. Akmang hahalikan niya ang kamay ko ng pinaghiwalay ni Fernan ang mga kamay namin.
"Akin nga 'yan!" Fernan glared at him and when he faced me, his face softened. "Call him Rocco." Saad niya.
All of them started to laugh, natawa sa sinabi at kinilos ni Fernan. Nahiya naman si Fernan at nang maisip ang ginawa niya, napayuko nalang. Inulan tuloy nila kami ng tukso at pati si Rocco ay nakisali sakanila.
"Naku! Napakaseloso mo naman kuya Fernan, hindi mo nga girlfriend si Ate Leona!" Mass lalo silang natawa sa sinabi ni Lennard.
"Tama na 'yan, Lennard. Gusto mo bang umuwing bugbog?" Nakakalokong tanong ni Lando sa kapatid at inaya na kaming pumanhik sa court.
Hindi naman 'yon ganon kalayo sa bahay namin kaya't nakarating kami kaagad.
Nakita ko si Aling Belen, ang nanay ni Bella. Kumaway ito sa'min kahit na busy ito sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga nakapila. Nagkalat din ang mga plastic na lamesa at upuan at konti nalang ay mapupuno na ang mga ito. Nakaset-up din ang stage, at may malaking tarpaulin. Nandoon ang mukha ni Mayor Signor na nakangiti.
Kaagad kaming lumapit kay Aling Belen at nagmano sakanya.
"Bella!" Tawag niya sa anak at kaagad na inutusan na tumulong sakanila.
Tumulong na rin ako kahit pinipigilan ako ni Aling Belen. Ngumingiti lamang ako sakanya at hindi nakinig. Nagpatuloy ako sa pagbibigay ng mga pagkaing nasa styrofoam box.
Napangiti ako ng makitang wala ng pila. Kumuha ako ng dalawang box para sa'min ni mama at nagpaalam na sakanila.
"Salamat sa tulong, hija! Siguro ka bang hindi ka dito kakain? Baka mapano ka pa sa pag-uwi mo!" Nag-aalalang sabi ng isa sa kasamahan ni tiya Belen.
Umiling ako at ngumiti.
"Hindi na po."
Bahagya akong nagulat nang makita si Fernan na naghahandang umalis.
"Ihahatid ko na po siya sakanila, huwag po kayong mag-alala." He smiled at them, assuring them na hindi ako mapapahamak.
Hinayaan ko siya at naunang naglakad palabas ng court. Tinawag niya ako at tumakbo para mahabol.
Tumawa siya habang nakahawak sa kanyang mga tuhod nang tumigil ako. Binaling ko ang tingin sakanya habang hawak ang isang puting plastic.
Tahimik lang kami habang naglalakad. At biglang napa-isip, Noon, natutuwa ako sa pang-aasar samin. Ngayon, hindi na. Hindi ko na rin naman siya gusto. It was just infatuation.
"Nakita namin nila Bella kanina si kuya Conrad," Basag ni Fernan sa katahimikan. "May kausap na kaedad ng mama mo, magkamukha rin sila. Tatay niyo siguro 'yon."
Kaagad akong napatingin sakanya, nakangiting binalingan niya ako ng tingin.
"Nagkakamali ka." malamig kong sabi at nagpasyang bilisan ang lakad nang lumiko na kami.
Bumisita nga siya rito? Para saan?
"Weh? Talaga ba? Kamukha mo nga rin eh! Mayaman naman talaga kayo, 'no?" Halatang interesado siya sa buhay ko.
People in this province don't know anything about my family's background. Alam lamang nila na mahirap si mama at napadpad rito dahil kapos sa pera at may konting ipon lang. My mother was pregnant with me when they decided to live here, pitong taong gulang na rin si kuya noon at bente kwatro na ngayon.
Malayo rin kasi ito sa Iladal. Limang oras ang byahe.
"There's nothing interesting in our life, Fernan. 'Wag ka na ulit magtatanong tungkol sa pamilya ko." Ani ko sa isang matigas at malamig na boses.
They told me to choose my friends wisely and don't trust easily. I agree with them but sometimes, nakakairita dahil hindi naman lahat ng taga rito ay curious sa'min.
"Teka! nagbibiro lang ako! Halata namang mahirap lang talaga kayo, kutis mayaman lang talaga." Nagpapanic na sabi niya.
My family has many secrets while living here. Napabugtong-hininga ako at napatigil dahil nasa harap na kami ng bahay. I glanced at him looking guilty from what he said, naramdaman sigurong nairita ako.
"Ayos lang at salamat sa paghatid kahit hindi naman kailangan." Seryoso kong ani at iniwan siyang nakatayo ro'n.
Damn, I forgot to close the door. Buti nalang at walang magnanakaw sa'min at tsaka wala naman talagang dumadaan dito sa'min. Nasa tagong parte ang bahay namin at nasa pinakadulo pa.
I was about to lock the door when I heard a knock. Kunot-noong binuksan ko ang pintuan at nakita si Fernan na tila hindi mapakali.
"I'm sorry, Leona. Hindi na ulit ako magtatanong ng ganoon, I promise." He said while looking for my hand, nang mahanap niya ay hinawakan kaagad niya ito, nakikitaan ko ng takot ang mga mata niya.
"It's okay. Umuwi kana, Fernan." Taboy ko sakanya.
Umiling siya at nagpupumilit na dito muna siya, he said he's still not convinced that it was okay.
"O, Fernan. Andito ka pala." Napabaling ang tingin ko sa gilid ni Fernan at nakita si mama na nakangiti.
Napatingin din sakanya si Fernan at gulat na napatingin kay mama. Bumaba naman sa magkahawak naming kamay ang tingin ni mama.
Hindi niya iyon pinansin. Nakangiti parin si mama at binalik ang tingin sa mukha ni Fernan.
"Umuwi kana sainyo at maaga pa ang klase niyo bukas. Matutulog na rin itong anak ko."
Tumango na lamang si Fernan. Ramdam ko naman ang tingin niya sakin ngunit hindi ko na siya sinuklian pa ng tingin at nauna na sa loob. Hinanda ko ang dala kong pagkain at kinuha ang dalang softdrinks ni mama.
"Boyfriend mo?" Mapanuksong tanong ni mama nang maka-upo sa tabi ko.
"Hindi po." Sagot ko at napainom ng coke.
"Hindi po o hindi pa?" Nahihimigan ko ng pang-aasar ang boses ni mama.
"Hindi ko gusto, ma. Paano po 'yan? kayo nalang?" Pakikisabay ko sa sakanya.
Mahina siyang natawa. "Pass. Hindi ako napatol sa bata. At, hindi na maputing singkit na matangkad ang tipo mo, anak?"
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Bagay naman sakanya 'yong pagiging maitim niya, ma."
"Wala akong sinasabing hindi bagay sakanya, anak. Ikaw ha, hindi mo ba talaga gusto o ayaw mo lang na may umaway sayo dahil sakanya?"
"Ma!" Inis akong tumingin sakanya.
Tumayo ako nang matapos nang kumain at nagsipilyo. Gutom na gutom ako kaya naubos ko agad ang dinner ko. Mukhang napansin rin iyon ni mama ngunit hindi na niya ako tinanong. I can sense that she's thinking something nasty ngunit hindi na niya ako inasar pa.
Kaagad akong nakatulog at maagang nagising. Alas kwatro palang ng madaling araw ay gising na ako. Hindi ko alam kung umuwi ba si kuya kagabi ngunit sana uuwi siya mamaya dahil marami akong itatanong.
Nagluto kaagad ako nang almusal namin ni mama at naghanda na rin mamaya sa pagpasok ko.
Tapos na akong maligo at mag-ayos ng mga gamit ko at gumawa na rin ng mga kailangang ipasa para mamaya. Alas singko nang magising si mama, ngumuso siya nang matantong naunahan ko nanaman siyang magising.
