NAPANGIWI si Irene nang mapatingin sa kanyang relo. Pasado alas-dos na at nasa Makati pa rin siya. May kliyente siya na katatagpuin pa niya sa Quezon City ng alas-tres at kakatapos lang niya sa kanyang appointment sa teacher ni Nicollo—ang anim na taong gulang na anak. Ngayon kasi ang bigayan ng first monthly grading grade card nito at required ang mga magulang na pumunta para kunin ang card. Maayos naman ang grades ng anak niya. Inaasahan na niya iyon. Kahit working mom ay hindi pa rin niya pinababayaan si Nicollo. Hindi maaaring sa isang araw ay hindi niya tuturuan ang anak. Hindi puwedeng hindi niya ito bibigyan ng oras. Mukha namang paboritong oras ng anak niya ang pag-aaral. Napakasipag at inquisitive na sa edad nito. No wonder na ito ang nangunguna sa klase. Napatagal tu

