Maureen Joyce Rodriguez
Umupo sa tapat ko si Daniella, hindi ko man lang siya pinansin dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa huling sinabi ni Tito sa akin.
"Parang kanina pa ang lalim ng iniisip mo uh? Saan ka ba nag punta kahapon at hindi kana nakabalik?"
Oo nga pala, hindi na ako bumalik kahapon dahil muling bumalik si Tito at sinabi niya na pwede niya ako dalhin sa puntod ni dad dahil na i-cancel niya na ang appointment niya. Nung umuwi ako takang taka si mama dahil na mumugto ang mga mata ko kaya nirason ko nalang dahil sa panonood namin ng movie sa cine, nakakaiyak kaya ganyan nangyari sa mata ko.
"Alam mo ba ang yaman-yaman ko pala, Dani." Sabi ko, hindi parin ako makapaniwala sa mana na iniwan ni daddy sa akin, sinabi ni Tito ang lahat ng yun sa puntod ni dad, nasa pangalan ko lahat ang mga iniwan ni dad.
Napatawa si Daniella sa sinabi ko. "Kulang ka siguro sa tulog o sa kain kaya kung ano-ano lumalabas sa bibig mo."
Umiling ako. "Totoo Daniella. You're right my dad is rich" Bulong kong sabi, ayoko kasi malaman ng iba ang tungkol dito baka kidnapin na lang ako o ano. "Nahanap ko na ang daddy ko." Kumunot noo ni Daniella kaya ikinikwento ko sa kanya lahat ng pinag usapan namin ni Tito.
"Girl! Nakajack pot ka! Pero paano yan? Hindi ka pa kasal hindi mo makukuha ang mamanahin mo? Ang problema pa dyan wala kang balak ikasal dahil nga hindi ka naniniwala sa pag ibig." Sabi ni Daniella, yun kasi sabi ni Tito dahil yun ang nakasaad sa will na kailangan kinasal na ako para makuha ko ang mga iniwan ni dad.
I sigh. She's right, malaking problema para sa akin yun. "Ito na makakatulong sa pinapangarap ko pero paano?"
"Tutal kapatid naman ng daddy mo yun eh baka makiusapan mo."
Napaisip ako. "Pupuntahan ko siya sa firm niya bukas at kakausapin ko siya pagkatapos si mama naman ang kausapin ko."
"Paano yung lola mo?"
Nagkibit balikat ako. "Iisipin ko lang siya pag nalaman niyang nakuha ko na ang mga minana ko kay dad."
"Huwag mo akong kalimutan, Mau kapag mayaman kana, baka kalimutan mo nalang ako at magkaroon ka na ng ibang kaibigan."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Baliw, hindi pwedeng ako lang yung aahon dapat ikaw din." Masaya kong sabi, hindi parin nawawala sa isip ko ang mga mamanahin ko sa daddy ko.
Si mama din dapat makausap ko na siya tungkol dito, she can't say no to this. We are talking about our future to this, I don't care kung iisipin ng lola ko na pera lang ang habol ko.
Actually hindi sapat kung anong meron ako ngayon, maybe kung nakuha ko na ang mana ko baka masasabi kong sapat na yun.
And I have the rights to his will dahil para sa akin naman din yun, kesa mapunta yun sa wala dahil ako lang naman ang may karapatan makuha yun.
°
NASA tapat na ako ng firm ni Tito, inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok. Nakapag paalam na ako sa boss namin na aabsent ako buti pinayagan niya ako kaya hindi na ako nahirapan mag reason out pa sa kanya.
Sikat ang firm ni Tito kaya hindi ako nahirapan hanapin ito. At lahat ng attorney na meron siya puro's magagaling din.
"Any appointment?" Tanong sa akin ng isang babae pag pasok sa loob ng building na yun.
Lumapit ako dito. "Ricardo Suarez po."
"Speaking?"
"I am his niece."
"Name?"
"Maureen Joyce Rodriguez" pagkasambit ko yun, pinulot niya ang telepono mga ilang Segundo may kausap na siya sa kabilang linya.
"Okay sir." Binaba na niya ang telepono. "This way ma'am."
Sumunod naman ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin yun, sumakay kami sa elevator at pinindot nung babae ang 10th floor.
Pagkalapag namin sa 10th floor binigyan niya ang ng direction bago siya bumalik sa loob ng elevator. "Just turn left, and then you can see his name written at the door." Pagkatapos iniwan na niya ako.
Kaya sinundan ko yung utos niya.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang lalaki, he looks mad. Niluwag niya ang tie na gamit niya at pagbagsak niyang sinira muli ang pinto.
Tumabi agad ako para hindi ko siya maharangan sa daan, baka kasi sa galit nito lilipad nalang ako ng hindi nito nalalaman.
I sigh.
Paglingon ko pinto na pala yung ni lilean ko, napangiti ako nung makita ko yung pangalan ni Tito sa door. I knock bago ako pumasok, to be aware na my tao sa labas ng pinto niya.
"Come in." Yan agad narinig ko pag bukas ko ng pinto.
Matthew Gael Chavez
"Bilyonaryo kana, Matt. Bakit gustong-gusto mo pa makuha ang mga meron ng dad mo? Dahil kung tutuusin lang mas mayaman ka pa sa daddy."
"And then what? Ang bastardo niyang anak ang makakuha ng lahat ng yun?" Galit kong tanong sa kanya. "I won't let him kahit centimos pa yan, wala siyang makukuha sa ama ko."
Napailing si Tito.
Nicholas Javier is my dad best friend at siya din ang attorney ng pamilya namin.
"I thought you're not interested any of this?"
"Yes. Pero nag bago ang lahat ng yung nung nalaman kong may anak siyang bastardo."
Akala ko trabahante niya lang yung bastardo niya, hanggang nung last year nalaman kong siya ang magiging CEO sa kompanya ni dad then nag karoon ako ng interest sa lahat ng meron si dad.
Hindi ko hahayaan na lahat ng pawis at luha ng magulang ko ay mapupunta lang sa kanya, his only my half brother kaya hindi pwedeng may makuha siya!
"Alam ba ng daddy mo ito?" Umiling ako, kung hindi lang ako naging busy sa Paris baka last year pa ako gumalaw para makuha ang mga ari-arian ni dad. "You know what you need to do para makuha ang pag aarian ng dad mo?"
Umiling ako. He sigh "You need to get married first" hindi ako makasalita sa sinabi niya. "But how? When you and Jackie just broke up last year?"
"No!" Matigas kong sabi "I'll do everything makuha ko ang lahat na hindi dapat para sa kanya!"
Napailing siya sa sinabi ko, sa inis ko lumabas ako sa office niya ng walang paalam. Dahil sa nag didilim mga paningin ko hindi napansin ang babae sa dinadaan ko buti nalang tumabi siya kaagad.
I swear, I'll do everything just to get what is mine.