"Kanina ka pa gising?" Magkasalubong pa ang kilay niya habang tinatanong 'yan.
"Opo, marami akong hindi ginawa kagabi at tsaka bumalik na 'yong tubig na'tin. Binayaran ni kuya?" Tanong ko habang hinahanda ang lunch ko, baka mamaya ay dumiretso na kami ni Bella sa mansyon ng mga Dela Cuesta kaya sa skwelahan nalang siguro ako kakain ng lunch.
Nagsimula akong pumanhik sa skwelahan.
Mabilis na natapos ang klase namin at tapos na rin akong maglunch kaya niyaya ko nang pumunta sa trabaho namin si Bella. Parehas kaming nakuha kaagad na maging tagapagsilbi. My brother once worked there as a gardener when he was striving hard to help our mother.
But it's weird, we got accepted immediately. Sabi nga ng ilan ay mahirap makapasok sa mga Dela Cuesta. Hindi ko nalang iyon pinansin at mas inisip kung paano ito makakatulong sa'min.
"Ayoko na! Nakakapagod na maging studyante!" Nakangusong reklamo ni Bella nang nasa daan na kami papunta sa mansyon.
Nagpasya kaming maglakad nalang dahil medyo malapit naman iyon sa skwelahan namin at parehas naming ayaw na gumastos.
Natawa ako sa sinabi niya. "Nasa ikalawang buwan palang tayo, Bella."
"Buti talaga college na tayo next year! Malapit na rin ang birthday mo ah? Pwede kanang makulong, Leona." Medyo bumalik na ang sigla niya at bumalik ang ngisi niya.
Inirapan ko siya. "Ikaw rin naman."
Binilisan ko ang lakad ko at kaagad kaming nakarating sa Mediterranean-Spanish Style na mansyon ng mga Dela Cuesta. Kaagad kaming pumasok sa nakabukas na gate, nakabukas kasi ang driveway gate nila.
"Nasa likod si Ayen, tulungan niyo siyang pagsilbihan ang kakarating lang na mga apo ni Don Lorenzo!" Utos sa'min ni Lola Selya, ang mayordoma.
Dali-dali kaming pumunta ni Bella sa likod papunta kay Ayen.
Mabilis ang lakad namin dahil medyo malayo pa kami sa dulo. Naglakad na kami papunta sa isang malaking pool at ang gazebo na may isang mahabang wooden sofa, dalawang wooden chair at wooden table. Nasa harapan naman noong gazebo 'yung pool.
Napatigil kami nang makita ang eksena. It was a tall man with a nice built, nakatalikod ito sa'min at marahas na nakahawak sa braso ng kapatid ni Bella.
"I will pick it up! Leave!" galit na sigaw nito kay Ayen, na nanginginig na ngayon sa takot.
Napatingin naman ako kay Bella na ngayon ay mukhang galit na galit na dragon at handa nang bugahan ng apoy ang lalakeng nakahawak sa kapatid niya. Nanlalaking mata na hinila ko si Bella nang tinulak niya ang nakahawak kay Ayen.
Gulat namang napatingin sa'min ang iba pang naroon maging si Ayen ay naistatwa nang makita ang ate niyang galit.
"Huwag mong saktan ang kapatid ko!" Galit na ani ni Bella habang tinatanong na ngayon ang kapatid.
Mas lalo akong nagulat nang tinulak siya ni Ayen at tumakbo papunta sa dinaanan namin kanina. I hope that she will successfully reach the top without getting hurt.
Bella scoffs in disbelief.
Napatingin ako sa lalaking tinulak ni Bella, his russet brown eyes are looking at me intently and not a single emotion isn't evident. Nakapamulsa na siya ngayon sa suot niyang black na shorts at white na shirt.
"You're fired." Malamig na ani niya at dumapo ang mga matang iyon kay Bella.