bc

Teach Me How To Love You (Love in Disguise Book 2)

book_age16+
5.1K
FOLLOW
22.6K
READ
billionaire
goodgirl
boss
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
virgin
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Simple lang ang pangarap ni Mariella, iyon ay ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang mga magulang. Ngunit sa hirap ng buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho bilang cashier sa isang malaking supermarket.

Masaya na siya sa kanyang trabaho dahil kahit paano ay may naitutulong siya sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Ngunit ang tahimik niyang mundo ay biglang nagulo nang dumating si Jed.

Unang tingin pa lang ni Mariella kay Jed ay iba na ang pakiramdam niya. Hindi ito bagay na maging simpleng bagger lang. Mas bagay itong maging artista o modelo dahil sa angking kaguwapuhan nito.

Lalo siyang napalapit sa binata nang i-assign ito sa counter niya bilang kasama niyang bagger. Wala pa itong experience sa trabaho kaya kinakailangan pa niya itong turuan.

Akala ni Mariella ay magtatagal sa trabaho si Jed ngunit bigla na lang itong nawala pagkaraan ng tatlong buwan. Ang masama pa ay tinangay ng binata ang puso niya sa pag-alis nito.

Nang muling magkrus ang kanilang landas ay saka na-realize ni Mariella kung gaano kalayo ang agwat nila ni Jed. Kaya ba niyang tawirin ang daan patungo sa puso ng binata? O babawiin na lang ang puso niyang ninakaw nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
“WHAT? ARE you serious, Lolo? Gagawin mo akong trabahador sa hypermarket?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Jed sa abuelo. Daig pa niya ang nasabugan ng bomba sa narinig. Dilat na dilat ang kanyang dalawang mata habang nakatitig sa matanda. Napangisi si Don Januario. “Bakit ayaw mo ba?” nakataas ang kilay na tanong nito sa apo. Napakamot ng kanyang ulo si Jed. “Hindi naman ako pinag-aral nina Mama at Papa ng MBA sa Harvard para lang maging trabahador sa mismong hypermarket. Sabihin mong nagbibiro ka lang, Lolo.” Umismid ang matanda. “Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, bata. Anong akala mo sa sarili mo? Porke’t anak ka ng iyong ama at apo kita, basta ko na lang ibibigay ang The King’s Hypermart nang gano’n na lang. Ibinibigay ko lang ang mga negosyo ko sa mga taong karapat-dapat. Wala sa usapan namin ng iyong Papa na ibibigay ko sa iyo ang hypermarket sa oras na makatapos ka ng MBA. Kung anuman ang usapan ninyo ng Papa mo, wala akong kinalaman doon,” seryosong pahayag ni Don Januario. Napabuga ng hangin si Jed. “Wala namang sinabi si Papa na ganoon ang mangyayari. Ang sabi lang niya kailangan kong tapusin ang MBA ko para maging handa ako sakaling ibigay mo sa akin ang pamamahala ng TKH,” depensa ng binata. “So, inaasahan mong ibibigay ko nga sa iyo ang hypermarket?” napapailing na tanong ng matanda. Napahugot nang malalim na hininga si Jed. “Kung gusto po ninyo. Pero…hindi ko kayo mapipilit kung ayaw ninyo. Willing naman ako na magtrabaho sa iba ninyong negosyo kung hindi puwede sa TKH.” Marahas na umiling ang matanda. “Hindi ka maaaring magtrabaho sa iba pang negosyo ng pamilya. Gusto ko na sa hypermarket ka magtrabaho pero magsisimula ka bilang bagger. Hindi bilang manager,” matigas nitong wika. Naihilamos ni Jed ang isang palad sa kanyang mukha. “Hindi ko maintindihan ang gusto mong mangyari, Lolo. Paano mo maaatim na gawin akong pangkaraniwang trabahador samantalang apo mo ako? Hindi mo naman siguro ampon ang Papa ko o kaya anak sa labas para gawin mo ito sa akin,” naiiritang sambit niya. “Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Totoong anak ko ang Papa mo. Anak namin  siya ng Lola mo. Paano mo naisip na ampon lang siya o isang bastardo?” nanlilisik ang mga matang usisa ni Don Januario. “Ipagpaumanhin po ninyo, Lolo,” nakayukong wika ni Jed. “Naisip ko lang po kasi na pinaparusahan ninyo ako dahil kay Papa. Wala po akong masamang intensiyon sa sinabi ko.” Narinig ng binata ang malalim na buntunghininga na pinakawalan ng kanyang Lolo. “Wala rin naman akong masamang intensiyon sa sinabi ko na magtrabaho ka bilang bagger sa hypermarket. Ang gusto ko lang naman ay matutunan mo kung paano magtrabaho bilang pangkaraniwang empleyado. Kung mararanasan mo ang ginagawa ng mga pangkaraniwang trabahador malalaman mo rin ang kanilang kalagayan. Magagamit mo ang lahat nang matutunan mo para mas maging maayos ang pamamalakad mo kapag ikaw na ang nasa itaas. Ang Papa mo kasama na ang lahat ng mga uncle mo ay dumaan sa ganyang proseso bago nila narating ang mataas nilang posisyon ngayon. Kaya ganyan din ang mangyayari sa inyo ng mga pinsan mo bago ipasa sa inyo ang pamamahala alinman sa negosyo ng pamilya,” paliwanag ng Lolo niya. Natahimik si Jed. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kanyang abuelo. “Kung hindi ka papayag sa gusto kong mangyari, malaya kang maghanap ng trabaho sa ibang kompanya. Ngunit huwag mong aasahan na ipapamana ko sa iyo ang hypermarket balang araw. Kung hindi ka naghirap para sa negosyong iyon, wala kang karapatan na angkinin ito pagdating ng panahon. Mawala man ako sa mundong ito, hindi magbabago ang patakarang iyon para sa lahat ng nagnanais na mamahala ng mga negosyong iiwan ko. Hindi ikaw o sinuman sa mga pinsan mo ang makakapagpabago ng isip ko,” mariing pahayag ni Don Januario. Napakagat ng kanyang pang-ibabang labi si Jed. Lalo siyang walang masabi sa narinig mula sa matanda.   “BAD NEWS din ba ang natanggap mong balita?” bungad ni Lexter paglabas ni Jed sa opisina ng kanilang Lolo. Imbes na sagutin ang tanong ng pinsan ay nagpakawala nang malakas na buntunghininga si Jed bago ito umupo sa tabi ni Eliad. “Hindi talaga ako makapaniwala sa nais mangyari mangyari ni Lolo. Ang sabi niya ay magiging bagger daw muna ako sa hypermarket bago niya akong gawing General Manager,” naiiling na wika ni Jed habang nakatitig sa dalawa niyang pinsan. “At least ikaw bagger lang, kahit paano ay mas disente iyon. Ako kaya, gusto niyang maging janitor sa opisina ng Phoenix Airlines. Sa itsura kong ito, mukha ba naman akong tagalinis lang?” magkasalubong ang kilay na himutok ni Lexter. Napailing na lang si Jed. Hindi niya alam kung paano magre-react sa narinig mula rito. “Ikaw, Eliad, ano naman ang sinabi sa iyo ni Lolo na gagawin mo?” usisa ni Jed sa isa pa nilang pinsan. “Mahilig akong magluto kaya gusto kong i-manage ang His Vineyard Restaurant. Pero hindi man lang pumasok sa isip ko na gagawin akong delivery man ni Lolo bago niya ipahawak sa akin ang restaurant. Nag-aral pa man din ako ng Culinary Arts at Restaurant Management sa Culinary Institute of America tapos babagsak lang ako sa pagiging delivery man. Sana kahit man lang waiter para mas maayos naman. Hindi iyong delivery man,” seryosong tugon ni Eliad. “Mahilig ka kasi sa motorsiklo kaya bagay lang sa iyo,” kantiyaw ni Lexter. “Huh? Iyan ang akala mo. Mabuti nga sana kung magagamit ko ang Harley Davidson ko. Pero hindi naman. Ang gagamitin ko raw iyong motorsiklo na may tatak ng restaurant. Baka hindi ko pa mapatakbo iyon ng otsenta,” nagkakamot ang ulong sambit ni Eliad. Napailing na lang si Jed. Seryoso nga talaga ang Lolo niya sa plano nito. Hindi talaga sila makakarating sa pagiging General Manager o CEO hanggang hindi sila dumadaan sa hirap. “Kaya ba natin ang ipinapagawa ni Lolo?” usisa ni Jed. “Kakayanin ko. Hindi ko puwedeng i-give up ang His Vineyard. Sayang naman ang pinag-aralan ko kung ngayon pa lang ay susuko na ako. Hindi ko gustong magtrabaho sa iba. Hindi rin naman ako puwedeng magtayo ng sarili kong restaurant dahil bukod sa wala akong pera, hindi rin ako tutulungan nina Daddy. Sang-ayon sila sa gustong mangyari ni Lolo,” katwiran ni Ellon. “Lalo naman ako. Wala na akong ibang mapuntahan kapag hindi ako tutuloy sa Phoenix Airlines. Siguradong pagtatawanan ako ng mga nakakakilala sa pamilya natin kapag nag-apply ako sa ibang airlines. Kaya tatanggapin ko na lang ang alok ni Lolo. Bakit ikaw, Jed, may plano ka bang tumanggi?” tanong ni Alex. Malungkot na napailing si Jed. “Susunod ako sa gusto ni Lolo. Ang sabi nga niya, hindi masasayang ang oras at pagod natin sa ipinapagawa niya. Saka malay natin, baka mag-enjoy din tayo sa magiging trabaho natin,” pampalubag-loob niya. “Magdilang-anghel ka sana,” hiling ni Eliad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook